DepEd Kinagunan Elementary School

DepEd Kinagunan Elementary School Pampublikong Paaralan sa Elementarya (Kinder - Grade Six)

Isang masayang pagbati at taos-pusong pasasalamat mula sa pamunuan ng Kinagunan Elementary School! ๐Ÿ‘Lubos ang aming kaga...
09/08/2026

Isang masayang pagbati at taos-pusong pasasalamat mula sa pamunuan ng Kinagunan Elementary School! ๐Ÿ‘

Lubos ang aming kagalakan sa naging tagumpay ng ating Induction Ceremony & Ball 2026 at ng Search for Pretty Mommy 2026 noong August 7, 2026. Ang gabi na iyon ay napuno ng saya, ganda, at inspirasyon para sa buong pamayanan ng ating paaralan. โค๏ธ

Nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa ating mga bagong halal na SPTA Officers sa inyong buong-pusong pagtanggap sa hamon ng paglilingkod.

Gayundin sa ating judges, mga espesyal na bisita, at mga generous sponsors para sa inyong panahon, galing, at walang-sawang suportang nagpatingkad sa ating okasyon.

Saludo rin kami sa ating mga kamangha-manghang kandidata, mga magulang, mga g**o, non-teaching personnel, at buong school staff sa inyong sipag, dedikasyon, at pagod sa likod ng entablado upang maging maayos at makabuluhan ang lahat.

Ang tagumpay ng kaganapang ito ay patunay lamang na kapag ang komunidad, magulang, at paaralan ay nagkakaisa, walang imposible. Ang inyong presensya at ambag ang tunay na nagpayaman sa ating selebrasyon.

Isang malaking congratulations sa ating mga bagong opisyal at sa lahat ng ating Pretty Mommies! Muli, maraming-maraming salamat sa inyong lahat at sabay-sabay nating salubungin ang isa na namang taon ng makabuluhang pagtutulungan at serbisyo. Mabuhay ang Kinagunan Elementary School! ๐ŸŒŸ๐Ÿ’™





06/08/2026
4 nights to go! ๐Ÿ‘‘๐Ÿ’ƒMas lalong umiinit ang excitement para sa Pretty Mommy 2026 Coronation Night!Kilalanin ang ating mga k...
03/08/2026

4 nights to go! ๐Ÿ‘‘๐Ÿ’ƒ
Mas lalong umiinit ang excitement para sa Pretty Mommy 2026 Coronation Night!
Kilalanin ang ating mga kandidata, mga ina na tunay na huwaran ng ganda, tapang, at inspirasyon. ๐Ÿ’–๐ŸŒท

๐Ÿ“… Coronation Night: Agosto 7, 2026 | 6:00 PM | Kinagunan Elementary School

Sino ang mag-uuwi ng korona? Abangan at suportahan ang ating mga Pretty Mommy! ๐Ÿซถ๐ŸŒŸ

26/07/2026
Kagandahan, karisma, at kumpiyansa โ€” higit pa rito, ipagdiwang natin ang mga ina na tunay na huwaran ng lakas at inspira...
23/07/2026

Kagandahan, karisma, at kumpiyansa โ€” higit pa rito, ipagdiwang natin ang mga ina na tunay na huwaran ng lakas at inspirasyon sa Pretty Mommy 2026! ๐Ÿ‘‘๐Ÿ’ƒ๐Ÿ’–

Halinaโ€™t maging saksi sa kanilang paglalakbay, at ipakita ang iyong suporta sa pamamagitan ng pagboto para sa People's Choice Award! ๐Ÿซถ๐Ÿ’

๐Ÿ“… Agosto 7, 2026 | 6:00 PM | Kinagunan Elementary School

๐Ÿ’Ž People's Choice Award โ€“ Ikaw ang magpapasya gamit ang iyong suporta!
๐Ÿ‘ Like = 1 puntos
โค๏ธ Heart = 3 puntos
๐Ÿ”„ Share = 5 puntos

๐Ÿ‘‰ Simpleng hakbang para bumoto:
1. Kahit sino ay puwedeng mag-react at mag-share.
2. I-click ang litrato ng paborito mong kandidata.
3. Mag-react gamit ang Like o Heart, at i-share ang kanilang litrato para mas maraming puntos.
4. Para makakuha ng 5 puntos, siguraduhin na naka-public ang iyong shared post.

Ang pagboto ay magsisimula ngayon at magtatapos sa Agosto 7, 2026, 12:00 ng tanghali.

Ang may pinakamataas na puntos ang tatanghaling People's Choice Award 2026.

Tandaan: Hiwalay ito sa scores ng hurado โ€” kaya boto ng tao ang tunay na boses dito!

Halinaโ€™t ipakita ang iyong suporta at cheer para sa paborito mong Pretty Mommy! ๐Ÿซถ๐Ÿ’

'sChoiceAward

Happy Birthday to our dedicated School Head, Maโ€™am Metushella! More wisdom and happiness ahead! ๐Ÿฅณ l July 23, 2026- Greet...
23/07/2026

Happy Birthday to our dedicated School Head, Maโ€™am Metushella! More wisdom and happiness ahead! ๐Ÿฅณ l July 23, 2026
- Greetings from KES Family

๐Ÿ“ข Reminder to All!  Safety and security is our shared responsibility. ๐Ÿ›ก๏ธKinagunan Elementary School stands firm in prote...
25/06/2026

๐Ÿ“ข Reminder to All!
Safety and security is our shared responsibility. ๐Ÿ›ก๏ธ

Kinagunan Elementary School stands firm in protecting our learners, teachers, and personnel by upholding a zeroโ€‘tolerance policy against violence, abuse, and threats to safety.

Guided by DepEd directives โ€” Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012), Schools as Zones of Peace (DepEd Order No. 32, s. 2019), and Safe and Motivating Learning Environment (DepEd Order No. 6) โ€” we ensure that our school remains a peaceful and nurturing place for learning.

Together, letโ€™s keep Kinagunan ES safe, secure, and childโ€‘friendly. ๐Ÿ’™

๐Ÿ“ข IMPORTANT ANNOUNCEMENT: OFFICIAL RENAMING OF THE SCHOOL FACEBOOK PAGEIn strict compliance with the Department of Educa...
20/06/2026

๐Ÿ“ข IMPORTANT ANNOUNCEMENT: OFFICIAL RENAMING OF THE SCHOOL FACEBOOK PAGE

In strict compliance with the Department of Education's branding and communication standards under DepEd Order No. 007, s. 2026, this page is officially changing its name:

FROM: DepEd Tayo Kinagunan Elementary School - Quezon Province

TO: DepEd Kinagunan Elementary School

This transition aims to strengthen professionalism, consistency, and transparency across all official DepEd social media platforms. We kindly request all stakeholders to take note of this update.

Thank you for your continued cooperation!

Second Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ๐Ÿšจ๐ŸŒMatagumpay na nakiisa ang Kinagunan Elementary School sa ...
18/06/2026

Second Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ๐Ÿšจ๐ŸŒ

Matagumpay na nakiisa ang Kinagunan Elementary School sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw, Hunyo 18, 2026, sa ganap na ika-9:00 ng umaga! ๐Ÿ•’โœจ

Sa pangunguna ng ating masipag na DRRM Focal Person, Ma'am Bernardita P. Llante, katuwang si Ma'am Mary Keith Mignonette A. Babilonia, DRRM Coordinator, at sa gabay ng ating Head Teacher II/OIC School Head, Ma'am Metushella L. Magadia, maayos na naisagawa ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ang tamang proseso ng "Duck, Cover, and Hold." ๐ŸŽ’โ›‘๏ธ

Tunay na sa Kinagunan ES, Bida ang Handa! Ang gawaing ito ay patuloy na nagpapatibay sa ating kahandaan, disiplina, at kaalaman upang masig**o ang kaligtasan ng bawat isa sa oras ng kalamidad.

Laging tandaan: Ligtas ang may alam! Mahusay, Kinagunan ES Family! ๐Ÿ‘๐Ÿ’ช

Address

Padre Burgos
4303

Opening Hours

Monday 7:30am - 4:30pm
Tuesday 7:30am - 4:30pm
Wednesday 7:30am - 4:30pm
Thursday 7:30am - 4:30pm
Friday 7:30am - 4:30pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Kinagunan Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Kinagunan Elementary School:

Shortcuts

Share

Category