05/02/2021
Li'l Einsteins Learning Institute
LIโL EINSTEINS LEARNING INSTITUTE INC. We are accredited by DepEd.
DEPED-NCR PERMIT
School I;D. # 410100
For more information, please call us at # 82538463 / 09996998699 / 09270636433 / 09276394191 / 09121932179
05/02/2021
04/02/2021
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ฉ๐๐, ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐๐๐จ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐ฐ๐๐ฅ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐๐๐ญ๐๐๐ง ๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐๐๐๐ฌ
Pebrero 02, 2021 โ Sinuportahan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bawiin ang naunang polisiya na payagan ang mga batang 10-14 na taong gulang na pahintulutang lumabas sa mga nasa lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).
โNoโng nag-desisyon na ang Presidente na ipagpaliban muna โyong pag-allow ng mga bata na 10-14 years old sa MGCQ areas and provinces kami ay pumapayag, dahil may batas na tayo na nagsasabing ang presidente ang magdedesisyon tungkol sa pagbukas, pagsara ng ating mga programa sa Department of Education on the recommendation of the Department of Education,โ ani Kalihim Leonor Magtolis Briones sa Laging Handa press briefing noong Martes.
โWala kaming problema riyan [o] agam-agam. Naiintindihan namin dahil noong ginawa ang desisyon na โyan โdi pa natin nakita kung gaano ka-seryoso ang threat ng mga pag-develop, paglabas ng mga bagong variants ng COVID-19,โ dagdag niya.
Binigyang-diin ni Kalihim Briones ang patuloy na pagpapatupad ng Kagawaran ng academic ease measures upang mabawasan at maibsan ang mental stress ng mga mag-aaral sa kanilang tahanan.
โAng ginawa natin sa Department of Education โyong tinatawag nating academic ease. Pinaluwagan natin โyong mga requirements dahil nagbigay ng feedback ang parents at mga bata na naninibago sila sa dami ng mga assignments, so iyon ang ginagawa natin, โyong academic ease,โ pagbabahagi ni Briones.
Kabilang sa mga hakbang ng academic ease na ipinakilala ng Kagawaran ay ang rekonsiderasyon sa haba ng oras at araw para sa pagkumpleto at pagpapasa ng mga gawain ng mga mag-aaral at ang pagpapalawig ng mental health/socio-emotional well-being support sa mga g**o, mag-aaral, at mga magulang sa pamamagitan ng group wellness sessions.
Ibinahagi rin ng Kagawaran ang kanilang kahandaan sa pagpapatupad ng pilot implementation ng limited face-to-face classes sa oras na bumuti ang sitwasyong pangkalusugan sa bansa.
โKung maayos na natin itong ating health issues, kasi primordial iyong protection ng mga bata, ay puwede na nating i-apply iyong ating binabalak, for example, na pilot studies [of face-to-face classes],โ ayon sa Kalihim.
โBinabantayan natin kung ano ang developments hinggil sa COVID at saka ang desisyon ng Presidente tungkol sa pag-protect ng ating mga bata at ng ating mga teachers. So, mahirap magsabi ngayon kasi ang nagdi-determine largely as I said is the state of danger or threat that COVID still poses to our children and to our teachers,โ pagbibigay-diin ni Briones
Samantala, binigyang-linaw rin ni Briones na hindi makikibahagi ang mga g**o sa aktwal na pagsasagawa ng pagbabakuna. Sa halip, ayon sa kaniya, ang DepEd ay makatutulong sa pagpapabagi ng impormasyon ukol sa programa ng pababakuna ng gobyerno.
โAng malaking kontribusyon ng mga teachers ay iyong pagpalaganap ng impormasyon hinggil sa vaccine. But even for that, kailangan silang i-brief nang husto, nang maayos ng malaman nila talaga kung ano benefits o ang protection na maibigay ng vaccine sa mga teachers. So more on the educational aspect; wala sa pag-participate in medical procedures because that would really be malpractice,โ ani Kalihim.
[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/2021/02/02/deped-supports-prrds-decision-to-prohibit-minors-from-going-out/]
File photo taken in 2018
04/02/2021
TINGNAN: Nakatanggap ng 4,840 smartphone at 198 laptop ang DepEd mula sa Bureau of Customs.
Ang mga gadget ay ipamimigay sa mga estudyante, kung saan inaasahang makatutulong ito sa kanilang distance learning.
Ayon kay Customs Commissioner Rey Guerrero, ang mga gadget ay kabilang sa mga nasamsam sa mga anti-smuggling operations. (๐ท: DepEd Philippines Facebook) | via Radyo Patrol 55 Arra Perez
04/02/2021
No matter what youโre going to face this week, youโre not going to face it aloneโGod is with you. Have a great week ahead, ka-Deped! ๐๐ปโค๏ธ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the school
Address
1414 Nazareth Street Caniogan
Pasig
1606
Opening Hours
| Monday | 8:30am - 6:30pm |
| Tuesday | 8:30am - 6:30pm |
| Wednesday | 9am - 6:30pm |
| Thursday | 9am - 6:30pm |
| Friday | 9am - 6:30pm |
| Saturday | 8:30am - 6:30pm |