30/04/2023
Isang pagbati sa mga kampeyon at mga nagkamit ng gantimpala sa ginanap na mga patimpalak sa Buwan ng Panitikan 2023.
Nais din naming pasalamatan ang lahat ng mag-aaral na lumahok at nagpamalas ng kanilang mga talento sa iba't ibang patimpalak. Hindi magiging matagumpay ang pagdiriwang na ito kung wala kayo.
Mabuhay po ang ating lahi. Mabuhay po ang panitikang Pilipino! 🇵🇭💙❤️🤍💛
29/04/2023
Matagumpay na naidaos ang Buwan ng Panitikang Pilipino na may temang “𝙆𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙖 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙞𝙨𝙖: 𝙋𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙖𝙡𝙖𝙗 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙞𝙨𝙖 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙜𝙞𝙩𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙞𝙩𝙞𝙠𝙖𝙣.“ Ang pangunahing layunin nito ay tuklasin ang pagkakaisa ng bawat Pilipino na gumagabay sa pagbuo ng isang bayan.
Magtatapos man ang pagdiriwang na ito, nawa'y ang nag-aalab na pagmamahal sa ating panitikan ay manatili.
Tuklasin ang kultura ng pagkakaisa sa pamamagitan ng panitikan! 🇵🇭💙❤️🤍💛
Narito ang mga kuhang larawan sa katatapos lang na Pampinid na Palatuntunan.
04/04/2023
𝙆𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙖 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙞𝙨𝙖: 𝙋𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙖𝙡𝙖𝙗 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙞𝙨𝙖 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙜𝙞𝙩𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙞𝙩𝙞𝙠𝙖𝙣
Narito po ang mga mekaniks at pamantayan ng mga patimpalak na gaganapin sa buwan ng panitikan.
04/04/2023
Maligayang Buwan ng Panitikan po sa lahat!
🇵🇭💙❤️🤍💛
Ating ipagdiwang ang tema ngayong 2023 na
“𝙆𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙖 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙞𝙨𝙖: 𝙋𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙖𝙡𝙖𝙗 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙞𝙨𝙖 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙜𝙞𝙩𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙞𝙩𝙞𝙠𝙖𝙣”
Sanggunian ng larawan - Komisyon ng Wikang Filipino