Bataraza Arabic Learning Center - BALC

Bataraza Arabic Learning Center - BALC

Share

Bataraza Arabic Learning Center is a renowned educational institution dedicated to promoting Islamic

08/05/2026

الحمد لله رب العالمين

Sa biyaya at pahintulot ni Allah, nagtipon-tipon ang ating mga butihing asātidh sa diwa ng pagkakaisa, dedikasyon, at taos-pusong hangarin na mapaglingkuran ang Deen, bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng BALCI. Ang pagtitipong ito ay sumasalamin sa kanilang taimtim na layunin na maitaguyod ang isang institusyong magsisilbing ilaw ng kaalaman at gabay ng komunidad.

Sa naturang pagpupulong, masusing tinalakay ang iba’t ibang mahahalagang usapin—mula sa organisasyon ng kurikulum, kaayusan ng pasilidad, sistema ng pagtuturo, hanggang sa kapakanan ng mga mag-aaral—upang matiyak ang isang maayos, organisado, at makabuluhang pagsisimula. Ang bawat mungkahi at pagpapasya ay isinagawa nang may pag-iingat at pananagutan, alang-alang sa ikabubuti ng lahat.

Higit sa lahat, ang pagtitipong ito ay naging paalala ng kahalagahan ng sama-samang pagkilos sa landas ng kabutihan at kaalaman. Nawa’y tanggapin ni Allah ang kanilang mga pagsisikap, pagpalain ang bawat hakbang, at gawing matagumpay ang adhikaing ito sa pagpapalaganap ng kapaki-pakinabang na kaalaman para sa kasalukuyan at sa mga darating pang henerasyon.

06/05/2026

📢 ANUNSYO 📢
Assalamu ‘alaykum wa rahmatullahi wa barakatuh!
Inaanyayahan po ang lahat ng mga Ustadh at mga magulang na makiisa sa gaganaping:
🧹 BRIGADA ESKWELA (Madrasah Cleaning Activity)
📍 Lugar: BALCI Compound 📅 Petsa: Mayo 8, 2026 ⏰ Oras: 1:30 PM – 5:00 PM
Layunin ng gawaing ito ang paglilinis at paghahanda ng ating Madrasah upang maging maayos, malinis, at kaaya-aya para sa ating mga mag-aaral.
Ang inyong pakikiisa ay malaking tulong upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating paaralan. Magdala po ng mga kagamitan sa paglilinis kung maaari (walis, basahan, dustpan,martilyo,lagari atbp.).
📌 “Ang kalinisan ay bahagi ng pananampalataya.”
Maraming salamat at nawa’y pagpalain tayo ni Allah sa ating pagtutulungan.
JAZAKAMULLAH KHAIRAN🤲

Photos from Bataraza Arabic Learning Center - BALC's post 01/06/2025

Tingnan| Opisyal ng nagbukas ang weekly madrasah sa Bataraza Arabic Learning Center— karamihan sa mga mag-aaral ay mga residente ng Bataraza, Palawan. Ang layunin ng pag-aaral dito ay upang hubugin ang mga kabataang Muslim na pag-aralan ang kanilang relihiyon sa tamang pamantayan ng Islam na mayroong batayan mula sa Qur'an at Sunnah ng mahal na Propeta Muhammad صلى الله عليه و سلم at gayundin upang hindi maputol ang koneksyon ng mga kabataang Muslim sa pag-aaral ng kanilang Deen/Relihiyon kahit na sila'y nag-aaral ng western education.

Nawa'y maging kapaki-pakinabang ang mga masisikap na kabataang ito sa ating Ummah bi'idhnillahi ta'ala.

-Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring maging aktibo sa pag-follow ng aming page o di kaya'y pumunta sa mismong compound ng aming Madrasah na matatagpuan sa tabi lamang ng RIVERSIDE INN and Resort.

Jazakumullahu khayran wa barakallahu feekum.

31/05/2025

Assalamu'alaykum warahmatullahi wa barakatuhu

Tingnan| Mga alituntunin at regulasyon ng BATARAZA ARABIC LEARNING CENTER sa gaganaping weekend program.

Jazakumullahu khayran wa barakallahu feekum.

02/05/2025

Ready naba ang lahat ng mga estudyante na magbalik-Madrasah?

Photos from Bataraza Arabic Learning Center - BALC's post 02/05/2025

Nagkaroon ng pauna at ikalawang pagtitipon ang mga pamunuan ng BALCI upang pag-usapan ang mga gagawing paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas muli ng nasabing Madrasah— samantala bukas naman ay inaasahang sisimulan na ang prepiratory class na kung saan tuturuan muna ang mga Estudyante ng mga basic knowledge about Islam bilang paghahanda para sa Regular Class na inaasahang magsisimula sa ikahuling linggo ng Mayo Inshaa'allah.

📌 Karagdagang impormasyon:
➡️Ang enrollment period ng ating Madrasah ay magtatagal lamang hanggang sa katapusan ng Buwan ng Mayo— ang sinuman pong hindi nakapag-enroll bago ang deadline ay hindi na po tatanggapin ng Madrasah ang kanyang pag-enroll, kaya't samantalahin po natin ang mga natitirang araw na maari pa po tayong mag enroll.
➡️Minumungkahi po sa lahat ng mga nais mag-enroll na sila po'y magdala ng 2x2 I.D picture, Folder, at Birth Certificate.

Para sa karagdagang detalye, mangyaring pumunta lamang po sa aming Madrasah Inshaa'allah.

MARAMING SALAMAT PO, BARAKAKALLAHU FEEKUM.

26/04/2025

Mag start po ang klase nextweek inshaa'allah,
May 3, 2025.

26/04/2025

‼️ Announcement ‼️
Sa mga nais pong mag enroll sa BALCI still ongoing po ang aming enrollment Inshaallah, pumunta lamang po sa aming MADRASAH sa tabi ng Riverside Inn and Resort, Shukran.

18/04/2025

Assalamu'alaykum warahmatullahi wa barakatuhu,

Bismillah, Ikaw ba ay naghahanap ng isang madrasah na nago-offer ng libreng pagtuturo patungkol sa islamikong kaalaman para sa mga kabataang Muslim.....?

📢Good news! Muling magbubukas ang BATARAZA ARABIC LEARNING CENTER INC. upang matugunan ang pangangailangan ng mga kabataang Muslim mula sa mga kaalamang islamiko na kung saan magtuturo at maghuhubog sa kanila upang maging isang huwaran at maging isang mabuting Muslim.

Kaya't sa lahat po ng mga magulang, inaanyayahan po namin kayo na inyong hikayatin ang inyong mga anak na mag-enroll BUKAS Araw ng sabado, na magsisimula ALAS-OTSO ng UMAGA (8AM) sa mismong madrasah(BALCI) malapit sa Riverside Inn and resort.

📍Para sa karagdagang impormasyon ay mangyaring i-like at i-follow lamang po ang aming page upang maging updated sa mga kaganapan sa aming MADRASAH (BALCI) o maari rin pong tumungo sa mismong compound ng BALCI upang matugunan ang impormasyon na inyong kinakaylangan.

Barakallahu feekum wa jazakumullahu khayran.

20/02/2025

Assalamualaikum warahmatullahi wa barakatuhu

Halina't sama-sama tayong tunghayan ang isang programang punong-puno ng kaligayahan at kasiyahan sapagkat makakamit ng aming mga butihing mag-aaral ang mga sertipiko at medalya– tanda ng kanilang pagsisikap at pagtatiyaga sa aming munting Madrasah [Bataraza Arabic Learning Center Inc.].

🗓️: February 23, 2025 | 1:00pm
📍: Mini-coliseum Bataraza, Palawan

19/02/2025

Sa pagkakaisa at pagtutulungan– mangyayari ang isang makabuluhang programa sa ating minamahal na bayan ng Bataraza.

Halina't makinig, makilahok at huwag palampasin ang isang pambihirang pagkakataon na kung saan ating matutunghayan ang mahahalagang aral at espiritwal na gabay mula sa ating iginagalang at muling nagbabalik na mga panauhing tagapagsalita:

👤Dr. Abdullah Abtahi
👤Sh. Abdulkhaliq Abtahi

🗓Petsa: Pebrero 23, 2025
⏰Oras: 8:00 AM - 11:00 AM
📍Lugar: Mini Coliseum, Bataraza, Palawan
Hatid sa inyo ng Kapuso PM Partylist at Bataraza Mayor Hon. Hj. Abraham ‘Abe’ Ibba.

Sa pakikipagtulungan ng LGU Bataraza, ILM Learning Center Inc., Bataraza Arabic Learning Center, Eibda’a Creative Team at Da’watu Ash-Shabab.

Hinihikayat ang mga dadalo sa programa na mangyaring magpatala online upang ma-assess ang posibleng bilang upang makapagbigay ng tamang serbisyo. Gamitin lamang ang link na ito para sa registration: https://forms.gle/XKQQAZpZono9yx8b6

Want your school to be the top-listed School/college in Palawan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Marangas, Bataraza
Palawan

Opening Hours

Saturday 7:30am - 4pm
Sunday 7:30am - 4pm