NNHS- ๐“๐“ท๐“ฐ ๐“๐“ท๐“ญ๐“ช๐“น

NNHS-  ๐“๐“ท๐“ฐ ๐“๐“ท๐“ญ๐“ช๐“น

Share

Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng mga Mag-aaral at ng Komunidad ng Napolan National High School

04/04/2026

Isang napakasaya at hindi malilimutang yugto ng aking buhay ay ang pagiging bahagi ng Ang Andap. Isa ito sa mga pinaka hindi ko inaasahanโ€”ang maging miyembro ng pampaaralang pahayagan. Noon, hindi ko akalaing makakasali ako sa Ang Andap dahil takot akong sumubok at wala akong tiwala sa aking sariling kakayahan.

Ngunit nang ako ay tumungtong ng ika-sampung baitang, nagpasya akong mag-audition sa kabila ng aking pag-aalinlangan. Sa awa ng Diyos, ako ay nakapasok at naging opisyal na miyembro ng Balitang Panghimpapawid ng Ang Andap.

Hindi ko inaasahan na sa pamilyang ito ko matututunan ang kahalagahan ng pamamamahayag nang tapat at pagbabahagi ng katotohanan. Dito rin nahubog ang aking mga kakayahan at lalo pang tumaas ang aking tiwala sa sarili. Kahit noong una ay nag-aalangan ako, ngayon ay lubos akong nagpapasalamat na sa maikling panahon ako'y naging bahagi ng Ang Andap.

Sa aming tagapayo, Ginoong Peter Ben Joey J. Luzon maraming salamat po sa inyong gabay, kaalaman, payo, at kabutihan na ipinamalas. Hindi lamang po kayo naging tagapayo, kundi naging inspirasyon at dahilan kung bakit patuloy na nagsusumikap ang bawat mamamahayag ng Ang Andap.

Sa bawat pagkakamaling aming nagawa, pilit niyo itong itinatama dahil buo ang inyong paniniwala na walang imposible para sa isang mamamahayag na puno ng pangarap. Lubos kong ikinagagalak na kayo po ang aming naging tagapayo, sapagkat marami akong natutunanโ€”hindi lamang sa pamamahayag, kundi pati na rin sa paniniwala sa sariling kakayahan.

Taos-puso po akong nagpapasalamat sa tiwala at karunungan na inyong ibinahagi. Nawaโ€™y patuloy kayong magbigay-inspirasyon sa mga kabataang mamamahayag. Sa aking paglisan, hinding-hindi ko makakalimutan ang tawanan, iyakan, at mga kwentuhang ating pinagdaanan.

Lubos din po akong nagpapasalamat kay Ma'am Jassy, sa suporta at payong kanyang ibinigay. Sa bawat pag-eensayo namin, kahit paminsan-minsan ay maingay kami, pinahihintulutan at pinapagamit niyo pa rin po kami sa inyong mga kagamitan. Maraming salamat po, Ma'am Jassy.

Sa aking pamilya at mga kaibigan, maraming salamat sa walang sawang suporta at tiwala. Kayo ang nagbigay ng lakas sa akin upang magpatuloy. Kung hindi dahil sa inyo hindi ko makukuha ang tagumpay na nais ko. Kahit na ako'y madalas na umuuwi nang gabi ako'y inyong iniintidi at hinihintay.

Sa aking mga kasamahan sa Balitang Panghimpapawidโ€”Brillant, Ya Kheil, Mecaila, Crizalyn, Cathy, at Nicaโ€”maraming salamat sa lahat ng alaala na ating nabuo. Kahit paminsan-minsan ay may hindi pagkakaunawaan at pag-aaway, mas nanaig pa rin ang ating pagkakaisa at pagtutulungan upang maabot ang ating mga mithiin.

Bagama't hindi man tayo pinalad na makarating sa RSPC, masaya pa rin ako dahil nakuha natin ang ikalawang puwesto sa DSPC; isa ito sa mga pagkakataong hinding-hindi ko malilimutan. Sa susunod, kahit hindi na tayo magkakasama sa iisang koponan, nawaโ€™y dala pa rin natin ang lahat ng ating mga natutunan.

Sa pamilyang Andap, maraming salamat sa taos pusong pagtanggap. Sa maikling panahon na ating pagsasama hindi ko kailan man naramdamang ako ay bagong kapapasok lamang. Sa hindi niyo pa man ako lubusang kilala, hindi kayo nagdalawang-isip na ipadama ang inyong mainit na pagtanggap. Sa bawat tawanan at paminsan-minsang iyakan, hindi ko nakita sa inyo ang pagsuko. Ang inyong determinasyon, pagsisikap, at pagtitiyaga ang siyang nangingibabaw sa kabila ng mga hamon, at hindi kailanman kayo napanghinaan ng loob.

Ngayon, ako ay namamaalam kahit may bahagyang kirot. Hindi ito ang katapusan kundi ang daan tungo sa bagong yugto at landas na aking tatahakin. Patuloy kong dadalhin saan man ako makarating ang lahat ng magagandang alaala ng pagiging isang mamamahayag at kasapi ng Ang Andap. Alam kong may babalikan pa rin akong pamilya, sapagkat naniniwala akong "ONCE AN ANDAP, ALWAYS AN ANDAP"!

04/04/2026

Bago ang lahat, nais kong ibahagi ang aking maikling kwentoโ€”isang paglalakbay na nagsimula sa isang damdaming hindi ko rin lubos maipaliwanag. Bakit nga ba ako napunta sa dyornalismo? Hindi ko rin alam. Parang may tumibok lang sa aking dibdib at doon nagsimula ang lahat.

Dumating ang screening at kahit may kaba, pinili kong sumubok. Hindi man ako agad pinalad, hindi ako sumuko dahil naniniwala akong may tamang panahon para sa lahat. Sa awa ng Panginoon, ako ay naging bahagi ng pamilyang Andap.

Sa kolaboratibong desktop, dito ako naging manunulat at sumulat ng balitang isports. Dito ko nakasama sina Brilliant, Krizzyl, Salome, Ate Janine, Ate Ruffa, at Kuya Prince. Sila ang naging kasama ko sa aking unang yugtoโ€”punong-puno ng aral, tawanan, at alaala na hinding-hindi ko malilimutan.

Sa paglipas ng panahon, pinili kong tahakin ang landas ng himpapawidโ€”ang pagiging tagahatid ng balitang isports. Isang pangarap na unti-unting natupad sa tulong ng Panginoon. Dito ko nakasama sina Kuya Kheil, Mekayla, Karen, Crizlyn, Nica, at Brilliant. Kahit may hindi pagkakaunawaan minsan, nanatili kaming matatag at walang sumuko sa isaโ€™t isa.

Umabot kami sa DSPC na puno ng kaba, saya, at halo-halong emosyon. Sa kabila ng lahat, ibinigay namin ang aming makakaya at sa biyaya ng Panginoon, kami ay nagtagumpay bilang 2nd placerโ€”isang karangalang hindi lamang para sa amin kundi para sa buong Andap.

Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos sa walang hanggang biyaya at gabay. Salamat po sa pagkakataong maging bahagi ng pamilyang Andapโ€”isang tahanan na puno ng tawanan, aral, at pagmamahalan. Sa bawat sandali, kayo ang naging inspirasyon at lakas ko, at sa tulong ng Diyos, natutunan kong humarap sa bawat hamon nang may tapang at determinasyon.

Lubos akong nagpapasalamat kay Coach/Cher Peter Ben Joey J. Luzon sa kanyang walang sawang paggabay, pagtitiwala, at inspirasyon sa amin. Siya ang naging haligi ng aming lakas at nagsilbing ilaw sa tuwing kami ay kakabahan at natatakot. Sa kanyang mga payo at sakripisyo, mas lalo kaming naging matatag at determinado na abutin ang aming mga pangarap sa bawat turo mo ay naging leksyon sa akin/sa amin na huwag susuko dahil may Diyos na gagabay at magbibigay ng lakas,maraming salamat cher at mahal na mahal kita.

Sa aking mga magulang, mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming salamat sa walang sawang pagmamahal, pag-unawa, at suporta. Kayo ang naging lakas ko sa bawat pagod. Lahat ng aking narating ay alay ko sa inyo.

Ngayon, akoโ€™y nagpapaalam bilang bahagi ng Ang Andap. Hindi ko maitatanggi na may lungkot sa aking puso, dahil mamimiss ko ang pamilyang aking nakasamaโ€”ang pamilyang Andap na naging tahanan ko sa paglalakbay na ito. Ang bawat alaala, tawanan, at pagsubok na ating pinagsaluhan ay mananatili sa akin magpakailanman.

Mahal ko kayo, pamilyang Andap, at mananatili kayo sa aking puso magpakailanman.

04/04/2026

โ€ŽHinding-hindi ko makakalimutan na naging bahagi ako ng ANDAP. Hindi lang ito naging isang school publicationโ€”naging parte na rin ito ng aking buhay. Palagi kong dadalhin ang mga aral, alaala, at karanasan na natutunan ko rito. Kahit na lilipat ako ng ibang paaralan, mananatiling may espesyal na lugar ang ANDAP sa aking puso. Kahit saan man ako mapunta, alam kong may bahagi ng sarili ko na mananatili roon.
โ€Ž
โ€ŽBalikan natin noong ako pa ay nasa unang taon ng high school. Marami akong nakikitang mga estudyante sa Napolan National High School na mga journalist. Hinangaan ko sila dahil mukhang sila ay may kumpiyansa at talento. Noong panahong iyon, gusto ko ring sumali, ngunit mas nanaig ang takot at hiya ko kaysa sa aking lakas ng loob. Palagi kong iniisip na baka hindi ako sapat, kaya hindi ko nalang sinubukan sumali.
โ€Ž
โ€ŽNoong ako ay nasa ikatlong taon ng high school, sinubukan kong sumali sa ANDAP, ngunit ganoon pa rin ang nangyari, katulad noong ako ay nasa unang taon pa lamang. Kinabahan ako at nagsimulang magtanong sa sarili ko. Kasama ko pa sina Cathy at Jocheyl noon, at kahit hindi ako nag-iisa, nangingibabaw pa rin ang aking takot.
โ€Ž
โ€ŽPagdating ko ng ikaapat na taon ng high school, unti-unti akong nawalan ng kumpiyansa na sumali sa ANDAP. Naisip ko na baka hindi talaga para sa akin ang journalism. Sinabi ko sa sarili ko na baka mas mabuti pang manatili na lang ako sa kung saan ako komportable at tigilan nalang ang pagsubok na makapasok. Halos tuluyan ko nang isinuko ang ideyang iyon.
โ€Ž
โ€ŽNgunit biglang nagbago ang lahat nang mangailangan ang ANDAP ng isang tagaguhit ng editoryal na kartun. Labis akong nagulat nang ianunsyo ni Cher Peter, ang aming tagagabay at tagapayo, na bahagi na ako ng ANDAP. Sa una, inakala ko talagang biro lamang iyon dahil hindi ko inaasahan na mapipili ako. Ngunit nang mapagtanto kong seryoso siya, nakaramdam ako ng halo-halong emosyonโ€”pagkabigla, takot, at saya.
โ€Ž
โ€ŽKinabahan ako sa simula dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Ngunit naniwala sa akin si Cher Peter, kahit ako mismo ay hindi pa lubos na naniniwala sa sarili ko. May nakita siya sa akin na hindi ko pa nakikita noon. Dahil sa kanya, unti-unti akong nagkaroon ng kumpiyansa. Tinulungan niya akong paghusayin ang aking kakayahan at ginabayan niya ako sa pagguhit ng mga editoryal na kartun. Naging matiisin siya sa akin at patuloy akong hinikayat na pagbutihin pa ang aking ginagawa.
โ€Ž
โ€ŽSa paglipas ng panahon, nagsisimula akong masiyahan sa aking ginagawa. Napagtanto ko na baka ito talaga ang kaya kong gawin, isang bagay na maaari kong pagyamanin. Hindi lamang ako natutong gumuhit, kundi natutunan ko ring magpahayag ng ideya, maging mapanuri, at magkaroon ng boses sa pamamagitan ng aking mga gawa.
โ€Ž
โ€ŽDahil sa oportunidad na ito, nakarating ako sa Division Schools Press Conference. Kahit hindi man ako nanalo, hindi ko naramdaman na ako ay nabigo. Sa halip, ipinagmamalaki ko ang sarili ko dahil sinubukan ko at umabot ako sa ganoong antas. Naramdaman ko rin ang suporta at pagmamalaki ng mga taong nasa paligid ko, at napakahalaga nito para sa akin.
โ€Ž
โ€ŽNais kong pasalamatan si Cher Peter sa pagtitiwala niya sa akin at sa pagtulong niya na matuklasan ko ang aking kakayahan. Kung hindi dahil sa kanya, marahil ay hindi ko mararanasan ang lahat ng ito. Nais ko ring pasalamatan ang aking ina at ang aking mga kaibigan na patuloy na sumuporta sa akin, kahit noong nagdududa ako sa sarili ko. Ang kanilang suporta ang nagbigay sa akin ng lakas upang magpatuloy.
โ€Ž
โ€ŽMarami akong natutuhan sa paglalakbay na itoโ€”hindi lamang tungkol sa journalism, kundi pati na rin sa paniniwala sa sarili at sa pagkuha ng mga pagkakataon kahit ako ay natatakot. Natutuhan ko na minsan, dumarating ang mga oportunidad sa oras na hindi mo inaasahan, at kailangan mo lamang maging matapang upang tanggapin ang mga ito.

03/04/2026

Isang mag-aaral na ang pangarap ay makapasok sa mundo ng Journalismo ay ngayon hindi na isang imahinasyon para sa kaniya. Pumasok ako sa Ang Andap na wala kahit katiting na alam patungkol sa pamamahayag. Ngunit, hindi ako sumuko nagscreening kahit may kaba at walang kasiguraduhan kung makukuha ba. Nakakatawa kung isipin dahil nakuha ako bilang Pagsulat ng Agham at Teknolohiya kahit ang pinasok ko ay Pagsulat ng Kolum at inilipat sa kategoryang Pagsulat ng Editoryal. Dito nakilala ko ang pamilyang nagtutulungan at nagsisikap para sa kanilang hangarin na makamit ang tagumpay kahit na maraming pagsubok na dumating sa kanilang buhay.

Malaki ang pasasalamat ko sa Panginoong Diyos, dahil sa kaniyang gabay ay nakita ko ang daan tungo sa pamilyang Andap. Binigyan niya ako ng lakas sa tuwing ako ay nanghihina at tiwala sa sarili sa tuwing ako'y nagdududa sa sarili kong kakayahan. Hindi niya ako pinabayaan hanggang sa marating ko ang tagumpay.

Sa aking pamilya, na walang sawang nagsuporta sa akin. Kayo ang naging inspirasyon ko kung bakit ako nagpapatuloy sa daang ito. Kahit na gabi na ako umuuwi galing sa pagsasanay ay inintindi ninyo ang aking sitwasyon. Lalong-lalo na kay ate Jasmine na siyang naghikayat sa akin na sumali sa ganitong gawain. Salamat sa inyong pagmamahal na walang sinuman ang makatutumbas. Bawat panalo na aking natatamo ay kayo ang naging dahilan.

Taos-puso din akong nagpapasalamat sa aking Coach Peter Ben Joey J. Luzon, na hindi lang isang simpleng tagapayo kundi tumayo bilang isang magulang sa aming mga mamamayahag. Palagi kong bibitbitin ang iyong mga turo't payo kahit saan man ako magtungo. Ikaw po ang dahilan kung bakit naabot ko ang pangarap na RSPC. Naniwala ka sa aking kakayahan kahit ako ay nawawalan ng tiwala sa aking sarili at ang mga artikulo ay parating may "revise". Hindi ko makakalimutan ang tawanan at iyakan na ating ibinahagi sa pamilyang Andap. Ikaw ang tagapayo na gagawin ang lahat upang aming maranasan kung gaano kaganda ang iyong naranasan sa mundo ng pamamahayag. Saan man ako magtungo ay dadalhin ko ang dugong Andap.

Para kay Binibining Hanna, na naging tagapayo namin sa kategoryang AgTek hindi namin makakalimutan ang bawat payo na iyong ibinahagi sa amin. Kahit madaling panahon lang na tayo ang nagkasama ay malaki na aking pasasalamat na ikaw ay naging bahagi na aking buhay sa Journalismo. Ang iyong mga ngiti at pagpursige na kami'y turuan ay nagbigay sa amin ng dahilan upang kami ay magpatuloy.

Sa pamilyang Andap, kayo ang nagsilbi bilang ikalawa kong tahanan, masakit kung isipin na hindi na kayo ang makakasama ko sa araw ng mga pagsasanay at paligsahan. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula na hindi na kayo ang nasa aking tabi sa tuwing ako ay gagawa ng mga artikulo.Mga alaala natin ay parati ko itong baon sa aking puso. Ang bawat pag-uusap natin na may halong tawa at kung minsan ay mayroon pang-iyakan dahil napagalitan ni Cher Peter dahil mali ang nagawang artikulo. Ang mga yakap na inyong ibinigay sa akin ay hindi ko ito malilimutan. Ipagpatuloy ninyo kung ano ang nasimulan ng ating pamilya at palagi kong ipagmamalaki na ako ang naging bahagi ng pamilyang Ang Andap. Ito ay hindi isang pamamalam kundi ito ay nagpapahiwatig na kayo ay naging bahagi na ng aking buhay at ito ay ipinapasalamat ko. Makukuha ninyo ang mataas na gantimpala kung mahal ninyo ang iyong ginagawa at may paniniwala kayo sa inyong sarili na kaya niyong abutin ang inyong inaasam na panalo na may pagsisikap at pananalig sa Diyos. ONCE AN ANDAP, ALWAYS AN ANDAP!๐Ÿ’›

03/04/2026

Habang sinusulat ko ito, mabigat ang puso koโ€”dahil ang mga salitang dati kong ginagamit para magkuwento, ngayon ay ginagamit ko para magpaalam. Hindi ko inakala na darating ako sa puntong ito, na kailangan kong iwan ang isang bagay na hindi lang naging bahagi ng buhay ko, kundi naging bahagi ng kung sino ako.

Ang Journalism para sa akin ay hindi lang simpleng pagsulat. Dito ako natutong mangarap, matakot, lumaban, at bumangon. Sa bawat artikulong isinulat ko, inilagay ko ang puso koโ€”lahat ng pagod, puyat, at emosyon. Dito ko rin natagpuan ang sarili ko, ang boses ko, at ang tapang na ipaglaban ang katotohanan kahit mahirap.

Sa aking coachโ€”Cherr Peter, hindi lang kita tinitingalang coachโ€”para ka na ring ama sa akin. Hindi sapat ang โ€œsalamatโ€ para masuklian ang lahat ng ginawa ninyo para sa akin. Kayo ang naniwala sa akin noong ako mismo ay hindi sigurado sa sarili ko. Kayo ang nagtiyagang gumabay, umintindi, at magpursige para mas mailabas ko pa ang aking kakayahan. Dahil sa inyo, hindi lang ako natutong magsulatโ€”natuto akong maging matatag, maging totoo, at hindi sumuko. Habambuhay ko pong dadalhin ang mga aral ninyo.

At sig**o, isa sa mga pinakamabigat kong bitbit ay ang katotohanang hindi man ako nakasali sa DSPC kahit ako ay isang DSPC qualifier. Masakit, oo. Dahil alam ko kung gaano ko ito pinaghirapan, kung ilang beses akong nagduda, at kung ilang gabi akong nagtiyagang maghanda para doon. Pangarap ko iyon. Pinanghawakan ko iyon. Pero hindi man ako umabot sa mismong entablado, hindi ibig sabihin na natalo ako. Dahil sa prosesong iyon, mas nakilala ko ang sarili koโ€”ang kakayahan kong lumaban kahit walang kasiguraduhan, at ang lakas kong tanggapin ang mga bagay na hindi para sa akin. At kahit papaano, ipinagmamalaki ko pa rin ang sarili ko dahil sinubukan ko. Lumaban ako.

Kay Ate Zia, salamat sa pagiging ilaw sa mga panahong pakiramdam ko ay nawawala ako. Ang presensya mo, kahit minsan tahimik lang, ay napakalaking bagay para sa akin. Isa ka sa mga taong hindi ko makakalimutan sa journey na ito.

Sa aking Andap family, kayo ang naging tahanan ko sa gitna ng pagod at pressure. Sa bawat tawanan, iyakan, at kwentuhan, doon nabuo ang mga alaala na hindi kayang burahin ng panahon. Kayo ang naging lakas ko kapag gusto ko nang sumuko.

At sa aking mga kaibigan, salamat sa pananatiliโ€”sa pag-intindi, sa pakikinig, at sa pagmamahal. Kayo ang naging sandigan ko sa mga pagkakataong hindi ko na kaya mag-isa.

Hindi ko man alam kung saan ako dadalhin ng susunod na yugto ng buhay ko, pero isang bagay ang siguradoโ€”hinding-hindi mawawala sa akin ang lahat ng natutuhan ko dito. Ang mga alaala, ang sakit, ang saya, at ang pagmamahalโ€”lahat iyon ay mananatili.

Ito na ang paalamโ€ฆ pero hindi ang wakas. Dahil ang bawat salitang natutunan kong isulat dito, dadalhin ko sa susunod kong kwento.

Kung may lugar man na babalikan ko sa tuwing mapapagod ako, iyon ay ang mga alaala ko sa tahanan ng ANDAP.๐Ÿ’›๐Ÿ’›๐Ÿ’›

03/04/2026

Hindi ko lubos na inakala na magiging isang manunulat ako sa opisyal na pampahayagang Ang Andap. Sa aking nakaraang paaralan, isa rin akong bahagi ng dyornalismong pangkampus ngunit hindi ako nabigyan ng pagkakataong manalo at umabot lamang ako hanggang distrito. Noong nalaman ko na lilipat na ako ng paaralan, sinabi ko sa aking sarili, โ€œSasali ako ng journalism.โ€ Dumating ang araw ng screening at buong tapang akong sumubok kahit may kaba sa aking dibdib. Hindi man ako pinalad na makuha noon, hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa dahil naniniwala akong may tamang panahon para sa lahat.

Lubos akong nagpapasalamat sa Panginoon na inilagay Niya ako sa Andap family. Siya ang naging gabay ko sa bawat hakbang ng aking paglalakbay bilang isang manunulat. Sa kabila ng aking mga pagdududa at takot, patuloy Niya akong pinalakas at binigyan ng lakas ng loob. Dahil sa Kanya, natutunan kong magtiwala hindi lamang sa sarili kundi pati sa prosesong aking dinaraanan. Ang lahat ng aking narating ngayon ay hindi ko makakamit kung wala ang Kanyang paggabay.

Lubos ko ring pinapasalamatan si Coach Peter Ben Joey J. Luzon na siyang nagtiwala sa aking kakayahan. Siya ang nagbigay sa akin ng pagkakataon na maging bahagi ng lathalain kahit ako ay nagdadalawang-isip noon. Hindi ko makakalimutan ang kanyang mga itinuro at gabay na humubog sa akin bilang isang manunulat. Sa bawat payo at suporta niya, mas lalo akong naging matatag at determinado. Dahil sa kanya, natutunan kong paniwalaan ang aking sarili.

Si Ate Zia Ramos ay naging mahalagang bahagi ng aking paglalakbay sa dyornalismo. Siya ang nagturo sa akin kung paano sumulat ng headline at bumuo ng isang maayos na artikulo. Sa pamamagitan ng kanyang tiyaga at paggabay, mas lalo kong naunawaan ang tamang proseso ng pagsusulat. Hindi lamang niya ako tinuruan ng teknikal na kaalaman kundi pati na rin ng disiplina at dedikasyon. Dahil sa kanya, mas naging buo ang aking kumpiyansa bilang isang manunulat.

Sa aking Andap family, maraming salamat sa mga alaala, tawanan, at samahang hindi ko kailanman malilimutan. Kayo ang naging bahagi ng aking paglago at naging inspirasyon ko sa bawat pagsubok. Hindi man tayo magkaparehas ng grupo sa susunod na taon, mananatili pa rin kayo sa aking puso. Ang bawat sandali na kasama kayo ay mananatiling espesyal sa akin. Maraming salamat sa lahat ng suporta at pagmamahal na ibinigay ninyo.

Sa aking mga magulang, maraming salamat sa walang sawang suporta at pagmamahal na ibinigay ninyo sa akin. Kayo ang aking naging sandigan sa bawat hakbang na aking tinahak. Sa bawat pangarap na aking naabot, kayo ang aking inspirasyon. Hindi ko mararating ang lahat ng ito kung wala kayo sa aking tabi. Ngayon, dumating na ang oras ng pamamaalam bilang isang manunulat ng Ang Andapโ€”paalam, ngunit hindi ito ang wakas kundi simula ng panibagong kwento sa aking buhay.

03/04/2026

Mula sa pagiging ordinaryong mag-aaral hanggang sa naging parte ng pamilyang Ang Andap. Hindi ko inaasahang sa pagsubok kong sumulat sa pagsasala ay doon pala magsisimula ang mga ala-alang hindi ko gugustuhing mawala.

Sa pamilyang ito namulat ang aking isipan sa totoong diwa ng pagsusulat โ€” mga salitang may malalim na kabuluhan kahit isinulat sa simpleng papel lamang. Sa bawat pagsubok na dinaanan ay lalo pa nating tinatagan โ€” napakarami kong natutuhan sa ating tatlong taong samahan.

Hindi ito isang mensahe ng pagpapaalam lang kundi ng buong pusong pasasalamat. Sa aming coach na mapagmahal at walang ibang ninais kundi ang aming kabutihan โ€” Cher Peter, maraming salamat sa lahat ng sakripisyong inialay mo para sa akin, sa aming lahat โ€” hindi ko masisiguradong ipagpapatuloy ko ang pagsusulat dahil hindi na ikaw ang aking tagapayo, subalit aking ibabaon ang lahat ng payong itinuro mo sa akin. Salamat po sa pagiging proud mo sa akin kahit hindi ko naipapanalo ang mga laban sa kategorya ko, nais ko po talagang magkaroon ka ng manunulat sa Agtek na masasamahan mo sa RSPC at NSPC. Muli maraming salamat Cher Peter.

Para sa mga miyembro ng pamilyang Andap, maraming salamat sa inyong suporta โ€” nawa ay ipagpatuloy ninyo ang pagpapabuti at pagpapalawak ng kaalaman at ideya ninyo sa pagsusulat, huwag ninyong pasasakitin ang ulo at pataasin ang dugo ng ating cute na tagapayo. Marami pang magagandang artikulo ang maililimbag ninyo.

May kaunting kirot kapag naiisip ko na ang mga dating artikulong tinatakas-takasan ko ay mahirap nang bitawan ngayong aalis na ako. Kahit aalis na ako, alam kong parte pa rin ako ng pamilyang ito dahil "ONCE AN ANDAP, ALWAYS AN ANDAP" ๐Ÿ’›๐Ÿ˜‰

31/03/2026

Pagbati sa aming nag-iisa at walang kapantay na ๐‘ท๐’–๐’๐’๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’–๐’“๐’, ๐‘บ๐’Š๐’“ ๐‘ผ๐’š! ๐ŸŽ‰

Buong-pusong pagbati at pagpapasalamat mula sa ๐—”๐—ป๐—ด ๐—”๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ sa iyong walang katapusang pagtulong sa amin, Sir! โœจ

๐๐ข๐ง๐š๐ฉ๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ง๐š๐ฆ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ!๐Ÿ’›

๐“œ๐“ช๐“ต๐“ฒ๐“ฐ๐“ช๐”‚๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“š๐“ช๐“ช๐“ป๐“ช๐”€๐“ช๐“ท, ๐“ข๐“ฒ๐“ป ๐“ก๐“ธ๐“ท๐“ช๐“ต๐“ญ ๐“ž. ๐“ค๐”‚! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚

Isang taos-pusong pagbati mula sa buong pamilya ng ๐™‰๐™–๐™ฅ๐™ค๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™‰๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™ƒ๐™ž๐™œ๐™ ๐™Ž๐™˜๐™๐™ค๐™ค๐™ก! Maraming salamat po sa inyong walang sawang pamumuno, dedikasyon, at inspirasyong patuloy ninyong ibinibigay sa bawat g**o at mag-aaral.

Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas ng loob, at tagumpay sa inyong misyon bilang aming Punongg**o. Hangad po namin ang mas marami pang taon ng makabuluhang paglilingkod at masaganang biyaya sa inyong buhay.

Muli, Maligayang Kaarawan po Punongg**o Ronald Uy !

08/03/2026

CONGRATULATIONS, ANDAP! ๐ŸŽ‰๐Ÿ“ฐ

TULOY ANG LATHALA AT NSPC BOUND TAYOโœจ

Lilipad patungong National Schools Press Conference (NSPC) sa Ormoc, Leyte ang pampaaralang pahayagang ANG ANDAP matapos makapagtala ng kahanga-hangang tagumpay sa ginanap na Regional Schools Press Conference โ€“ School Paper Contest sa Sindangan, Zamboanga del Norte.

Sa patimpalak na ito, buong husay na ipinamalas ng patnugutan ng ANG ANDAP ang kanilang galing sa pagsusulat, pag-eedit, at paglalathala ng pahayagan. Humigit kumulang 90 na mga sumali sa buong Tangway ng Zamboanga at nakamit ng publikasyon ang sumusunod na parangal:
๐Ÿฅˆ 2nd Place โ€“ Pahinang Balita
๐Ÿ… 6th Place โ€“ Pahinang Lathalain
๐Ÿ… 10th Place โ€“ Pahinang Balitang Isports

Ang mga parangal na ito ay patunay ng dedikasyon, sipag, at talento ng mga batang mamamahayag na patuloy na nagpapakita ng kahusayan sa larangan ng Campus Journalism.

Sa pagharap sa mas mataas na entablado ng NSPC, inaasahang makikipagtagisan ang ANDAP sa mga mahuhusay na publikasyon mula sa ibaโ€™t ibang panig ng bansa. Layunin nilang ipakita ang integridad, katotohanan, at husay sa pamamahayag habang buong dangal na kinakatawan ang kanilang paaralan at rehiyon.

Taos-pusong pagbati sa buong patnugutan ng ANDAP, sa kanilang School Paper Adviser, at sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito. Ang inyong dedikasyon at pagsisikap ay tunay na inspirasyon sa kapwa batang manunulat.

Patuloy na lumipad, patuloy na magsulat, at patuloy na magmulat. ๐Ÿ–Š๏ธโœจ
Padayon, ANDAP!





04/03/2026

Ang ating batang manunulat mula sa Lungsod ng Pagadian, abot-kamay na ang pangarap! โœ๏ธ๐ŸŒŸ

Ang ANDAP ay nagnanais na makasungkit ng gintong medalya ๐Ÿ…. Nawaโ€™y samahan natin sila sa dasal para sa kanilang tagumpay at dedikasyon! ๐Ÿ™

Lubos din ang pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng tulong upang maisakatuparan ang RSPC dream, na maghahanda sa kanila para sa mas malaking hamon sa NSPC dream. ๐ŸŒ 

Photos from NNHS-  ๐“๐“ท๐“ฐ ๐“๐“ท๐“ญ๐“ช๐“น's post 15/02/2026

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€| ARAW NG MGA PUSO

Pagdiriwang ng Valentine's Day, Nagbigay-kulay sa Pebrero 13

ni: ๐‘ฏ๐’‚๐’๐’› ๐‘ถ๐’“๐’•๐’Š๐’๐’‚๐’๐’

May pag-ibig na lumitaw sa hangin!

Lumalabas na ang ๐’Œ๐’Š๐’๐’Š๐’ˆ, ๐’”๐’‚๐’š๐’‚, ๐’‚๐’• ๐’‰๐’‚๐’๐’‚๐’Œ๐’‰๐’‚๐’Œ ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ-๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’ sa ๐๐š๐ฉ๐จ๐ฅ๐š๐ง ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ sa isinagawang ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ'๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ nitong Pebrero 13.

Layunin ng programa na maipakita at ๐™ข๐™–๐™ž๐™ฅ๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ข๐™–๐™ข๐™–๐™๐™–๐™ก, hindi lang sa ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ญ๐˜บ๐˜ข, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช.

๐Ÿ“ธ: ๐‘ฑ๐’–๐’“๐’Š๐’› ๐‘บ๐’–๐’ƒ๐’‚ & ๐‘ด๐’Š๐’†๐’Œ๐’š๐’๐’๐’‚ ๐‘ช๐’‚๐’”๐’Š๐’‘๐’๐’๐’ˆ

Want your school to be the top-listed School/college in Pagadian City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Napolan
Pagadian City