VMIS Kapariz Club

Website

VMIS Kapariz Club KAbataang PAngarap ni RIZal

‎Isang taos-pusong pagbati at pagkilala sa mga bagong halal na Opisyales ng KAPARIZ Club. ‎‎Sa ilalim ng matatag na pamu...
07/09/2026

‎Isang taos-pusong pagbati at pagkilala sa mga bagong halal na Opisyales ng KAPARIZ Club.
‎
‎Sa ilalim ng matatag na pamumuno ng aming Tagapangulo, Gng. Cecilia Tuazon at sa gabay ng aming g**ong Tagapayo, Gng Maria Perlita Romero , inaasahan naming mas mapagtitibay pa ang samahan at mas mapapalawak pa ang mga programang naglalayong hubugin ang kamalayan at pagmamahal ng kabataan sa bayan.
‎
‎Ang inyong pagtanggap sa tungkulin ay hindi lamang isang titulo, kundi isang panata ng paglilingkod. Nawa’y maging instrumento kayo ng pagbabago, at maging karapat-dapat sa tiwalang ipinagkaloob sa inyo ng buong KAPARIZ.
‎
‎Sama-sama nating itaguyod ang layunin ng samahan. Para sa kaalaman, para sa kamalayan at para sa bayan.

✍️: Chris Samson
🖼️: Chris Samson

Isang mainit at makabayang pagbati sa kabila ng patuloy na pagbuhos ng ulan!Hindi hadlang ang masamang panahon upang mag...
17/08/2026

Isang mainit at makabayang pagbati sa kabila ng patuloy na pagbuhos ng ulan!

Hindi hadlang ang masamang panahon upang mag-alab ang ating pagmamahal sa sariling wika at kultura. Malugod namin kayong inaanyayahan na lumahok sa mga inihandang patimpalak para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambasa2026.

PAGBUO NG SLOGAN- AGOSTO 19, 2026
KILATIS SA WIKA- AGOSTO 26, 2026

12:20 PM SA AUDIO-VISUAL ROOM ng VMIS.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang mga nasa larawan.

Sa mga interesadong lumahok, magpatala sa link na nasa ibaba at makipag-ugnayan sa inyong mga g**o sa filipino.

SLOGAN- https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSebrrex-7U50_jmr-g83ffQRq7EieGD74mrl4fXY7OkT5ecew/viewform?usp=header

KILATIS SA WIKA
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScXGrjSz4IHalmDSKFV6lJjUEa-tDs74O1GfISpR1lxj30uJg/viewform?usp=publish-editor

Maging silong at tanglaw ang ating wika sa gitna ng unos. Sali na at ipagmalaki ang galing ng Pilipino!

Buong husay at matagumpay na naisagawa noong Agosto 3, 2026 ang Pambungad na Palatuntunan at Tagis-Talino para sa pagdir...
04/08/2026

Buong husay at matagumpay na naisagawa noong Agosto 3, 2026 ang Pambungad na Palatuntunan at Tagis-Talino para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026! Ang makabuluhang gawaing ito ay pinangunahan at isinagawa ng mga g**o mula sa Kagawaran ng Filipino ng Vicente Madrigal Integrated School sa pakikipagtulungan ng KAPARIZ club.
Sa ilalim ng temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” naipamalas ng mga Vicentians ang kanilang talino, kahusayan, at malalim na pagpapahalaga sa ating sariling wika kaugnay ng makabagong teknolohiya at Artificial Intelligence (AI).
Upang tiyakin ang mataas na kalidad ng edukasyon at walang naabalang oras sa pagkatuto, ang buong pagdiriwang ay ginawa sa bawat silid-aralan. Puno ng disiplina at dedikasyon na sinunod ng mga g**o ang probisyon ng DepEd Order No. 009, s. 2026, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng Instructional Block ay nakalaan sa tuloy-tuloy at walang abalang pagtuturo at pagkatuto.
Isang patunay ang gawaing ito na ang pagmamahal sa sariling wika at ang disiplina sa akademikong pagkatuto ay magkasabay na maipagmamalaki ng bawat Vicentians!
Mabuhay ang Wikang Filipino! 🇵🇭

Isang makabayang pagbati! Sa pagpapasimula ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, ang VMIS-KAPARIZ Club ay buong-pusong nakik...
01/08/2026

Isang makabayang pagbati!

Sa pagpapasimula ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, ang VMIS-KAPARIZ Club ay buong-pusong nakikiisa sa pagdiriwang na ito sa ilalim ng temang:

“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”

Sa mabilis na pagbabago ng panahon at pag-usbong ng makabagong teknolohiya tulad ng Artificial Intelligence (AI), patuloy na napatutunayan na ang Wikang Filipino ay hindi naiiwan—ito ay nababagay, lumalago, at yumayabong.

Hinihimok ko ang bawat kabataan na maging mapanuri, responsable, at makabayan sa paggamit ng AI at ng ating wika. Gamitin natin ang teknolohiya hindi upang kalimutan ang ating pinagmulan, kundi upang mas lalong palalimin ang ating kaalaman at pagmamahal sa bayan.

Makiisa, magsaliksik, at ipagmalaki ang ating wika sa alinmang larangan at teknolohiya!

Mabuhay ang Wikang Filipino!

Poster at Layout: Komisyon sa Wikang Filipino

🇵🇭 KAPARIZ CLUB 2026-2027 🇵🇭""Itaas ang iyong malinis na noo sa araw na ito, Kabataan ng aking bayan! Ipakita ang iyong ...
01/08/2026

🇵🇭 KAPARIZ CLUB 2026-2027 🇵🇭

""Itaas ang iyong malinis na noo sa araw na ito, Kabataan ng aking bayan! Ipakita ang iyong sigla, ang iyong talino na siyang mag-aangat sa ating bayan!" — Dr. Jose Rizal

Matagumpay na ginanap noong Hulyo 28, 2026 ang opisyal na halalan para sa mga bagong mamumuno sa KAPARIZ (Kabataang Pangarap ni Rizal) Club!

Taos-pusong pagbati sa mga bagong halal na opisyal na magsisilbing ehemplo ng pagmamahal sa bayan, dedikasyon, at kahusayan sa samahan sa loob ngTaong Panuruan 2026-2027.

Isang malaking pasasalamat din ang aming ipinaaabot sa Tagapangulo ng Kagawarang Filipino, Gng. Cecilia F. Tuazon, para sa kanyang walang-sawang suporta, gabay, at inspirasyon sa samahang VMIS Kapariz Club

📸 Ezy Garcia

- mam dha
Tagapayo ng Kapariz

Mainit na pagbati sa lahat ng nahalal na opisyales Ng KAPARIZ Club!Ito'y patunay ng tiwala at suporta Ng mga miyembro sa...
07/07/2025

Mainit na pagbati sa lahat ng nahalal na opisyales Ng KAPARIZ Club!
Ito'y patunay ng tiwala at suporta Ng mga miyembro sa inyong kakayahan, integridad at dedikasyon sa paglilingkod.
Sama-sama nating harapin ang bagong yugto ng ating samahan na may pagkakaisa, malasakit at may pananagutan.

Maraming salamat sa lahat ng mga nakasamang g**o at higit sa aming Tagapangulo ng Kagawarang Filipino, Gng.Cecilia Tuazon.

03/10/2024

"Aming G**o, Taga-panday ng aming talino"

Katulad mo'y isang panday sa loob ng paaralan,
hinuhubog ang talino tulad kong isang mag-aaral.

Ito ang susi sa tagumpay nang tulad ko, isang kabataan sa palad mo mahal kong g**o.

Matiyaga ka sa amin araw-araw,
gumagabay na parang walang kapaguran,
umulan man o umaraw,
kahit ika'y napapagod,
oh, g**o kong minamahal palagi nang sa labi mo'y may ngiti ng kasiyahan.
Sa iyo ay marami ang tungkulin na nakaatang,
sa bahay ay haligi ka at ilaw ka ng tahanan.

Nararapat lang na ipagmalaki kayo,
Sapagkat kayo na rin ang magulang ko.
Kayo'y laging nasa aming mga puso,
At kayo rin ang pinagmulan ng aming talino.

Kung tagumpay balang araw ay aking mararating,
asahan mo aking g**o,
na 'di kita lilimutin.
Naka kintal sa isipan at nakaukit sa damdamin,
ang maraming kabutihan na ginawa mo para sa amin.

Mga alaala natin ay hindi lilimutin,
pati narin ang mga aral na itinuro ninyo sa amin.

Tula Mula Kina Katrina Lyn Manlapig at Anthony Maningding

Sa loob ng isang buwan, nagsama-sama tayo upang ipagdiwang ang ating sariling wika, ang Filipino.Iba't ibang gawain/pali...
30/08/2024

Sa loob ng isang buwan, nagsama-sama tayo upang ipagdiwang ang ating sariling wika, ang Filipino.

Iba't ibang gawain/paligsahan ang ating naisagawa, mula sa mga paligsahan sa pag-Ispel ng salitang Filipino, Tagisan ng Talino, Spoken Poetry, Paglikha ng Awit at Parada ng mga Tauhan. Sa bawat isa sa mga ito, nakita natin ang kagandahan at kayamanan ng ating wika. Nakita natin kung paano ito nagiging tulay sa ating pagkakaunawaan at pagkakaisa.

Hindi lamang sa mga gawain/paligsahan maipahahayag ang tunay na kahulugan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika , ito ay sa ating layunin na patuloy na pahalagahan at gamitin ang ating sariling wika. Ito ay hindi lamang isang tungkulin, kundi isang karangalan. Ang Filipino ay ang ating pagkakakilanlan, ang ating kasayayan, at ang ating kultura.

Sa mga susunod na araw, linggo, at buwan, sana'y patuloy nating gamitin ang ating wika sa ating pang-araw-araw na buhay. Gamitin natin ito sa ating mga tahanan, sa ating mga paaralan, at sa ating mga komunidad. Ibahagi natin ito sa ating kapwa at sa mga susunod na henerasyon.

Sa pamamagitan ng ating pagkakaisa at pagmamahal sa ating wika, tiyak na magiging mas malakas at mas maunlad ang ating bansa.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024 , sa aming butihing punongg**o, Dr. Michael A. Garrovillas, sa kasamahang Dept. Chairman , Bb. Rosalie N. Nieva, Gng Lorena A. Arago, G. Jonel R. Altarejos at BB. Risalyn C. Antazo, sa lahat ng mga mag-aaral na nakiisa sa lahat ng patimpalak, G. Reijan Sagun, G. Jonald Sison, G. Juan Carlo Cebanico, sa lahat ng g**o sa kagawaran ng Filipino lalo’t higit sa Tagapangulo ng KAPARIZ, Gng. Maria Perlita L. Romero.

Maraming salamat Panginoon sa paggabay sa amin.

Pagbati sa lahat ng nakilahok at nagwagi!

-Gng. Cecilia F. Tuazon
Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino



26/08/2024

𝐍𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟔 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢!

Maaakses ang Diksiyonaryo ng Wikang Filipino sa kwfdiksiyonaryo.ph na patuluyang sumasailalim sa pag-eedit. Bukás kami sa pagtanggap ng mga puna!

Ano nga ba Vicentians? I-komento sa ibaba at baka isa ka sa aming mapipili na makatatanggap ng munting 🎁👇👇👇Magkomento mi...
21/08/2024

Ano nga ba Vicentians? I-komento sa ibaba at baka isa ka sa aming mapipili na makatatanggap ng munting 🎁
👇👇👇

Magkomento mismo sa post ng page Ng VMIS Kagawaran Ng Filipino

Ano nga ba Vicentians? I-komento sa ibaba at baka isa ka sa aming mapipili na makatatanggap ng munting 🎁
👇👇👇

Address

Quarry Road
Palangoy
1940

Opening Hours

Monday 12pm - 4pm
Tuesday 12pm - 4pm
Wednesday 12pm - 4pm
Thursday 12pm - 4pm
Friday 12pm - 4pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when VMIS Kapariz Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share