Dr. Nestor T. Castro

Dr. Nestor T. Castro

Share

Dr. Nestor T. Castro is a cultural anthropologist on indigenous peoples' issues and cultural heritage

Photos from Dr. Nestor T. Castro's post 07/06/2026

We're now in Lagawe, Ifugao in preparation for tomorrow's Gotad Ad Ifugao 2026. We brought a few wooden handicrafts from Hapao to be displayed in one of the booths in the exhibition place. This is to promote Hapao's woodcarving tradition.

Photos from Dr. Nestor T. Castro's post 05/06/2026

It is good to know that there is a museum in Hapao, Ifugao that focuses on the village's woodcarving heritage. This is the Punnuk Museum which is located inside the Ifugao State University - Hapao Campus. Please visit this museum once you go to Ifugao.

Photos from Dr. Nestor T. Castro's post 04/06/2026

I'm now in Hapao in Ifugao. The last time when I was here was way back in 1981. During that time, Barangay Hapao was still a part of the Municipality of Banaue. It was only in 1983 when Hapao, together with Barangays Bokiawan, Nunggulunan, and Lubu-ong, was administratively transferred to the Municipality of Hungduan.

The rice terraces of Hapao are also famous because of its wider pond-fields compared to those in Banaue. But they are also part of the Rice Terraces of the Cordilleras recognized by UNESCO as a World Heritage Site. Hapao was also formerly well known for its traditional woodcarving industry. The bulul (rice granary gods) of Hapao are quite unique because they are typically represented in a standing, instead of a squatting, position.

04/06/2026

Noong malakas pa ang mga tuhod ko, madalas na dinadala ko ang Anthropology students ko sa Banaue, Ifugao para sa kanilang field exposure. Sa picture na ito na kuha noong 1990, kasama ko ang students ko from Polytechnic University of the Philippines. Pumunta kami noon sa Banaue at Batad.

Ngayon, pabalik ako sa Banaue, Lagawe, Kiangan, at Hungduan kasama ang research team ng LiLOK Project 1 ng DOST-FPRDI. We'll be in Ifugao from June 4 to 11. Medyo hirap na akong maghike ngayon dahil sa mahinag tuhod. Pero hindi iyon makakapigil sa akin na magfieldwork.

Photos from Dr. Nestor T. Castro's post 03/06/2026

Nakita ko sa aking lumang photo album itong pictures ko nang manirahan ako nang isang buong semestre sa Mayoyao, Ifugao noong 1988. Nanuluyan ako sa isang agamang, ang tradisyunal na tulugan ng mga nagbibinatang Ifugaw. Nagsisilbi ang agamang bilang lugar ng sosyalisasyon ng mga kabataan. Sa mga larawan sa ibaba, makikita ang labas (sa kaliwa) at loob (sa kanan) ng agamang.

Habang naroon ako sa Mayoyao, dinadala sa akin ng mga field researchers (na mga Ifugaw rin) ang kanilang naisulat na dokumentasyon tungkol sa ibat-ibang ligal na kaso na kanilang nakalap mula sa pakikipagpanayam sa mga taong kasangkot o saksi sa mga kasong ito. Ang partikular na inaalam namin ay kung papaano nireresolba ang mga kasong ito gamit ang katutubong batas ng mga Ifugaw. Bilang field editor, ikinakategorya ko ang mga nakalap na dokumentasyon ayon sa klase ng kaso, halimbawa: pagnanakaw, pagpatay, nakapatay, panununog, paghihiwalay ng mag-asawa, pagmamana ng ari-arian, agawan sa pag-aari, paninirang-puri, at iba pa. Dahil layunin ng Indigenous Law Project ang codification ng mga katutubong batas at maging parte ang mga katutubong batas sa mga batas ng estado, kinakailangan kong iformat ang mga nakalap na kaso halos katulad ng mga kaso ng sistemang panghukuman ng Pilipinas. Nilalagyan ko ng sumusunod na impormasyon ang bawat kaso:

Case Number
Case Title (___ vs. ___)
Case Description
Place of Occurence
Date of Occurence
Complainants
Defendants
Recorder
Date Recorded
Case History
Case Proceedings
Case Resolution

Sa pagkakaalala ko ay ilandaang kaso ang aming nakalap noon. Marami sa mga kaso ay may kinalalaman sa pagtatalo sa karapatan sa patubig lalo na tuwing panahon ng tag-init. May pagkakataong inililihis o hinaharangan ng ilang indibidwal ang irigasyon para sa makinabang ang kanyang payaw (rice terrace) na nagreresulta naman sa kakulangan ng tubig sa iba pang mga payaw. Nagreresulta ang mga insidenteng tulad nito sa pagtatalo o pag-aaway.

Sa pagkakaalam ko, lahat ng naidokumento naming kaso ng katutubong batas, hindi lamang mula sa Ifugao kundi pati na rin sa iba pang mga lalawigan ng Pilipinas, ay nakalagak sa UP College of Law. Hindi ko alam kung nagagamit ang mga ito sa pag-aaral ng kursong Law 132 - Philippine Indigenous Law.

Photos from Cabuyao City Tourism & Cultural Affairs Office's post 03/06/2026

Maraming salamat din po sa Cabuyao City Tourism & Cultural Affairs Office

Photos from Dr. Nestor T. Castro's post 01/06/2026

Congratulations to all of the newly inducted members of Pi Gamma Mu International Hhonor Society in the Social Sciences. It was a successful Induction Ceremonies yesterday: 182 undergraduate students, 54 graduate students, and nine faculty members from various constituent units of the University of the Philippines were inducted. In addition, Pi Gamma Mu honored 26 silver to golden jubilarians of the honor society. May you continue to profess the Pi Gamma Mu motto: Cognoscietis veritatem et veritas vos liberabit!!

Photos from Dr. Nestor T. Castro's post 01/06/2026

Sa Lungsod ng Pasig, pinoprotektahan namin at pinaparangalan pa ang malalaki at matatandang puno. Kinikilala namin ang mga ito bilang mga Heritage Tree, tulad ng puno ng acacia na ito na nasa loob ng Pasig Catholic Cemetery.

31/05/2026

Noong 1988, naging Field Editor ako ng Indigenous Law Project ng UP College of Law. Pinamunuan ang proyektong ito ni Atty. Perfecto Fernandez at ang katuwang niyang anthropologist ay si Prof. Mary Constancy Barrameda. Dahil si Prof. Barrameda rin ang Field Director ng UP Anthropology Field School noon sa Mayoyao, Ifugao, kinailangan kong manirahan na rin sa Mayoyao para tanggapin at i-edit ang nakakalap naming dokumentasyon tungkol sa katutubong batas ng mga Ifugaw. Kasabay nito, panaka-naka na rin akong tumutulong sa Field School. Tatlo ang field school students noon: sina Mae Antoinette Balares, Maria Lourdes Ingel, at Eric Vargas. Ang resulta ng kanilang mga pag-aaral sa field ay inilimbag nila sa librong Mayoyaos in the 80s (mimeographed, 1988).

Partikular na pinag-aralan ni Mae Balares ang larangan ng pagsasaka ng mga taga-Mayoyao na isinulat niya sa kanyang papel na pinamagatang "Isang Pag-aaral sa Pang-Kabuhayang Aspeto ng Kulturang Mayoyao: Pagbibigay Diin sa Larangan ng Pagsasaka." Ang larawan dito (Guhit 1: Pamamaraan ng Pagsasaka) ay mula sa pag-aaral ni Balares na nagpapakita sa kalendaryong agrikultural ng mga taga-Mayoyao mula sa paglilinis ng payaw (rice terraces) hanggang sa panahon ng anihan. Paulit-ulit ang mga aktibidad na ito kada taon.

Inilarawan ni Balares kung papaano nililinisan ang payaw, "Inaalis ang mga tangkay na natira noong anihan at muli itong inilulubog sa payaw upang magsilbing abono. Inaapak-apakan ang lupa sa payaw upang maging epektibo ang paghalo ng damo at tangkay ng palay sa lupa... Ang paglilinis ng payaw ay inaabot ng dalawa hanggang tatlong linggo depende sa dami at laki ng payaw. Habang ang mga kababaihan ay naglilinis ng payaw, inaayos naman ng mga kalalakihan ang pe pe (pilapil) upang mas maging matibay ito. Ang lupa sa payaw ay inilalagay sa ibabaw ng pilapil. Ito ay dahil sa unti-unting lumulubog ang lupa sa pilapil kaya't bago man mag-umpisa ang pagtatanim, kailangan muna itong ayusin."

Sa deskripsyong ito, mas mauunawaan natin kung bakit mga abandonado nang rice terraces ang hinukay ni Robert F. Maher para sa kanyang archaeological investigations. Kung patuloy pang ginagamit ang payaw na gagawan ng archaeological excavation, masasabi ito bilang isang disturbed site dahil naipaghahalo na ang mga deposito sa payaw na dapat ay nasa ilalim sa mga deposito sa ibabaw ng payaw. Dahil dito maaaring magkaroon ng error sa pinepetsang sa pamamagitan ng C-14 sa charcoal samples na nakukuha sa lugar. Maaaring maipetsa nang mas batà ang payaw dahil mas bata palang deposito ang nahukay sa ilalim ng payaw.

Teka, balikan natin si Mae Balares. Pagkatapos niyang magtapos ng BA Anthropology, nag-aral naman siya ng Law at naging ganap na abogado noong 1995. Sa huli kong pagkakaalam, naging Associate Solicitor siya ng Office of the Solicitor General.

30/05/2026

Kahapon natapos ang isang linggong fieldwork sa Betis, Pampanga para sa pananaliksik na ginagawa namin tungkol sa woodcarving communities sa Pilipinas. Next week, sa Ifugao naman ang fieldwork namin ng Forest Products Research Development Institute (FPRDI) ng DOST. Bagamat nakafocus ang research sa Hungudan, pupuntahan din namin ang Banaue, Lagawe, at Kiangan.

Medyo excited akong bumalik sa Hapao dahil noong 1981 pa ang huling fieldwork ko sa lugar na iyon na noo'y parte pa ng Banaue pero ngayo'y parte na ng Hungduan. Pero mula noon ay nagpabalik-balik naman ako sa iba pang mga bayan ng Ifugao para sa ibat-ibang pananaliksik. Noong 1988, bumase ako sa Mayoyao bilang researcher ng Indigenous Law Project ng UP College of Law. Noong 1990 hanggang 1992 naman ay naging Project Coordination Officer ako ng National Statistical Coordination Board (NSCB) na nagpatupad sa Community-Based Child Monitoring System (CBCMS, ang pinag-ugatan ng CBMS ng DILG) sa apat na prubinsya, kasama ang Ifugao. Isang output ng proyektong iyon ay ang ulat ng Anthropological Studies, Inc. (Anthropos, na ang Pangulo noon ay si Dr. E. Arsenio Manuel at ako naman ang Chief Executive Officer) na pinamagatang A Study on the Underregistration of Vital Events in Ifugao. Noon namang 1994, tinapos ko ang aking master's thesis na may pamagat na Ang Kilusang Komunista sa Kordilyera: Isang Antropolohikal na Pag-aaral sa Isang Kilusang Pampulitika. Ang mga datos na ginamit ko sa tesis na ito ay batay sa aking mga fieldwork sa Ifugao at Kalinga.

Sana ay mahanap ko pa ang dati kong mga informant sa mga lugar na napuntahan ko sa Ifugao.

Want your school to be the top-listed School/college in Pasig City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Pasig City