14/11/2023
MY CSE EXAM JOURNEY.
A moment to remember. (Isa sa mga Greatest Achievement ko)
Dati pa lang tuwing naririnig ko ang Civil Service, unang idea agad na pumapasok sa isipan ko ay mahirap talaga ang exam na ito. Kasi ba naman sa estimated na population na 300k plus na nagfile,60k plus lang ang pumapasa. So talagang mahirap talaga ito at magastos. Tandang tanda ko nung napapasok ako sa City Hall namin, ang unang tinatanong ay kung may civil service na ba ako. Tanda ko ang palagi ko lang sinasagot ay kukuha po ako sa ganung petsa,although alam ko naman sa sarili ko na hindi pa ako nag-fifile. Short cut sa pagfifile ng exam December 2022, tanda ko noon umabsent pa ako sa work ko sa City hall para lang makapagfile ako.
Medyo Kinakabahan pa ako pero sabi ko sa sarili ko wala naman mawawala kung hindi ko susubukan. 3 months prior sa pagfifile ng exam nagbabasa-basa na ako ng mga reviewer na dinownload ko sa internet (ACE REVIEWER/MSA reviewer).
Tapos nanonood din ako ng mga videos sa youtube ng mga tutorial lessons (Coach Lyqa/mam leonalyn at iba pa). Medyo edge ko ang math dahil graduate ako ng computer engineering, kaya nag focus ako ng sobra ay sa English.kasi aminado ako na hindi ako kagalingan sa subject na English. Tandang tanda ko pa every breaktime nag sasagot ako ng mga questions, tapos tuwing weekends naman ay almost lahat ng oras ko ay basa lang ako ng basa.Syempre tuwing Linggo ay inilalaan ko nay un kay Lord,kasi alam ko na ang lahat ng kaalaman na aking naacquire ay galling sa kanya.
1 week before the exam Tandang-tanda ko ay nagbabasa pa din ako pero puro mock exam na ang ginagawa ko. Kasi parang vinivisualize ko na sa sarili ko sa ganung situation ng page exam. Inoorasan ko ang pagsasagot ko,lalo na yung timing ng pagshashade. Hanggang sa dumating na yung time 1 day before na xam. Nagtry ako magsagot ng mock exam ng 1 to 170 ng Brain Box review booklet, at sa kabutihang palad ay naka 84% ako. Although hindi ko alam kung tama ba ang computation na ginawa ko.Dun sa sitwasyon nay un naboost yung Confidence ko na kakayanin ko ang exam.
Then dumating na nga yung araw na pinka hihintay ng lahat ang exam day March 26, 2023. Nagtataka ako sa sarili sa sobrang excited ko hindi ako nakatulog, dahil sa hindi nga ako nakatulog ay hindi na ako naligo kasi baka masiraan ako ng ulo (mapasma ). Nagpasama ako nun sa nakakakatanda kong kapatid nun, tatlo kami sa tricyle kasama din ang pamangkin ko, From tayabas sa bahay namin ay pumunta na kami sa Examination venue ko sa Lucena city (Lucena Dalahican National High School). Medyo napaaga ang dating naming dun , kaya ang ginawa ko kumain muna ako biscuit at uminom ng tubig.
Nagdasal din ako na sana ay gabayan ako ni Lord sa exam. Nagtataka ako habang nagsasagot ako, parang napakagaan ng pakiramdam ko knowing na wala akong tulog. Sagot ako ng sagot, pag hindi ako sure,laktaw muna then proceed. Hindi sa pagyayabang pero parang almost lahat ng math problems and number series ay nasagutan ko,inihuli ko na ang English particularly ang reading comprehension. Pinaka una kong sinagutan ay yung last 15 item,yung mga constitution and general info, which is aminado ako na konti lang ang itatama ko kasi hindi naman ako nagfocus dun sa pag rereview. 25 mins before the time, natapos na ako sa pagsasagot then bago ko ipasa ang answer sheet ko biglang nagsalita yung proctor na pasado nayan sir,sumagot naman ako sa kanya ng magdilang anghel sana kayo maam. Lumabas na ako ng venue ng nakangiti ako kasi alam ko sa sarili ko na ibinigay ko ang best ko sa exam,no regrets ikanga..
Then boom, pagkalipas ng ilang linggo ng paghihintay, nakapasa na ako at nakakagulat ay kung ano ang grade ko nung mock exam at same sa result ng rating ko sa exam (84.53%).Siguro Decimal lang ang naiba. hehehe.
Sa Journey kong ito,ilan sa mga aral na pwede nating matutunan ay walang imposible kung pagsusumikapan mo ito. Kung meron kang goal na gusting makuha, dapat nakahanda ka sa anumang pagsubok. Lalot higit ay huwag makakalimot na magdasal kasi ito ang number 1 na sandata natin sa anumang laban na ating kahaharapin.
Mga Tips sa mga pagsasagot:
1. Unahin ang mga Topic na sa tingin mo ay madali ka (Sa Part ko Inuna ko ang last 15 questions)
2. Pangalawa ay yung topic na sa tingin mo ay mgaling ka (yung Logic and Math)
3. Then inihuli ko na ang Verbal (yung English specifically yung Reading Comprehension kasi sa Totoo lang nakakaubos talaga yun ng oras).
4. Laktawan ang sa tingin mo ay hindi mo talaga alam at ihuli mo na yun. (Iasa mo na lang sa Chamba.)
5. Galingan ang pag shashade..(magpraktis ng sa ganun pag dating ng actual exam ay pamilyar na ang mga Daliri mo at mabilis mo na tong magagawa)
6. Magdasal sa Panginoon. (Pinaka importante sa Lahat)
PETERSON JOHN F. DE LOS REYES
CSE โ PASSER (PROFESSIONAL LEVEL)
MARCH 2023
NEED CSE REVIEWERS?
Message us: Civil Service Exam Pen and Paper Test - Learning & Review Materials