18/03/2026
Idinaos kamakailan ang Kubol-Kubol Culminating Program ng LGU Pagbilao sa pangunguna ni Mayora Ate Gigi Portes, katuwang ang masisipag na mga punongg**o ng iba’t ibang paaralan. Masayang nakiisa ang mga mag-aaral mula Unang Baitang hanggang Ikatlong Baitang mula sa mga paaralan sa Distrito ng Pagbilao 1, kung saan ipinamalas nila ang kanilang husay sa mga asignaturang English, Filipino, at Mathematics.
Kapansin-pansin ang dedikasyon at galing ng mga kalahok na mag-aaral na buong pusong nakibahagi sa mga gawain at patimpalak. Ipinagmamalaki ng Bukal Elementary School ang naging tagumpay ng kanilang mga mag-aaral na nakakuha ng ikatlong pwesto sa Unang Baitang sa asignaturang Mathematics at ikatlong pwesto rin sa Ikalawang Baitang sa asignaturang Filipino. Ang tagumpay na ito ay patunay ng sipag, tiyaga, at suporta ng mga g**o at magulang sa mga mag-aaral.
Sa kabuuan, naging matagumpay at makabuluhan ang nasabing programa na nagbigay inspirasyon sa mga mag-aaral na patuloy pang paghusayin ang kanilang kakayahan.