DepEd Tayo - Rueda Elementary School

DepEd Tayo - Rueda Elementary School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo - Rueda Elementary School, Education, Plaridel.

JUNE 18, 2026πŸŽ’πŸ“£ National Simultaneous Earthquake Drill 2026Handa ang bawat batang Rueda, ligtas ang bawat isa!Bilang pak...
19/06/2026

JUNE 18, 2026

πŸŽ’πŸ“£ National Simultaneous Earthquake Drill 2026

Handa ang bawat batang Rueda, ligtas ang bawat isa!

Bilang pakikiisa sa National Simultaneous Earthquake Drill 2026, aktibong nakiisa ang mga mag-aaral, g**o, at kawani ng DepEd Tayo - Rueda Elementary School sa isinagawang earthquake drill. Sa pamamagitan ng tamang pagsasagawa ng "Duck, Cover, and Hold," mas napalalakas ang kamalayan at kahandaan ng bawat isa sa oras ng lindol at iba pang sakuna.

Patuloy nating isabuhay ang kultura ng kahandaan upang mapanatiling ligtas ang ating paaralan at komunidad.







Isang taos-pusong pasasalamat sa Pamahalaang Bayan ng Plaridel sa pangunguna ng ating minamahal na Mayor Ate Jocell Vist...
16/06/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa Pamahalaang Bayan ng Plaridel sa pangunguna ng ating minamahal na Mayor Ate Jocell Vistan Casaje, sa kanyang patuloy na pagmamalasakit sa Rueda Elementary School.

Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong mga ipinagkaloob na donasyon tulad ng pintura, door k**b, light bulbs, at fluorescent lights na malaking tulong sa pagpapanatili ng maayos, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral at mga g**o.

Mula sa buong pamilya ng Rueda Elementary School, sa pamumuno ni Sir Rhey Christopher R. Sanchez, maraming salamat po sa inyong kabutihan, suporta, at malasakit sa edukasyon.

πŸ’™ Ang bawat tulong ay liwanag na nagbibigay pag-asa sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.


June 13, 2026Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng buong pamilya ng Rueda Elementary School, sa pamumuno ng aming Sc...
14/06/2026

June 13, 2026

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng buong pamilya ng Rueda Elementary School, sa pamumuno ng aming School Head, Sir Rhey Christopher R. Sanchez, Head Teacher I, kasama ang lahat ng mga g**o, kay Kap. Butch Bastes, Sangguniang Barangay ng Rueda, at mga Barangay Tanod sa kanilang mahalagang handog na pedestrian lane sa tapat ng ating paaralan.

Ang proyektong ito ay malaking tulong upang masig**o ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, magulang, at iba pang tumatawid araw-araw. Patunay ito ng pagkakaisa at malasakit ng ating barangay para sa edukasyon at kapakanan ng kabataan.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at serbisyo para sa komunidad ng Rueda. πŸ’™




πŸ“šβœ¨ OPENING BLOCK ACCOMPLISHED! βœ¨πŸ“šSa patuloy na pagsusumikap para sa dekalidad na edukasyon at maayos na paghahanda para ...
13/06/2026

πŸ“šβœ¨ OPENING BLOCK ACCOMPLISHED! βœ¨πŸ“š

Sa patuloy na pagsusumikap para sa dekalidad na edukasyon at maayos na paghahanda para sa bagong taong panuruan, matagumpay na naisagawa ng DepEd Tayo - Rueda Elementary School ang mahahalagang Opening Block activities:

βœ… Phil-IRI Administration
βœ… CRLA
βœ… RMA
βœ… Nutritional Status Assessment

Isang patunay ito ng dedikasyon at pagtutulungan ng buong teaching force mula sa pangunguna ng aming Head Teacher I, Sir Rhey Christopher R. Sanchez, upang matiyak ang maayos na pagmomonitor at pagsuporta sa pagkatuto at kapakanan ng bawat mag-aaral.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang paghahanda para sa isang produktibo at matagumpay na school year.



πŸ‡΅πŸ‡­ Maligayang Ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan! πŸ‡΅πŸ‡­Sa paggunita natin sa mahalagang araw na ito, nawa’y manatiling...
12/06/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ Maligayang Ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan! πŸ‡΅πŸ‡­

Sa paggunita natin sa mahalagang araw na ito, nawa’y manatiling buhay sa puso ng bawat Pilipino ang pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, at diwa ng tunay na kalayaan.

Mabuhay ang Pilipinas!

πŸŽ‰ Happy Birthday, Sir Den Mark! πŸŽ‰Sa ngalan ng buong pamilya ng Rueda Elementary School, taos-puso po kaming bumabati ng ...
12/06/2026

πŸŽ‰ Happy Birthday, Sir Den Mark! πŸŽ‰

Sa ngalan ng buong pamilya ng Rueda Elementary School, taos-puso po kaming bumabati ng maligayang kaarawan sa aming masipag, maaasahan, at dedikadong Administrative Officer.

Maraming salamat po sa inyong sipag, malasakit, at tapat na paglilingkod sa ating paaralan. Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at tagumpay sa buhay.

Maligayang kaarawan po, Sir Denmark! God bless you always! πŸŽ‚πŸŽˆ

JUNE 11, 2026Matagumpay na Naidaos ang General Parents' Orientation 2026!Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulan...
11/06/2026

JUNE 11, 2026

Matagumpay na Naidaos ang General Parents' Orientation 2026!

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dumalo at nakiisa sa isinagawang General Parents' Orientation ngayong Hunyo 11, 2026. Ang inyong presensya at aktibong pakikilahok ay patunay ng ating sama-samang hangarin na maitaguyod ang ligtas, maayos, at de-kalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral.

Tinalakay sa pagpupulong ang mahahalagang programa at polisiya ng paaralan sa pangunguna nina:

πŸ“Œ Sir Rhey Christopher R. Sanchez - 3-Term Calendar and School Activities
πŸ“Œ Mam Gladys V. Gatchalian – WINs Program
πŸ“Œ Mam Clarissa S. Ortega – Child Protection and Anti-Bullying Policy
πŸ“Œ Mam Lorna Libunao – DepEd Grading System
πŸ“Œ Mam Lalaine Fabian – School Policies, Rules and Regulations
πŸ“Œ Mam Elaine B. Flores – DRRM and School Safety

Nawa'y magsilbing gabay ang mga impormasyong naibahagi upang higit nating masuportahan ang pagkatuto, kaligtasan, at kabutihan ng ating mga anak. Patuloy tayong magtulungan at magkaisa para sa ikatatagumpay ng bawat mag-aaral.

Maraming salamat at mabuhay ang ating paaralan at mga magulang!


June 11, 2026Mula sa Rueda Elementary School, sa pamumuno ni Sir Rhey Christopher R. Sanchez at buong samahan ng mga g**...
11/06/2026

June 11, 2026

Mula sa Rueda Elementary School, sa pamumuno ni Sir Rhey Christopher R. Sanchez at buong samahan ng mga g**o, kami po ay taos-pusong nagpasasalamat sa Plaridel Water District (PLAWD) sa kanilang bukas-palad na donasyon ng washing facilities para sa aming paaralan. Ang inyong suporta ay malaking tulong sa pagpapanatili ng kalinisan, kalusugan, at kaligtasan ng aming mga mag-aaral at kawani.

Ang inyong kabutihang-loob ay patunay ng tunay na malasakit sa edukasyon at kapakanan ng komunidad. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at suporta sa mga programa ng paaralan.


June 10, 2026Isang taos-pusong pasasalamat po kay Mayor Ate Jocell Vistan at Konsehala Aimee Marquez San Gabriel sa kani...
10/06/2026

June 10, 2026

Isang taos-pusong pasasalamat po kay Mayor Ate Jocell Vistan at Konsehala Aimee Marquez San Gabriel sa kanilang patuloy na pagmamalasakit sa edukasyon at kapakanan ng ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng school bags at school supplies para sa ating mga mag-aaral sa Grade 1 at Grade 2.

Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong suporta at malasakit na nagbibigay inspirasyon at motibasyon sa ating mga kabataan upang higit na pagbutihin ang kanilang pag-aaral.

Mula po sa buong pamilya ng Rueda Elementary School, sa pangunguna ni Sir Rhey Christopher R. Sanchez, kami po ay taus-pusong nagpapasalamat sa inyong kabutihan at dedikasyon sa paglilingkod sa mamamayan.

Maraming salamat po muli, Mayor Ate Jocell Vistan at Konsehala Aimee San Gabriel! Sama-sama po nating itaguyod ang dekalidad na edukasyon para sa bawat batang Ruedanian. πŸ“šπŸŽ’βœ¨


MAHALAGANG ANUNSYOPARENTS' ORIENTATION S.Y. 2026-2027Kailan: JUNE 11, 2026 - HuwebesOras: 2:00 ng HaponSaan: Brgy. Rueda...
09/06/2026

MAHALAGANG ANUNSYO

PARENTS' ORIENTATION S.Y. 2026-2027

Kailan: JUNE 11, 2026 - Huwebes
Oras: 2:00 ng Hapon
Saan: Brgy. Rueda Covered Court

Ang lahat po ay inaasahan na dumalo para sa ating unang pangkalahatang Parents' Orientation ng Rueda Elementary School.

Sama-sama po nating suportahan ang ating paaralan para sa ikauunlad ng edukasyon para sa mga bata.


Address

Plaridel
3004

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo - Rueda Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tayo - Rueda Elementary School:

Shortcuts

Share

Category