DepEd Tayo-Naltep Elementary School

DepEd Tayo-Naltep Elementary School

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo-Naltep Elementary School, Elementary School, Sitio Naltep, Barangay Labog, Sofronio Española, Palawan.

15/07/2026
Photos from DepEd Tayo-Naltep Elementary School's post 05/07/2026

Mahalagang Paalala sa Lahat ng Mag-aaral, mga Magulang, G**o, at Kawani ng NALTEP Elementary School

Bilang pakikiisa sa paggunita ng ika-10 anibersaryo ng 2016 Arbitral Award, ang ating paaralan ay lalahok sa Simultaneous Flag Raising Ceremony sa Hulyo 6, 2026 (Lunes).

Layunin ng gawaing ito na:

1. Palawakin ang kaalaman at pagpapahalaga ng mga mag-aaral, g**o, kawani, at iba pang stakeholder sa edukasyon tungkol sa kahalagahan ng 2016 Arbitral Ruling;

2. Palakasin ang kamalayan sa soberenya at mga karapatang pandagat ng Pilipinas;

3. Hikayatin ang responsableng pagkamamamayan at aktibong pakikilahok sa mga usaping pambansa.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at ipakita ang ating paggalang sa watawat at pagmamahal sa ating bansa.

Photos from DepEd Tayo-Naltep Elementary School's post 03/07/2026

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang at tagapangalaga na patuloy na nagkakaisa para sa ating buwanang bayanihan.

Mula noong buwan ng Hunyo hanggang sa kasalukuyang buwan ng Hulyo, ang inyong walang-sawang suporta, oras, at lakas na inilalaan sa ating mga aktibidad ay nagpapakita ng tunay na diwa ng bayanihan. Kayo po ang katuwang ng paaralan sa pagtataguyod ng tagumpay at kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Mabuhay po kayong lahat!

02/07/2026

Sa ikalawang araw ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon,

01/07/2026

Ang Naltep Elementary School ay nakikibahagi sa selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon. Ngayong taon, ito ang ating tema: NUTRISYON AT KALIKASAN ATING PANGALAGAAN!

At sa unang araw ng ating pagdiriwang, ito ang ating paalala:

01/07/2026

Muling ipinaalala ng DepEd sa mga estudyante, magulang, at g**o na bawal ang paggamit ng cellphone at iba pang gadgets sa loob ng klase. Pwede lamang itong ilabas kung may emergency o kung bahagi mismo ng leksyon ng g**o, alinsunod sa bagong gabay ng DepEd Order No. 006, s. 2026. Hinihimok din ang mga eskwelahan na gabayan ang mga bata sa tamang pag-gamit ng internet.

11/06/2026

📢 ORYENTASYON NG MGA MAGULANG 📢

Malugod na inaanyayahan ng Naltep Elementary School ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga sa ating Oryentasyon ng mga Magulang para sa Taong Panuruan 2026–2027.

🗓️ Petsa: Hunyo 11, 2026
📍 Lugar: Naltep Elementary School, Sitio Naltep, Labog, Sofronio Española, Palawan

Layunin ng gawaing ito na maipabatid ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga programa, patakaran, at mga inaasahan ng paaralan upang higit pang mapagtibay ang ugnayan ng paaralan at tahanan para sa ikabubuti ng ating mga mag-aaral.

Ang inyong pakikilahok at suporta ay mahalagang bahagi sa paghubog ng mga batang may kaalaman, disiplina, at mabuting pagpapahalaga.

🤝 Sama-sama nating itaguyod ang mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga anak!

✨ "Magkasama Tayo sa Pagtataguyod ng De-kalidad na Edukasyon para sa Bawat Bata." ✨







07/06/2026

📚🎉 WELCOME BACK TO SCHOOL! 🎉📚

Isang panibagong taon ng pagkatuto, pagkakaibigan, at tagumpay ang ating sabay-sabay na sisimulan! 🌟

Ang buong pamilya ng NALTEP ELEMENTARY SCHOOL ay masayang bumabati sa lahat ng ating mga mag-aaral, g**o, at magulang para sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo 08, 2026. 🏫✨

Handa na ba kayo para sa mga bagong kaalaman, masasayang karanasan, at mga pangarap na ating maaabot? Tara na at sama-sama nating gawing makabuluhan at masaya ang taong panuruan!

💚 "Together We Learn, Grow, and Succeed!" 💚

📅 Opening of Classes: June 08, 2026

Kita-kits, NALTEPians! 🎒📖




Want your school to be the top-listed School/college in Palawan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address

Sitio Naltep, Barangay Labog, Sofronio Española
Palawan
5324