19/10/2020
"The redemption of the Philippines presupposes virtue, and virtue presupposes sacrifice, and sacrifice presupposes love, VIRTUE,SACRIFICE, LOVE," Ito ang pinakamagandang aral na napulot ko sa aking napanood sa maikling pelikulang "Jose Rizal- Sa Landas ng Paglaya." Maging isang mabuting halimbawa sa lahat tulad ni Rizal na sinakripisyo ang kanyang buhay para sa kasarinlan ng ating Bansang Pilipinas, dahil sa lubos niyang pagmamahal sa lupang kanyang tinubuan, sinakripisyo niya ang kanyang buhay para sa lahat, kaya't marapat lamang na ibigay ang parangal at pagkilala sakanya bilang isang kilalang bayani ng bansa. Natutunan ko din na dapat ay matuto tayong lumingon sa ating pinanggalingan. Pagyamanin natin ang ating kaalaman, huwag sayangin ang mga opportunidad na meron tayo bagkos gawin natin ang lahat, upang maipagmalaki nating ang ating lahi at maging pantay ang tingin ng ibang lahi at bansa sa atin. Respetohin din natin ang ating mga sarili dahil rerespetohin ka ng iba kung may respeto ka din sa iyong sarili. Dito ko rin nakilala ng "kaunti" si Rizal napaka sulit paglaanan ng oras, panahon at pag-aralan ang buhay ng taong maipagmamalaki at maraming nagawang mabuti sa ating bansa.