Bidduang Elementary School-102784, Pamplona District-SDO Cagayan

Bidduang Elementary School-102784,  Pamplona District-SDO Cagayan Public Elementary School in Pamplona, Cagayan

        Muling pumaimbulong pataas ang bandila ng Mababang Paaralan ng Bidduang makaraang magwagi sa Regional Schools Pr...
06/05/2024



Muling pumaimbulong pataas ang bandila ng Mababang Paaralan ng Bidduang makaraang magwagi sa Regional Schools Press Conference (RSPC) si Jayzelle B. Hufalar, mag-aaral sa ika-anim na baitang.
Naiuwi ni Hufalar ang ikalawang karangalan sa Pagsulat ng Balita (News writing-Filipino) sa katatapos lamang na RSPC na ginanap sa Lungsod ng Tuguegarao nito lamang nakaraang Linggo.
Si Ginang Estrelita Y. Navas ang nagsilbing tagapaysanay nj Hufalar.

  Congratulations to our outstanding athletes who made tides and waves during the 2024 Cagayan Valley Regional Athletic ...
01/05/2024



Congratulations to our outstanding athletes who made tides and waves during the 2024 Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) Meet held in Ilagan City, Isabela last April 26-30!!!

Ian Dominic B. Marumi, Son of Mr. and Mrs. Dominic Marumi, excelled in swimming bagging 2 silver medals from his hard fought battles in 200m free style and 4x50m medley relay, while Jasmine Q. De La Cruz, daughter of Brgy. Kagawad and Mrs. Jomar Dela Cruz, also bagged another silver medal for Team Cagayan and for BES as she showcased her pangs in table tennis (Singles 4).

We extend our sincere and heartfelt thanks to the dedicated trainers and coaches who helped hone their skills from the start of their journey up to this victorious moment.

To everyone who in a way or another helped make this achievement possible, gratitude is our hearts' memory ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜ ๐Ÿ˜

1st Quarter NSED
25/03/2024

1st Quarter NSED

01/03/2024



Catch-up Friday
23/02/2024

Catch-up Friday

   !!!   Itinanghal ngayong araw na BEST School Implementer ang Mababang Paaralan ng Bidduang (BES) sa katatapos lamang ...
04/10/2023



!!!

Itinanghal ngayong araw na BEST School Implementer ang Mababang Paaralan ng Bidduang (BES) sa katatapos lamang na Division Level Search for the Best Implementing Schools on Project RD-ELC.

Ang nasabing patimpalak ay sinalihan ng ibat-ibang kinatawang paaralan mula sa ibat-ibang Distrito sa Dibisyon ng Cagayan.

Parehong sinalihan ng BES ang kategorya ng Key Stage 1 ( Kinder-Gradr 3 Level) , at Key Stage 2 (Grades 4-6).

Layunin ng nasabing programa na pataasin ang kaalaman at kakayanan ng mga mag-aaral sa pagpapakita at pagsasakilos ng wastong asal at pag-uugali sa loob at labas ng paaralan.

Kakatawanin ng BES ang Dibisyon ng Cagayan sa darating na Regional Level Search na gaganapin nitong buwan ding ito (Oktubre).

Labis-labis ang pasasalamat ng pamunuan ng paaralan sa lahat nang internal at external stakeholders nito sa lahat nang tulong na natanggap at patuloy na tinatanggap nila.

   Matagumpay na nabuksan ng Bidduang Elementary School (BES) ang Brigada Eskwela 2023 kasama ang ibat-ibang sektor ng k...
14/08/2023





Matagumpay na nabuksan ng Bidduang Elementary School (BES) ang Brigada Eskwela 2023 kasama ang ibat-ibang sektor ng komunidad kahapon, Agosto 14.

Nagsimula ang nasabing pagbubukas ng Brigada sa pamamagitan ng isang payak na programa na dinaluhan ng lahat ng staff ng BES, kasama ang mga opisyal at miyembro ng Konsehong Pambaranggay, GPTA, 4Ps, at mga magulang ng ilang mag-aaral.

Pagkatapos ng nasabing programa, agad nang sinimulan ang paglilinis sa paligid ng paaralan at pagkukumpuni sa mga naiwang lamat ng Bagyong Egay.

Laking pasasalamat ng kawanihan ng paaralan sa matagumpay na okasyon at lalo't higit sa ipinakitang dedikasyon at pagkakawanggawa ng lahat ng dumalo.

Ang Brigada Eskwela ay magtatapos sa Biyernes, Agosto 19.

Bilang paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng ating Mahal na Paaralan, muli Po kaming kumakatok sa lahat na samah...
12/08/2023

Bilang paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng ating Mahal na Paaralan, muli Po kaming kumakatok sa lahat na samahan kami para sa obserbasyon ng Brigada Eskwela ngayong tao na may temang " Bayanihan para sa Matatag na Paaralan". Tara na, magBrigada na!!!

   In adherence to Division Memorandum No. 119, s. 2023 or the "Conduct of Division-Wide Simultaneous Tree Planting, Car...
04/07/2023




In adherence to Division Memorandum No. 119, s. 2023 or the "Conduct of Division-Wide Simultaneous Tree Planting, Caring and Growing Activity for CY 2023 Climate Change Caravan and In Celebration of the 2023 National Disaster Resilient Month (NDRRM)", Bidduang Elementary School conducted a School-based Tree Planting Activity today, July 4th.
The said activity was spearheaded by the current Supreme Pupil Government (SPG) Officers and of the elected Supreme Elementary Learners Government (SELG) officers, in partnership with the graduating Class of 2023. It was participated by all the officers, members, and the adviser of both the SPG and SELG, together with the graduating learners and their adviser.
Thirteen (13) seedlings of fruit bearing trees were planted in a strategic area inside the school premises, while 40 coconut seedlings were planted in the school's Coconut Avenue.
The said fruit bearing seedlings were from the DENR, while the coconut seedlings were donated by the graduating pupils, the school staff, and of some community members.
Mrs. Renita B. Marcaida, SPG/SELG Adviser, discussed the relevance of the said endeavor during the short opening program.

        Muling pinatunayan ng mga Key Stage 2 Math wizards ng Mababang Paaralan ng Bidduang ang kanilang angking galing ...
06/06/2023





Muling pinatunayan ng mga Key Stage 2 Math wizards ng Mababang Paaralan ng Bidduang ang kanilang angking galing sa larangan ng Matematika makaraang masungkit ang ikaanim na puwesto (6th place) sa team ranking ng may pinakamatataas na puntos sa nakaraang Division Math Bowl na ginanap sa Gattaran National Trade School noong Hunyo 2, 2023..
Nakapagtala ng kabuuang 31 puntos sina Jullienne Kate Regala, Ibjey Yacap, at Paulyn Alegado na siyang nagdala sa kanila sa nasabing puwesto.
Si Ginang Ederlyn Pulveras, Grade 5&6 Math Teacher, ang kanilang tagapagsanay.

     Muling nakapag-uwi ng gintong medalya ang mga Batang Journo ng Mababang Paaralan ng Bidduang makaraang tanghaling k...
22/05/2023





Muling nakapag-uwi ng gintong medalya ang mga Batang Journo ng Mababang Paaralan ng Bidduang makaraang tanghaling kampiyon ang dalawang kinatawan nito sa katatapos na Regional Schools Press Conference (RSPC)2023 na ginanap sa Lallo, Cagayan nito lamang Mayo 18-21.
Kampiyon sa pagsulat ng balita sa midyum na Filipino si Jayzelle B. Hufalar, manunulat sa individual na kategorya, habang si Jasmine Q. Dela Cruz ay kabilang naman sa kampiyon na grupo ng mga broadcasters ng Radio Broadcasting- Cagayan sa midyum na Ingles.
Sina Hufalar at Dela Cruz, kasama ang iba pang mga nagwagi sa nasabing RSPC, ay inaasahang kakatawan sa Rehiyon 2 sa darating na National Schools Press Conference (NSPC) na gaganapin sa Cagayan De Oro City sa Hulyo, taong kasalukuyan.
Si Ginang Estrelita Y. Navas, Teacher 3 ng Mababang Paaralan ng Bidduang ang tagapagsanay ni Hufalar, habang sina Ginoong Clarence Apostol at Ginang Joan Tagoc na nagmula sa Mababang Paaralan ng Pimpila naman ang mga assistant coaches ni Dela Cruz.

      Itinanghal na CHAMPION ang mga Key Stage 2 (Grades 4-6) Math Wizards na  sina Jullienne Kate Y. Regala, Ibjey T. Y...
05/05/2023





Itinanghal na CHAMPION ang mga Key Stage 2 (Grades 4-6) Math Wizards na sina Jullienne Kate Y. Regala, Ibjey T. Yacap, at Paulyn T. Alegado sa katatapos na 2023 District Math Bowl na ginanap sa Mababang Paaralan ng Curva nitong araw, May 5, 2023.
Nakipagtunggali ang mga nasabing mag-aaral laban sa labinlima (15) pang teams na kumatawan sa 15 pang paaralan sa Distrito ng Pamplona.
Papangunahan ng Key Stage 2 Team ng BES ang Distrito ng Pamplona sa darating na Division Level Math Bowl.
Bigo namang makapasok sa Top 5 ang mga kinatawan ng Key Stage 1 (Grades 1-3) na sina Rochelle A. Bautista, Charles Angelo R. Agarma, at Yeushin T. Tabian.
Si Ginang Ederlyn A. Pulveras na pormal na nanumpa bilang kalihim ng Pamplona District Mathematics Teachers Organization ang tumayong tagapagsanay ng mga mag-aaral sa Ket Stage 2 , habang si Gng. Rema C. Rieta naman sa Key Stage 1.
Itinanghal ang Mababang Paaralan ng Bidduang na 5th Placer sa Pangkalahatang Standing.

Address

Pamplona
3522

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bidduang Elementary School-102784, Pamplona District-SDO Cagayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Bidduang Elementary School-102784, Pamplona District-SDO Cagayan:

Shortcuts

Share

Category