22/04/2026
Isang taos-pusong pasasalamat ang aming iniaalay sa lahat ng mga naging bahagi ng aming matagumpay na paglalaro sa Region 1 Athletic Assocoation Meet.
Maraming salamat sa aming mga coaches, Sir Isaias Cas Jr. , Mam Jen Azel M. Cahigas,mula umpisa ay naniwala na kayo na kayang-kaya naming makipagsabayan sa mga ibang manlalaro sa iba't-ibang distrito,
Taos-pusong pasasalamat din sa SDO1 Pangasinan, sa inyong suporta at pag-aasikaso sa amin;
Sa aming School Head, Mam Dorie Lopez, ganun din mga minamahal na g**o, kayo ang nagsilbing gabay at inspirasyon ng bawat isa, ang inyong walang sawang paggabay, at pagbibigay ng lakas ng loob, at sa paghubog ninyo ang aming kakayahan at tiwala sa sarili.
Sa ating mga magulang, maraming salamat sa inyong walang kapantay na suporta at pag-unawa. Kayo ang aming sandiganβsa bawat ensayo, pagod, at hamon na aming hinarap, nariyan kayo upang magbigay ng lakas at inspirasyon. Ang inyong pagmamahal ang nagpatibay sa aming loob upang magpatuloy.
At higit sa lahat, taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa ating mga donors na buong pusong nagbigay ng tulong at suporta upang maisakatuparan ang paligsahang ito.
Nagpapasalamat din po kami sa Roxas Brgy. Council sa pamumuno ni PB Armando Cas, sa laging pagbibigay ng suporta sa aming mga manlalaro
Sa kabuuan, bagamat hindi natin nakamit ang ating inaasam-asam na PANALO, maraming salamat pa rin sa inyo.
Nawaβy patuloy nating suportahan at paunlarin ang mga ganitong gawain para sa kinabukasan ng ating mag-aaral.
Maraming salamat po at mabuhay tayong lahat!
-Aruab Elementary School -Volleyball Boysππ₯°