11/08/2021
May abiso po ang Jose B. Lingad Memorial General Hospital sa atin.
Ang mga mild symptomatic patients ay kargo po namin sa Diosdado P. Macapagal Provincial Memorial Hospital sa Guagua. Nakahanda po ang mga isolation facilities natin sa Mexico, Lubao, Building B sa Athletes’ Village at ilang hotels.
Iwasan po natin ang lumabas ng bahay. Ang mga naghahanapbuhay lang po ang puedeng lumabas.
Magtripleng ingat na po tayo. Lampas 200 kada araw na po ang mga bagong COVID-19 cases natin sa Pampanga.