18/03/2026
Idinaos kamakailan ang Kubol-Kubol Culminating Program ng LGU Pagbilao sa pangunguna ni Mayora Ate Gigi Portes, katuwang ang masisipag na mga punongg**o ng iba’t ibang paaralan. Masayang nakiisa ang mga mag-aaral mula Unang Baitang hanggang Ikatlong Baitang mula sa mga paaralan sa Distrito ng Pagbilao 1, kung saan ipinamalas nila ang kanilang husay sa mga asignaturang English, Filipino, at Mathematics.
Kapansin-pansin ang dedikasyon at galing ng mga kalahok na mag-aaral na buong pusong nakibahagi sa mga gawain at patimpalak. Ipinagmamalaki ng Bukal Elementary School ang naging tagumpay ng kanilang mga mag-aaral na nakakuha ng ikatlong pwesto sa Unang Baitang sa asignaturang Mathematics at ikatlong pwesto rin sa Ikalawang Baitang sa asignaturang Filipino. Ang tagumpay na ito ay patunay ng sipag, tiyaga, at suporta ng mga g**o at magulang sa mga mag-aaral.
Sa kabuuan, naging matagumpay at makabuluhan ang nasabing programa na nagbigay inspirasyon sa mga mag-aaral na patuloy pang paghusayin ang kanilang kakayahan.
03/03/2026
Ngayong Marso 2026, buong pusong nakikiisa ang mga g**o ng Bukal Elementary School sa pagdiriwang ng Women’s Month! 💜
Sa pangunguna ng aming masipag na Punongg**o isa na si Gng. Leah M. Roperez, patuloy naming ipinagdiriwang ang lakas, talino, at dedikasyon ng bawat kababaihan na nagbibigay-inspirasyon sa aming paaralan at komunidad.
Mabuhay ang kababaihan! 🌸✨
02/03/2026
Noong nakaraang Sabado, February 28,2026 isinagawa ang Clean-up Drive Project ng School Parents-Teachers Association (SPTA) ng Bukal Elementary School sa pangunguna ng pangulo ng mga magulang na si Ginoong Percival Foliente at Vice President na si Ginang Mary Ann Competente. Nakiisa rin sa gawaing ito ang iba pang mga magulang at mga g**o ng paaralan upang matagumpay na maisakatuparan ang nasabing proyekto.
Bukod sa paglilinis ng kapaligiran ng paaralan, isinagawa rin ang pagpapagawa ng Kubol-Kubol Classroom na magsisilbing karagdagang lugar para sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng paaralan. Sama-samang naglaan ng oras, lakas, at kooperasyon ang mga magulang at g**o bilang pagpapakita ng bayanihan at malasakit sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Layunin ng mga gawaing ito na mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kaaya-ayang kapaligiran ng paaralan upang higit na maging ligtas at komportable ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng komunidad ng paaralan, naging matagumpay ang proyekto at lalong pinagtibay ang ugnayan ng mga magulang at g**o para sa ikauunlad ng Bukal Elementary School.
19/02/2026
Taos-pusong nagpapasalamat ang Bukal Elementary School sa Local Government Unit (LGU) ng Pagbilao, Quezon sa patuloy nitong suporta at malasakit sa paaralan. Sa pangunguna ng punongg**o na si Gng. Leah M. Roperez, kasama ang mga g**o mula Kindergarten hanggang Ikaanim na Baitang, buong galak na ipinahahayag ang kanilang pasasalamat sa mga tulong na ipinagkaloob.
Ang pakikiisa at suporta ng LGU ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ng mga g**o ang kanilang pagtuturo at patuloy na magsikap para sa kapakanan at kinabukasan ng bawat batang nag-aaral sa Bukal E/S.
Maraming salamat po sa walang sawang pagtulong at pakikipagtulungan para sa aming paaralan.
11/02/2026
Newly Elected Supreme Elementary Learner Government of Bukal Elementary School, SY 2026–2027
President: Akirha Ashley B. Diamante
Vice-President: Ley Kendra M. Mabilin
Secretary: Freyxia Michaela Odron
Treasurer: Hanz Vincent C. Arellano
Auditor: Anica Zeylep M. Perez
P.I.O: Rhaffael O. Nepomuceno
P.O: Ytn M. Del Rosario
Representative:
Grade 6: Zachary Dylan Capio
Grade 5: Zyrich Joy P. De Rama
Grade 4: Kayce Mahinay
Grade 3: Francesca Julie De Mesa
08/02/2026
Noong Pebrero 5, 2026, isinagawa ng Division of Quezon ang monitoring para sa SELG Election 2026–2027 upang matiyak na ang pangangampanya ng mga kandidato ay sumusunod sa mga alituntunin at patakaran ng paaralan. Inobserbahan ng monitoring team ang kilos, mensahe, at pamamaraan ng pangangampanya ng mga kandidato upang masig**o ang patas, tapat, at maayos na halalan. Layunin din ng aktibidad na mapanatili ang kaayusan, respeto, at pagiging responsable ng mga mag-aaral sa buong proseso ng halalan.
03/02/2026
HALALAN | SELG 2026-2027
Mga Opisyal na Kandidato
Ang mga kandidato ng Supreme Elementary Learner Government (SELG) ng Bukal Elementary School para sa Taong Panuruan 2026–2027 ay mga masisipag, responsable, at handang maglingkod na mga lider-estudyante na layuning katawanin ang boses ng kanilang kapwa mag-aaral. Ipinapakita ng mga kandidatong ito ang mahusay na pamumuno, katapatan, pagtutulungan, at dedikasyon sa pagtataguyod ng isang positibo, ligtas, at inklusibong kapaligiran sa paaralan. Nais nilang magpatupad ng mga makabuluhang programa at gawain na sumusuporta sa kahusayan sa akademiko, kapakanan ng mga mag-aaral, disiplina, at diwa ng paaralan. Sa pamamagitan ng kanilang malasakit sa paglilingkod at pamumuno, ang mga kandidato ng BUKAL ES SELG ay handang magbigay-inspirasyon, manguna, at mag-ambag sa patuloy na pag-unlad at tagumpay ng komunidad ng paaralan.
VOTE WISELY
02/02/2026
📣 STATE OF THE LEARNER GOVERNMENT ADDRESS (SOLGA) 2026 📣
Matagumpay na isinagawa ng Bukal Elementary School ang State of the Learner Government Address (SOLGA) ngayong Pebrero 2, 2026, pagkatapos ng Flag Ceremony, na pinangunahan ng SELG President na si Yuieh O. Manubay, mag-aaral ng Ika-anim na Baitang – Diamond, para sa Panuruang Taon 2025–2026.
Sa kanyang ulat, ibinahagi ni Pangulong Manubay ang mga nagawa at patuloy na isinusulong ng Supreme Elementary Learner Government (SELG) na mga programa at proyekto na ginagabayan ng DepEd Core Values: Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan, at Makabansa. Binigyang-diin niya ang tapat, responsable, at may malasakit na paglilingkod ng SELG sa buong komunidad ng paaralan.
Kabilang sa mga tampok na inisyatiba ng SELG ang Project SSWMP (School Solid Waste Management Program) at ang Tree Planting Activity sa Barangay Tukalan, bilang tugon sa pangangalaga sa kalikasan. Sa aspeto ng learner support, isinulong din ang Peer Reading Tutorial para sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 3 upang mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa at mapalakas ang diwa ng bayanihan.
Ipinagmalaki rin sa ulat ang matagumpay na Teacher’s Day Celebration, na pinangunahan ng SELG katuwang ang ilang school clubs, bilang pasasalamat sa dedikasyon ng mga g**o. Gayundin, aktibong lumahok ang mga opisyal ng SELG sa Brigada Eskwela, na nagpakita ng pagkakaisa at responsibilidad sa paghahanda ng isang ligtas at kaaya-ayang paaralan.
Sa kabuuan, pinatunayan ng SOLGA na ang SELG ng Bukal ES ay hindi lamang isang organisasyon, kundi isang tunay na katuwang ng mga mag-aaral sa paghubog ng mas maunlad, makatao, at makakalikasan na paaralan.
👏 Mabuhay ang Supreme Elementary Learner Government at ang buong Bukal Elementary School!
31/01/2026
Enero 31, 2026, Kasalukuyang isinasagawa ang Early Registration bilang simula ng pagpapatala para sa Kindergarten at Unang Baitang sa pangunguna ng Project teamleader na si Gng. Alexa V. Libit sa patnubay ng Punongg**o na si Gng. Leah M. Roperez. Aktibong ring nakiisa sa gawain ang mga g**o mula sa kindergarten at Unang baitang kasama ang School Guidance Teacher Designate na si Gng. Glenda P. Alcantara, Gng. Alexa V. Libit at Bb. Zhiena Jane Mari A. Guemo, gayundin ang mga g**o sa Unang Baitang na sina Gng. Arlene H. Decuzar, Gng. Mariel B. Baraquiel, at Gng. Rosemarie A. Quinto.
Sa aktibidad na ito, ipinaalam sa mga magulang at tagapag-alaga ang pagsisimula ng opisyal na pagpapatala para sa mga batang papasok sa Kindergarten at Unang Baitang. Ipinaliwanag din ang mga kinakailangang dokumento, iskedyul, at mga hakbang sa proseso ng pagpapatala upang maging malinaw at maayos ang daloy ng pagpaparehistro.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng administrasyon at mga g**o, naging maayos at matagumpay ang pagsisimula ng pagpapatala, na naglalayong matiyak ang maagang paghahanda ng paaralan at ang maayos na pagtanggap sa mga bagong mag-aaral para sa darating na panuruang taon.
30/01/2026
Bukas na! Halina at magpalista!
ANNOUNCEMENT‼️
Bukal Elementary School "Early Registration for S.Y.2026-2027"
Inaanyayahan po namin kayo na ipatala na po ang iyong mga anak simula January 31,2026 (Sabado) hanggang February 27,2026 sa ganap na Ika- 7:30am -5:00 pm.
🟠KINDERGARTEN : Mga batang limang (5 )taong gulang
🟢GRADE 1 : Mga batang nkapagtapos ng Kindergarten sa S.Y. 2025-2026 ( Mga batang Kindergarten ngayon)
🔴TRANSFEREES: Mga batang mula Grade 1 - Grade 6 na nagnanais lumipat
🟡BALIK-ARAL: Mga batang nagnanais bumalik sa pag - aaral.
DAPAT DALAHIN:
🖍️ KINDERGARTEN
- Photocopy ng PSA Birth Certificate
- No PSA Birth Certificate : Magpasa ng Photocopy ng alinman sa mga sumusunod:
NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/ Late Registration Form
✏️GRADE 1
- Photocopy ng PSA Birth Certificate
Basic Education Enrolment form; ito ay maaaring makuha sa ating paaralan
Ang mag - aaral naman mula Grade 2 hanggng Grde 6 ay kinokonsidera ng pre-registered.
30/01/2026
Day 4- EARLY REGISTRATION CAMPAIGN of BUKAL ELEMENTARY SCHOOL