ACT NCR UNION Pasig Chapter

ACT NCR UNION Pasig Chapter

Share

ACT NCR Union is the ONLY CSC Accredited Union in the Region. CSO Accredited.

ACT NCR Union Pasig is a Local Division Union Chapter exercising the REPRESENTATIONS in all committees involving Teachers as it is the Sole and Exclusive Negotiating Agent.

29/04/2026

G**O NG BAYAN, SUMAMA SA PAGKILOS SA MAYO UNO

Ngayong Mayo Uno, Biyernes, Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Ipamalas natin ang nagkakaisang paglaban ng mga manggagawa, lahat ng masang anakpawis at mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan sa buong mundo sa tambalang krisis at gerang kagagawan at pakana ng numero unong terorista sa mundo: Ang Imperyalismong US.

Oil Deregulation Law, Ibasura!
Serbisyo sa tao, huwag gawing negosyo!
Tutulan ang Imperyalistang Gera!
Panagutin ang mga Korap!
Manggagawa at Mamamayan, Magkaisa!

Sweldo Itaas, 50K Dapat!
5000 PERA, Ipaglaban!
Ang G**o ng Bayan, Tuloy-tuloy ang Laban!

8:00 AM - P.Noval, España
May 1, 2026

https://www.facebook.com/share/1bfbZSyXRk/

29/04/2026
29/04/2026

THE MERCENARY TRADITION OF THE AFP:
An Online Educational Discussion

Across Philippine history, the Armed Forces have often been shaped by foreign military doctrine, counterinsurgency training, and the interests of ruling elites. In his analysis, Sison traces the mercenary tradition of the Armed Forces of the Philippines (AFP), a military orientation tied to imperialist influence and used to suppress the people’s democratic struggles.

Today, this discussion becomes even more urgent. From intensified militarization in the countryside to the continuing call for justice for the Negros 19, we are reminded how state violence remains deeply connected to broader structures of imperialism and repression.

Join us for an educational discussion that examines the historical roots of militarization in the Philippines and situates current human rights violations within the wider anti-imperialist struggle in a time of deepening global crisis.

April 30, 2026 (Thursday)
8:00 PM
Online via Zoom

Speaker: Prof. Gerardo Lanuza

Sign up here: https://forms.gle/odTT6foPxBKfeW9U8

!

29/04/2026

BIGAS TATAAS ANG PRESYO!!!

29/04/2026

Isinusulong ng Makabayan Bloc sa Kamara ang panukalang batas na layong itaas sa 50,000 pesos ang entry-level salary ng mga g**o sa pribadong paaralan.

Batay sa House Bill 8968 at 8969, gagawing limampung libong piso ang sweldo ng mga teacher sa private schools at state universities and colleges alinsunod sa constitutional mandates ng pagbibigay ng prayoridad sa edukasyon.

Gayundin ang pagtataguyod sa karapatan ng mamamayan sa accessible quality education sa lahat ng antas.

Sinabi ni House Deputy Minority Leader Antonio Tinio na tutugunan ng mga panukalang batas ang salary gaps sa pagitan ng instructors at professors sa SUCs at LUCs.

Sa kasalukuyan kasi ay 33,947 pesos lamang ang sahod kada buwan ng isang entry-level Instructor I sa pampublikong higher education institution.

Samantala, idinagdag ni Tinio na para sa mga maliliit na pribadong paaralan, nakapaloob sa panukala ang pagbibigay ng subsidiya na ilalaan para sa sahod ng personnel.

Paliwanag pa nito, dati-rati ay pantay ang sweldo ng teachers, sundalo at nurses subalit ngayong 2026 ay tila napag-iwanan na sila.

29/04/2026

Dapat pinopondohan ng gobyerno ang mga subsidiya gamit ang appropriations o tax mechanisms at hindi direktang ipinapasa sa mga konsyumer, giit ni Bayan Muna chair Neri Colmenares. | via TV Patrol

Iba pang detalye sa comment section.

29/04/2026

Nakikiisa ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Private Schools sa matinding pagdadalamhati ng pamilya at komunidad ng 19 na nasawi sa naganap na masaker sa Toboso, Negros Occidental.

Mariin naming kinokondena ang 79th at 303rd Infantry Brigade ng AFP, sa inilunsad nitong masaker laban sa 19 na indibidwal at pagpapalayas sa mga komunidad sa Toboso.

Batay sa iba’t ibang ulat mula sa mga lokal na organisasyon, human rights groups, at maging ng media, 9 sa pinaslang ay sibilyan. Dahil rito magsasagawa ang Commission on Human Rights ng independent investigation.

Hindi hiwalay ang insidenteng ito sa mas malawak na kasaysayan ng Negros Occidental—isang probinsyang matagal nang binabalot ng malawakang kahirapan, kawalan ng lupa ng mga magsasaka, at militarisasyon sa kanayunan. Sa kabila ng pagiging sentro ng produksyon ng asukal, nananatiling api at naghihirap ang maraming manggagawang bukid at magsasaka. Mapait ang asukal na inaani sa Negros dahil sa mga dugong dumanak sa lupain nito.

Sa mga nagdaang taon, sunod-sunod ang mga naitalang karahasan sa isla, kabilang ang mga masaker at operasyong militar na nagdulot ng takot at paglikas sa mga komunidad. Ipinapakita nito na nananatiling buhay ang mga ugat ng armadong tunggalian sa rehiyon.

Kasabay ng karahasan sa lupa ay ang pag-igting ng disimpormasyon. Ang pagpapakalat ng mga fake news at malisyosong mga pahayag sa social media ng mga trolls sa pangunguna ng NTF-ELCAC.

Ang diumano’y pagpapatupad ng media blackout at kontrol sa impormasyon ay lalo lamang nagpapalabo sa katotohanan at nagpapahirap sa paghahanap ng hustisya.

Naninindigan ang ACT Private Schools na dapat papanagutin ang mga may sala at igalang ang karapatang pantao at International Humanitarian Law. Sinusuportahan namin ang panawagan para sa isang independiyente, malaya, at masusing imbestigasyon sa pamamaslang sa Toboso.

Malinaw na hangga’t hindi natutugunan ang ugat ng armadong tunggalian—ang malawakang kahirapan, kawalan ng lupa, at sistematikong inhustisya—mananatili at mananatili ang paglaban ng mamamayan.

Sa lansangan man o sa kanayunan, patuloy na igigiit ng sambayanan ang kanilang karapatan sa buhay at kabuhayan.

Hustisya para sa Negros 19!
#

29/04/2026

Habang may Krisis
Ang inaasikaso ninyo election 2028?!

MAY KRISIS!

SARA-CHAVIT TANDEM FOR 2028?

LOOK: An alliance describing themselves as former “Marcos loyalists” is pushing for former Ilocos Sur governor Chavit Singson to run as the vice-presidential running mate of Vice President Sara Duterte in the 2028 elections.

With Duterte yet to announce her running mate, the group on Wednesday said it is backing Singson based on his track record as governor of Ilocos Sur. However, they have not formally consulted him about the idea yet.

"Kami, mga former Marcos loyalists at mga nagkakaisang mamamayan, ay nagkasundo na kung wala pang pormal na deklarasyon para sa pangalawang pangulo [si Sara Duterte] ay itinutulak namin si Manong Chavit Singson dahil nakita namin ang kanyang pamumuno sa Ilocos Sur,” they said. | 📸: SARA-Chavit 2028: Nationwide Movement Caravan/Facebook via Liam Thomas Recacho, INQUIRER.net

Visit inquirer.net for more stories and updates.

29/04/2026

Sadyain ang pagdalo sa Pagkilos sa MAYO UNO!!! Minamaliit Nila Tayo! Bingi sila sa ating Panawagan! Hindi Nila nararamdaman Ang ating kalagayang OVERWORKED UNDERPAID! SAHOD ITAAS!

Want your school to be the top-listed School/college in Pasig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address

Pasig