16/07/2026
BALITA | Inilabas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sarangani ang Executive Order No. 45, Series of 2026, na nagtatakda ng mga panuntunan para sa pagbabalik ng regular na operasyon ng mga tanggapan at muling pagpapatuloy ng mga klase sa lalawigan.
Sa ilalim ng kautusan, ibinabalik na ang regular na work schedule sa mga opisina ng pamahalaang panlalawigan. Samantala, pinahihintulutan na ring ipagpatuloy ng mga paaralan ang mga klase, batay sa resulta ng isinagawang safety assessment at sa kahandaan ng bawat paaralan.
Ayon sa Executive Order, nananatiling pangunahing prayoridad ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani. Inatasan din ang mga kinauukulang tanggapan na ipagpatuloy ang inspeksiyon at rehabilitasyon ng mga pasilidad na naapektuhan ng nagdaang lindol.
Paalala naman sa mga mag-aaral at magulang, hinihikayat ang lahat na hintayin ang opisyal na anunsyo ng kani-kanilang paaralan hinggil sa eksaktong petsa ng pagbabalik ng klase at sa learning arrangements na ipatutupad.
Patuloy namang nananawagan ang mga awtoridad sa publiko na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga opisyal na abiso upang matiyak ang ligtas at maayos na pagbabalik ng normal na operasyon sa buong lalawigan.