Talento'y ipakita ngayong Buwan ng Wika. โจ๏ธ
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, talento ng pagka-Pilipino maipapamalas sa madla. Sa pamamagitan ng iba't ibang paraan ating masasaksihan kung paano ito ipinagdiriwang.
Sa patimpalak na darating isa sa maghahatol ating kilalanin ๐
Malugod kaming nagagalak sainyong pagbati Bb. Shuvee Etrata โค
Sa entablado talento ng bawat isa ating silayan, husay mo'y ipakita ng walang pag-aalinlangan. Sa bawat patimpalak na darating sisiguraduhing bawat isa ay magniningning. โจ๏ธ
Sigla at ligaya aming hatid, diwa ng Buwan ng Wika aming ipababatid. ๐ต๐ญ
โ๏ธ: Krizha Marie O. Saltarin
SaMaRiFil SHS
Sulong wika, Sulong likha, Sulong kata
09/08/2025
Ihanda ang pinggan, baso, kutsara, at tinidor- dahil matutunghayan natin ang programang Patikim na Patimpalak sa Pagluluto. ๐ฝ๏ธ
Syempre, hindi lang basta lulutuin ang bida- kundi ang puso ng bawat isa sa kusina!๐ค๐ง๐ฟโ๐ณ
Bawat sangkap, bawat pagluto, bawat lasa-ay mayroong malikhaing sarap.โจ
Handa naba ang lahat sa pinakamasarap at pinakakreatibong putahe? ๐Abangan ang talento, sarap, at saya sa Agosto 26, 2025.๐ฒ๐ง
09/08/2025
Mga Kapwa Mag-aaral, Halinaโt Dumalo sa Lektura 2025! ๐โจ
Isang hapon ng pagkatuto at pagbabalik-tanaw sa yaman ng ating wika at kultura! Sama-sama nating tuklasin ang kahalagahan ng ating sariling wika sa makabagong panahon.
๐ค Nais mo bang madagdagan ang iyong kaalaman at mas mapalalim ang iyong pag-unawa sa wikang Filipino?
Kung โOo!โ ang iyong sagot, abaโy huwag kang mawawala! Magkita-kita tayo sa Lektura 2025 kasama ang mga piling mag-aaral mula sa ibaโt ibang strand.
๐ Petsa: Agosto 15, 2025
โฐ Oras: 2:00 ng hapon
๐ Lugar: Ikatlong Palapag, Gusaling MAE
Tara na at makibahagi sa talakayanโpara sa wika, para sa bayan! ๐ต๐ญ
โ๏ธ: Arpas, Lance Tristan G.
๐จ: Arpas, Lance Tristan G.
09/08/2025
Bitaw ng Salita, Bagsak ng Palakpakan!
๐ฃ Mga Rizaleรฑo, ngayon ang pagkakataon para patunayan na ang talino at galing ay hindi lamang nakikita sa sulat, kundi naririnig din sa lakas ng ating tinig.
๐ค Sa entablado ng Talumpatian, hindi lang salita ang iyong ibibigayโkundi damdamin โค๏ธ, ideya ๐ก, at apoy ๐ฅ ng pagiging tunay na Pilipino.
Kung ikaโy may talento sa pagsasalita, may pusong maghatid ng inspirasyon ๐, at tapang ๐ช na maglahad ng katotohananโito na ang iyong sandali.
Ipakita na ang wikang ating minamahal ay buhay, makulay ๐จ, at makapangyarihan โก sa bawat titik at himig ng iyong tinig.
โ๏ธ: Mariz Mae Nicole Dionisio
๐จ: Krizha Marie O. Saltarin
Binubuksan natin ang pinto ng Agosto sa hilig ng sariling wika. Sa Buwan Ng Wika ang bawat talento ay maipapakita ninyo, ang bawat galing ay salitang sumisigaw ng ating pagka-Pilipino...๐ต๐ญ
Isa dalawa tatlo.. Marami sila hindi lang isa. Kasama ba natin sila? ๐คญ Malalaman natin yan sa bawat patimpalak na pinangungunahan ng ating mga mahal na g**o. ๐งโ๐ซ
Kami po ay nag lubos na nag papasalamat sa inyong pagbati;
Miss Q&A Matmat centino
Bb. Kirk popiolek
Bb. Ashley Ortega ng PBB collab
Bb. Ella Cristofani ng Sparkle GMA ๐
Sa bawat patimpalak may surpresang magaganap, pinto ay binuksan para talento'y pagmasdan.
Gawin nating masigla at puno ng ligaya ang bawat patimpalak na ating haharapin. Mag kita-kita tayo sa bawat patimpalak at sana ay pagpalain kayo! โจ
โ๏ธ: Quiddam, James Michael M. Presidente Ng SaMaRiFil
05/08/2025
Mga Kapwa Rizaleรฑo, Halina't Ipagdiwang ang Buwan ng Wika! ๐ต๐ญโจ
Isang buong buwan ng kasiyahan, kaalaman, at pagmamahal sa ating sariling wika! Sama-sama nating abangan ang mga sorpresa at galing na naghihintay sa atin.
๐ค Nais mo bang ipakita ang iyong talento at pagkamalikhain?
Kung "Oo!" ang iyong sagot, aba'y huwag nang magpahuli! Maghanda na para sa "Buhay na Museo"! Isang patimpalak kung saan ang ating kasaysayan at kultura ay nabubuhay sa pamamagitan ng ating mga talento.
Ito ay mangyayari sa agosto 11, 2025 at gaganapin sa ikatlong palapag, amphitheater
Ano pang hinihintay natin? Ipakita natin ang galing ng mga Rizaleรฑo! ๐คฉ
Tara na, mga kaibigan! Ipagmalaki natin ang ating wika!๐
โ๏ธ:G. Justin Jaymar F. Felipe/G. Nash Daniel F. Guande Miyembro ng SaMaRiFil
๐จ:G. Justin Jaymar F. Felipe Miyembro ng SaMaRiFil
Nandito na ang isang makakasama natin sa Buwan Ng Wika, Siya ay nag bibigay-pugay sa ating selebrasyon. ๐
Kami ay nag papasalamat sa iyong pag bati Bb. Miq Mikay Bautista. ๐
Ihanda niyo ang inyong mga sarili dahil marami tayong makakasama at makikiisa sa ating pagdiriwang. ๐ต๐ญ
Isa pa lamang iyan..... ๐
โ๏ธ: Quiddam, James Michael M. Miyembro Ng SaMaRiFil
04/08/2025
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2025๐ต๐ญ
Mapagpalang Araw, Rizalians!
Ngayong ika-4 ng Agosto, nagsimula na ang pagbubukas ng pagdiriwang para sa Buwan ng Wika. Ang SaMaRiFil ay malugod na inaanyayahan ang bawat mag-aaral ng Rizal High upang makibahagi para sa Buwan ng Wika ngayong taon na may temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa."
Sa pagbubukas ng panibagong buwan, ipinakilala ng SaMaRiFil ang bagong opisyales para sa taong 2025-2026, tinalakay at ibinahagi rin ang mangyayaring mga patimpalak para sa pagdaraos ng Buwan ng Wika.
Kaya naman sama-sama nating tunghayan ang mga patimpalak na inihanda para sa Buwan ng Wika. ๐
โจ๏ธ Handa na ba ang lahat? Pwes huwag nang magpatumpik-tumpik pa, halina't sumama at makiisa, ipakita ang inyong mga makakaya. โจ๏ธ
โ๏ธ: Krizha Marie O. Saltarin
๐ท: Mariz Mae Nicole Dionisio
01/08/2025
๐ต๐ญ Isang buwan ng pagdiriwang, pagmamahal, at pagpapahalaga sa ating wika... Malapit na! ๐ต๐ญ
๐ค Handa ka na bang tuklasin ang mga bagong salita, kasaysayan, at kultura ng ating bansa? ๐ค
๐คซ May sorpresa kaming inihanda... Kaya't manatiling nakatutok! ๐คซ
โจApat na araw na langโจ
Kaya ano pang hinihintay mo? Magsimula nang maghanda para sa Buwan ng Wika!
Ipakita ang ating pagmamahal sa sariling atin. Mabuhay ang Wikang Filipino! ๐ต๐ญ
08/05/2025
๐ฒ๐จ๐ป๐จ-๐ฒ๐จ๐ป๐ฏ๐จ: โMay Pag-asa sa Pagbasaโ ๐
Datapwat natapos na ang taong panuruan, may nais pa ring iregalo ang mga miyembro ng SaMaRiFil - SHS sa inyo, Rizalians! ๐
Alam niyo bang ๐ถ๐ช๐ ๐น๐ช๐ฐ-๐ช๐ผ๐ช ๐ผ๐ช ๐น๐ช๐ฐ๐ซ๐ช๐ผ๐ช? Kaya sama-sama nating buksan ang mga pahina ng ๐ฒ๐จ๐ป๐จ-๐ฒ๐จ๐ป๐ฏ๐จ, isang ๐๐ง๐ญ๐จ๐ฅ๐จ๐ก๐ข๐ฒ๐ ng mga tulang tumatalakay sa sari-saring damdamin at karanasang Pilipinoโ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ช๐ญ๐ช๐จ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ช๐ฃ๐ช๐จ ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐ช๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ธ๐ช, ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ด๐ช๐จ๐ข๐ธ ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ, ๐ต๐ช๐ฃ๐ฐ๐ฌ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฐ๐ญ๐ช๐ต๐ช๐ฌ๐ข, ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ณ๐ข๐ฎ๐ช ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฃ๐ข. ๐
Ang aklat na ito ay nagmula sa malawak na kaisipan ng mga batang makata ng ating henerasyong bahagi ng ating sintang paaralan, bilang munting handog ng mga miyembro ng SaMaRiFil S.Y. 2023-2025. ๐
Ngunit, ๐๐๐ ๐ฒ๐จ๐ป๐จ-๐ฒ๐จ๐ป๐ฏ๐จ ๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐. ๐ง๐ฝโโ๏ธ Ito ay isang panibagong pintig ng dugong makata sa panahong tila nalimot na ng mga kabataan ang bukod-tanging sining ng salita. โ๐ฝ
Hโwag magpapahuli, Rizalians! Sa tulong ng ๐ฒ๐จ๐ป๐จ-๐ฒ๐จ๐ป๐ฏ๐จ, halinaโt dalumatin natin ang bawat salita na nakakubli sa isip at puso ng bawat isa. ๐ชถ๐
Isinulat ni: Bb. Hannahzel B. Abelido, Tagapangasiwa ng Pahina (Panloob) ng SaMaRiFil SHS (2024-2025)
Layout ni: Bb. Michaela T. Benito, Tagadisenyo ng SaMaRiFil SHS (2024-2025)
11/04/2025
Sa ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐ถ๐๐ถ๐ธ โ๏ธ na binubuo ng ating ๐ฝ๐๐๐ผ, sa bawat salitang isinilang sa ating guniguniโt pagsuyoโ doon sumisibol ang himig ng kaluluwa, doon naglalagos ang damdaming kay tagal nang itinatagoโt dinadala.
Ang pagsusulat ay hindi lamang galaw ng kamay, kundi pagluwal ng damdaming sabik nang magsaysay. Itoโy pagsisid sa lalim ng katahimikan, paghugot sa pusong bihag ng kasaysayan.
Ang paglikhaโt pagsulat ay โdi basta akdaโ ๐ข๐ญ๐จโ๐ฒ ๐๐๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ, ๐ฌ๐ข๐ ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ฐ๐.
Bawat tuldok ay patak ng luha,
bawat kudlit ay bakas ng sigwa.
Bawat pangungusap ay salin ng damdaming โdi masambitโ
tila panaginip na sa papel ay humahagitgit.
Ito ang silungan ng lungkot na โdi maipinta, tagpuan ng pag-asa โ๏ธ, tahanan ng pag-ibig na kay tagal nang kinimkim ng damdamin at diwa.
Ayon kay Tolentino (2007),
sa panitikang mapagpalaya, nahuhubog ang kultural na kamalayang totooโt makata.
Kayaโt ang malikhaing pagsulat ay โdi lang sining ng salitaโ itoโy ehersisyo ng paglaya sa bugso ng nadarama.
Sa pag-aaral ni Nuncio (2005),
โdi rin matatawaran ang papel ng panulat sa tinig ng laylayan.
Ang tulaโy naging tabak ng mga salitang tahimikโ kapangyarihang tangan ng damdaming nilimlim ng lipunan.
Ang pagsusulat ay pagninilay sa gabi ng katahimikan, paglaya sa tanikala ng kaisipan.
Itoโy pagbangon sa gitna ng unos โ๏ธ, pagsilang ng pag-asa sa damdaming halos malunos.
Huwag mong maliitin ang isang titik na tila payak, dahil minsan, sa sulatโang tapang ay sumisiklab.
Ang pinakamatapang na tinig ay โdi kailangang isigaw, minsan ay hinagpis lang na sa papel ay marahang bumubukal.
Sa bawat akdang isinulat ng damdamin, naroroon ang tinig sa panahong tayoโy nilimlim.
Naroroon ang laban sa oras ng pagtalikod, ang kapangyarihan sa panahong tayoโy pinagpipi at pinangungulila ng lungkot.
Mga Sanggunian:
Nuncio, E. (2005). Mga talinghaga sa laylayan: Ang mapagpalayang pedagohiya ng malikhaing pagsulat at antolohiya ng mga tula ng Bukalsining. UST Publishing House.
Tolentino, R. B. (2007). Sipat kultura: Tungo sa mapagpalayang pagbabasa, pag-aaral at pagtuturo ng panitikan. Ateneo de Manila University Press.
Isinulat ni: Bb. Ma. Tiffanie San Juan, Miyembro ng SaMaRiFil SHS
Layout ni: Bb. Michaela Turla Benito, Tagadisenyo ng SaMaRiFil SHS (2024-2025)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Pasig
1606