29/04/2020
ATTENTION:
Sa mga magulang o guardian ng mga mag-aaral at transferees ng SIMSIMAN HIGH SCHOOL, dahil sa COVID-19 pandemic na hindi natin alam kung kailan matatapos(sana sa madaling panahon), ipinapaalam namin sa inyo ang plano ng DepEd kung paano ipagpapatuloy ang pagbibigay edukasyon sa aming mga mag-aaral kung sakaling magpatuloy ang ating kasalukuyang suliranin. Upang mas lalong mapaghandaan at maging kaaya-aya ang resulta ng mga planong ito, kami ay nagsasagawa ng isang survey tungkol sa kung anong “Modality of Learning” na inilalarawan sa ibaba ang maaring angkop sa inyong mga anak sa darating na pasukan.
Sa 5 modalities, ang posibleng applicable sa atin ay ang mga sumusunod:
1. Online Learning and Teaching (OLT);
2. Modular Learning (ML); at
3. Classroom-Based Instruction/ Face-to-Face Instruction (CBI/FFI)
Ang Home-Based Schooling (HBS) ay pang Kinder to Grade 3 lamang at ang Radio-Based Instruction (RBI) ay may babayarang airtime sa local na radio station.
Kung sakaling may mga katanungan kayo tungkol dito, huwag mag atubiling magtanong. Ang inyong tugon ay lubha naming kinakailangan. Maaring gumamit ng abbreviation lamang (OLT, ML, o CBI) sa inyong tugon. Maraming salamat.
MODALITIES OF LEARNING
1. Online Learning and Teaching (OLT)
Ang mag-aaral ay tuturuan sa pamamagitan ng kagamitang panteknolohiya katulad ng cellphone,computer tablet o laptop.
Ang mga mag-aaral at ang g**o ay maaring nasa kani-kanilang pamamahay lamang. Walang harapan na magaganap sa pagitan ng g**o at mga mag-aaral
Dapat may malakas na internet koneksyon ang g**o at mga mag-aaral.
Dapat nakarehistro ang g**o at mga mag-aaral sa Zoom, Lark o kahalintulad na electronic applications na syang magsisilbi nilang virtual classroom.
Ang mga aralin ay magmumula sa DepEd Commons o iba pang online sources. Doon kukunin o ibabase ng g**o ang mga summative test at periodical test ng mga mag-aaral
Ito ay hindi rekomendadado kung walang electronic gadgets katulad ng android/smart cellphones o computer laptops at malakas na signal ng internet.
2. Modular Learning (ML)
Ito ay isang uri ng pag-aaral kung saan ang mag-aaral ay bibigyan ng learning material/aklat/modyul sa bawat subject o asignatura.
Ang bawat asignatura ay may nakatalagang isang g**o na syang magvalidate/magpapatunay na natutoto ang mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang mga kasagutan sa mga gawaing nasa modyul.
Dapat marunong magbasa ang mag-aaral at naiintindihan nito ang kanyang binabasa lalung-lalo na ang mga layunin sa bawat aralin/topic.
Dapat alam nya rin kung anu-ano ang mga bagay-bagay na dapat niyang gamitin upang maisagawa at matutunan ang leksyon/topic at kung paano nya susukatin ang kanyang mga natutunan sa naturang leksyon.
Ang mga mag-aaral na nasa ika-apat hanggang ika labindalawang baitang lamang ang maaring mabigyan ng ganitong uri ng pag-aaral.
Dapat ang mag-aaral nito ay pumasa sa Independent Learning Readiness Test, the Philippine Informal Reading Inventory in English and Filipino at Mathematical Ability Test.
Ang mga learning materials na maaring gamitin dito ay mga EASE Modules, Self Instructional Materials at iba pang modyuls na gawa ng mga g**o na may mabuting kalidad at angkop sa K to 12 kurikulum.
3. Home-Based Schooling (HBS)
Ang uri ng alternatibong pag-aaral na ito ay para lamang sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Ikatlong Baitang (Kindergarten to G3).
Ibinibigay ito sa naturang mga mag-aaral sa bahay katulong ng kanilang mga magulang o guardians na syang gagabay at magpapaintindi sa mg bata tungkol sa knilang dapat pag-aralan o matutunan sa lahat ng asignatura mayroon sa lebel ng mag-aaral.
Ang mga kagamitang maaring gamitin dito ay ang mga aklat ng K to G3, mga leksyon mula sa DepEd Commons, mga inihandang video lessons ng mga g**o at iba pang angkop na mga kagamitan o learning materials.
Ang bawat g**o ng kindergarten hanggang G3 ay magsisilbing tagapagdaloy/facilitator ng HBS na sya ring magpapatunay/validate ng mga kaalaman at kakayahang nakukuha ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsagawa ng summative test.
Ang g**o at ang magulang o guardian/tagapag-alaga ay lalagda sa isang kasunduan na may sumusunod na nilalaman:
a. Inaasahan ng paaralan sa mag-aaral;
b. Inaasahan ng paaralan sa mga magulang’guardian;
c. Mga learning competencies na dapat ituro at petsa ng pagsumite ng mga outputs;
d. Ang papel ng g**o at ng magulang/guardian sa ganitong uri ng pag-aaral;
e. At iba pang kinakailangang idagdag.
4. Classroom-Based Instruction/ Face-to-Face Instruction (CBI/FFI)
Ito ang uri ng pag-aaral na karaniwang nangyayari sa paaralan sa normal na panahon.
Subalit, dahil sa COVID-19 pandemic, ang mga sumusunod na pagbabago ay ipapatupad:
a. Ang bawat klase ay lilimitahan ng hanggang dalawampung mag-aaral lamang upang maipatupad ang social distancing. Dalawang upuan ang pagitan ng bawat mag-aaral.
b. Ang bawat isa ay magusuot ng mask. Walang pangkatang gawain na magaganap upang maisawan ang close contact sa bawat isa.
c. Magkakaroon ng shifting ang mga klase. Ang klase na may 40 na mag-aaral ay hahatiin sa dalawang shift.
d. Ang unang shift o grupo ng 20 mag-aaral ay magkakaroon lamang ng klase bawat Lunes at Martes. Ang pangalawang grupo naman ay sa Miyerkules at Huwebes.
e. Ang Biyernes ay ilalaan ng g**o para sa paghahanda ng kanyang kagamitang pangturo o Instructional materials (IMs), paggawa ng kanyang Learning Management Plan at pagwawasto/check ng mga output ng mga mag-aaral.
f. Rekomendadao ito sa mga mag-aaral na hindi pwede sa online learning and teaching at modular learning.
5. Radio-Based Instruction(RBI)
Ito ay uri ng pag-aaral sa pamamagitan ng radio broadcast.upang ipaabot sa mga mag-aaral ang mga leksyon kung saan man sila naroon na maaring maabot ng broadcast ng radio station.
Ang paglalahad ng mga aralin ay ginagawa ng isang competent teacher-anchor. Maari nitong gamitin ang anumang modyul sa kahit anong antas/ baitang na mayroon siya. Sa panahon ng broadcast/klase, ang mag-aaral ay dapat may hawak na modyul na pareho sa modyul na ginagamit ng teacher-anchor.
Ang bawat asignatura/subject/learning area ay mayroong RBI facilitator na syang magpapatunay/validate ng mga natutunan ng mga mag-aaral sa modyul na knilang pinag-aralan. Dapat alam niya ang skedyul ng broadcast ng kanyang asignatura para marinig nya kasama ng mga mag-aaral ang tinatalakay na aralin.
Ang validation ay gagawin pagkatapos ng enhanced community quarantine/lockdown.