2020 Sampaloc Site II Elementary School

2020 Sampaloc Site II Elementary School Elementary School

For the Modified process of Enrolment and Oplan Brigada Eskwela 2020, pls watch  this video. Please like,  share and sub...
31/05/2020

For the Modified process of Enrolment and Oplan Brigada Eskwela 2020, pls watch this video.
Please like, share and subscribe.
Thanks

Enrollment Process under the new normal and Oplan Balik Eskwela 2020

31/05/2020

Sa lahat ng mga magulang at tagapangalaga ng mga mag-aaral at gustong mag-aral sa SAMPALOC SITE II ELEMENTARY SCHOOL.

Nais ko pong ipabatid sa inyo na ang pagbubukas ng klase sa taong panuruan 2020-2021 na itinakda ng DepEd ay sa Agosto 24, 2020.

Dahil po sa nararanasan na pandemya ng ating bansa at sa ganitong sitwasyon ng ating lugar sa kasalukuyan ay hindi pa po pwedeng magkaroon ng aktwal na klase sa loob ng ating paaralan. Ang KALIGTASAN, KALUSUGAN, at BUHAY ng ating mga anak at mga g**o ang ating prayoridad.

Kung kaya't isusulong ng ating paaralan ang edukasyon ng mga mag-aaral sa alternatibong pamamaraan na di na kailangang pumunta pa sa paaralan ang ating mga anak.
Ito po ang tinatawag natin na DISTANCE LEARNING na maaari pong gawin ng ONLINE para po sa mga may gadyet at internet sa bahay o MODULAR para po sa walang gadyet at internet sa kanilang tahanan.

Sinisig**o po natin na lahat ng ating mga g**o sa Sampaloc Site II Elementary School ay may sapat na kaalaman at kapasidad para sa implementasyon ng mga alternatibong pamamaraan ng edukasyon sa panahon ng pandemya.

Layunin din po ng ating pamunuan na matapos ang mga Learning Modules na gagamitin ng ating mag-aaral bago ang itinakdang simula ng taong panuruan.
Kami po ay maglalabas ng mga detalyadong panuntunan kung paano maisasagawa ng maayos at ligtas ang Distance Learning para po sa ikapapanatag ng ating mga puso't isipan.

Bilang isang magulang kagaya po ninyo ay naiintindihan ko ang bigat ng responsibilidad at sakripisyo na ating gagampanan sapagkat lahat po tayo ay maoobliga na tulungan at gabayan ang pag-aaral ng ating mga anak lalo na at mga Self-learning Modules ang kanilang aaralin sa loob ng ating mga tahanan.

Subalit iisa po ang ating layunin, ang magpatuloy ang edukasyon ng ating mga anak sa kabila ng matinding pagsubok na ating nararanasan sa kasalukuyan.
Kung kaya't kailangan po nating magtulungan upang maisakatuparan ito.

Ikalulugod ko pong matugunan ang anumang katanungan na may kinalaman sa edukasyong ipatutupad ng Sampaloc Site II Elementary School.
Maraming Salamat po!



Address

Guyabano Street, Sampaloc Site II, Brgy. BF Homes
Parañaque
1700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 2020 Sampaloc Site II Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to 2020 Sampaloc Site II Elementary School:

Shortcuts

Share