02/08/2022
SA MGA MINAMAHAL NAMING MGA STAKEHOLDERS,
Ngayon Brigada Eskwela 2022, inaanyayahan namin kayo na makibahagi sa aming inilunsad na proyektong “AMBAG ‘SANG DAAN PARA SA LIGTAS NA DAAN, KAPALIT AY NGITI AT SAYA NG MGA MAG-AARAL NA MAHIGIT DALAWANG DAAN”.
Ang layunin nito ay makalikom ng pondo para makagawa ng additional pathways/ daan na mas ligtas daanan ng mga pumapasok sa paaralan. Dahil tuwing bumubuhos ang malakas na ulan, nababaha ang harapan ng eskwelahan at nagiging madulas ang mga daanan. Kaya napagkasunduan ng mga PTA officers, mga g**o, at mga magulang pati na rin ang mga Brgy. Council na ilunsad ang proyektong ito upang makahanap ang ating paaralan ng DALAWANG DAAN (200) katao na MAG- AAMBAG ng ISANG DAANG PISO (100 pesos) para mapasemento at mapaayos ang mga daanan/pathways at corridors.
Tara na at makibahagi!
Ano ang kapalit ng ISANG DAANG PISONG ambag mo?
Ngiti at saya ng DALAWANG DAAN AT PITUMPUNG MAG-AARAL sa Agosto 22!
Sa mga mabubuting puso na nais magpaabot ng
kanilang tulong, maari po kayo magpunta sa ating
paaralan o di kaya magpadala thru
GCASH/ PAYMAYA
0949-424-5509
Maraming Salamat po! ❤️