18/06/2025
๐ต๐ญ๐คต๐ปโโ๏ธ
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐. ๐โ๐ป
Isinilang ang liwanagโhindi upang idilat lang ang mga mata, kundi upang pukawin ang bawat kaluluwa. Hindi siya basta gumisingโkundi nagmulat; hindi lamang sa liwanag ng araw, kundi sa katotohanan ng laban. Si Rizal ay hindi nagbulag-bulagan.
Ngayong araw, sa ika-164 na anibersaryo ng kanyang kapanganakan, muling sinisilayan ng bayan ang kanyang diwaโhindi lang sa mga libro o monumento, kundi sa bawat pusong patuloy na naniniwala sa kalayaang may dangal at sa bansang may pagkakakilanlan.
Ating iukit sa pusoโt isipan na ang isang bayaning tulad ni Rizal ay hindi lang alaalaโkundi paalala. Paalala na may laban tayong kailangang ipagpatuloy: laban para sa kalayaan, katarungan, at pagkakaisa. Tayong mga Pilipino ang tagapagmana ng kanyang mithiinโat tagapagtaguyod ng isang makatarungan at makabayang kinabukasan.
Nakikidiwang ang buong Japan-Philippine Institute of Technology sa makabuluhang araw na ito. Sa ating paggunita, taas-noo nating isinasabuhay ang mga prinsipyong kanyang ipinaglaban. Ating ipatuloy ang alab ng pag-asa, prinsipyo, at pagmamahal sa ating bansang Pilipinas.
๐๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐๐ฅ๐ ๐ง๐ข ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ. ๐๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ. ๐๐ต๐ญ
๐๐๐๐ฉ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ฒ: ๐๐ฌ. ๐๐ฆ๐๐ง๐๐ ๐๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ง๐จ ๐จ๐ ๐๐๐๐ ๐๐-๐๐ฒ๐๐ฆ๐