16/07/2026
๐ข ๐ข๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ก๐ก๐ข๐จ๐ก๐๐๐ ๐๐ก๐ง
In compliance with DepEd Order No. 7, s. 2026, on Media Management Guidelines and the standardized naming convention for official Department of Education social media platforms, our official page name has been updated.
Previous Page Name: Jose S. Galang ES
New Official Page Name: ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ ๐๐ผ๐๐ฒ ๐ฆ. ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น
This change takes effect immediately and aligns with DepEd's efforts to strengthen institutional identity and ensure consistency in official communication channels.
We encourage everyone to follow, like, and share updates from our official page under its new name.
Thank you for your continued support.
06/07/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | Muling nagsama-sama ang Joseanians sa isinagawang Flag Raising Ceremony ngayong araw na naging makabuluhan at puno ng inspirasyon.
Bilang pagkilala sa disiplina at pagiging huwaran ng ating mga mag-aaral at g**o, isinagawa ang Awarding Ceremony para sa PROJECT WATCH: Beat the Bell Award at Punctuality Star Award. Taos-puso naming binabati ang lahat ng mga tumanggap ng parangal dahil sa kanilang pagpapakita ng pagiging responsable, maagap, at disiplinado sa pagpasok sa paaralan. Tunay na kayo ay inspirasyon sa buong komunidad ng Josenians.
Kasunod nito, nakibahagi ang ating mga mag-aaral sa panonood ng 10th Anniversary Commemoration of the 2016 South China Sea Arbitral Award, isang gawaing naglalayong palawakin ang kanilang kaalaman at kamalayan tungkol sa mahahalagang usaping may kaugnayan sa kasaysayan, soberanya, at pambansang pagkakakilanlan ng Pilipinas.
Nagbigay rin ng malaking biyaya ang The Gideons International sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga Bibliya sa ating mga mag-aaral. Lubos ang aming pasasalamat sa kanilang kabutihang-loob at suporta sa pagpapalaganap ng mga pagpapahalagang espiritwal at moral sa kabataang Joseanians.
Ang araw na ito ay nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng disiplina, pagiging makabayan, at pananampalataya bilang mga pundasyon ng isang mahusay at responsableng mamamayan.
Muli, binabati namin ang lahat ng mga awardees at nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na programa ngayong araw.
01/07/2026
๐ฟ๐ฅ Ngayong Buwan ng Nutrisyon, kaisa ang Jose S. Galang Elementary School sa pagsusulong ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan. ๐ฅ๐ฟ
Sa temang โNutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan,โ binibigyang-diin ng pagdiriwang ngayong taon ang mahalagang ugnayan ng malusog na pamumuhay at responsableng pangangalaga sa ating kapaligiran. Ang isang ligtas, malinis, at masaganang kalikasan ay susi sa pagkakaroon ng sapat at masustansyang pagkain para sa bawat mag-aaral.
Bilang bahagi ng adhikain ng paaralan na mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng mga bata, patuloy na isinusulong ng Jose S. Galang Elementary School ang mga programang tulad ng School-Based Feeding Program (SBFP) at Gulayan sa Paaralan Program (GPP) na naglalayong mapalakas ang nutrisyon ng mga mag-aaral at mahubog ang pagpapahalaga sa pagtatanim at pangangalaga sa kapaligiran.
Sama-sama nating itaguyod ang wastong nutrisyon at pangalagaan ang kalikasan upang makamit ang mas malusog, mas ligtas, at mas masaganang kinabukasan para sa lahat.
๐๐ฑ Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!
23/06/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Jose S. Galang Elementary School sa pagbisita ng Public School District Supervisor na si Maโam Gemma C. Tan. Ang kanyang pagbisita ay nagsilbing paalala sa kahalagahan ng paghubog ng mabuting pag-uugali at tamang pagpapahalaga (values) ng mga mag-aaral bilang pundasyon ng kanilang pagkatuto.
Kasabay nito, minonitor din ni Maโam Tan ang mga pasilidad ng paaralan upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng kapaligiran para sa mga mag-aaral at g**o.
Patuloy namang pinagtitibay ng paaralan ang pagsasagawa ng mga programang magpapalakas sa disiplina, paggalang, at responsableng pag-uugali ng mga bata, kaakibat ng pagbibigay ng dekalidad na edukasyon.
19/06/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | Nakibahagi ang Jose S. Galang Elementary School sa Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill nitong June 18, 2026, ganap na 9:00 ng umaga.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at kahandaan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani sa tamang pagharap sa lindol.
Patuloy tayong magsanay at maging handa para sa kaligtasan ng bawat isa.
12/06/2026
๐ข ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ต๐พ๐๐ฎ๐ธ๐ฒ ๐๐ฟ๐ถ๐น๐น 2026 ๐ข
Matagumpay na naisagawa ang Earthquake Drill, Hunyo 11, 2026 sa Jose S. Galang Elementary School.
Ang aktibidad ay isinagawa upang mapalakas ang kahandaan at kaalaman ng mga mag-aaral, g**o, at kawani sa tamang pag-iingat sa oras ng lindol.
Sama-sama nating isulong ang kaligtasan at kahandaan para sa lahat! ๐
12/06/2026
Maligayang Araw ng Kalayaan! ๐ต๐ญ
Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagpupugay sa katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani na nagbukas ng landas tungo sa ating kasarinlan.
Nawaโy magsilbing inspirasyon ang kanilang pamana upang patuloy nating mahalin ang bayan, pahalagahan ang kalayaan, at magkaisa para sa mas maunlad na kinabukasan ng bansa.
12/06/2026
Buong pasasalamat na tinatanggap ng Jose S. Galang Elementary School ang donasyon na 2 Futsal Goal Posts na malaking tulong sa pagpapaunlad ng sports program ng ating paaralan. โฝ๐ฅ
Ang mga nasabing kagamitan ay buong pusong ipinagkaloob nina:
๐๐ผ๐ฒ๐บ๐ฎ๐ฟ ๐ฆ๐ฎ๐น๐๐ฎ๐๐ถ๐ฒ๐ฟ๐ฎ
๐ฅ๐ผ๐บ๐บ๐ฒ๐น ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฝ๐ถ๐ป
Maraming salamat po sa inyong kabutihang-loob at suporta sa ating mga mag-aaral. Ang inyong donasyon ay magsisilbing inspirasyon upang mas mapalakas ang kanilang interes at kakayahan sa larangan ng sports, lalo na sa futsal. ๐