24/07/2026
HEP HEP HEP! HAPPY NUTRITION MONTH! 🌱✨
Ngayong nagdiriwang tayo ng Nutrition Month, wag nating balewalain ang napakagandang mensahe ng ating tema na, "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan! " kundi, atin itong pahalagahan at isabuhay sa pang araw-araw nating pamumuhay.
Tayo ay makakatulong sa pangangalaga at pagtitiyak na may sapat at masustansyang pagkain para sa kasalukuyan, at sa mga darating pang henerasyon sa pamamagitan ng mga simpleng gawain tulad ng:
🥬 Pagtatanim ng mga gulay at puno
♻️ Tamang pagtatapon at pagrerecycle ng basura
💧 Pagtitipid ng tubig
🚯 Pag-iwas sa pag-aaksaya ng pagkain
Maliliit man itong hakbang, ngunit sure na sure na malaki ang ambag nito sa ating mga kalusugan. Ating tandaan, ang luntiang kapaligiran ay isang susi para sa mas masustansya at masayang kinabukasan! 💚✨