05/09/2025
π’ Paanyaya sa Paglahok
PAGLIKHA NG TULA PARA SA SU***DE PREVENTION MONTH
Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral ng Dr. Victoria B. Roman Memorial High School na makibahagi sa Paggawa ng Tula bilang bahagi ng ating pagdiriwang ng Su***de Prevention Month.
Sa pamamagitan ng malikhaing pagsulat, maipapahayag natin ang kahalagahan ng buhay, pag-asa, at suporta sa isaβt isa.
π Tema at Kategorya ng Tula
Pag-asa at Katatagan β pagpapatuloy ng buhay at pagtindig muli.
Pagmamahal at Suporta β halaga ng pamilya, kaibigan, at komunidad.
Kalusugang Pangkaisipan β pag-unawa at pangangalaga sa sarili.
Pagpapahalaga sa Sarili β βMahalaga ako, sapat ako, at may saysay ang aking buhay.β
Pag-iwas at Pagkilos β paano tayo makakatulong sa isaβt isa.
π Instruksyon sa Paglahok
Uri ng Tula: Malayang Taludturan o may Tugma at Sukat
Haba: 10β20 linya
Wika: Filipino o Ingles
Petsa ng Pagsumite: Setyembre 9, 2025
Pag-aanunsyo ng Nanalo: Setyembre 10, 2025
Pamantayan sa Pagpili ng Pinakamahusay na Tula:
Pagiging makahulugan β 40%
Orihinalidad at Malikhaing Pagsulat β 30%
Kaugnayan sa Tema β 20%
Porma at Estruktura β 10%
π Gantimpala
Tatlong (3) Pinakamahusay na Tula ang pipiliin.
Ang mga ito ay ipapaskil sa School Bulletin Board at sa Opisyal na page ng Paaralan.
Ang bawat nagwagi ay tatanggap ng:
Sertipiko ng Pagkilala
Cash Prize (ipapadala sa pamamagitan ng GCash)
Ipinaaalam na ang lahat ng pagsusumite ng tula ay kailangang ipasa sa Tanggapan ng Gabay (Guidance Office). Mangyaring isumite ito sa itinakdang oras. Maraming salamat.