03/10/2026
𝗠𝘂𝗹𝗮 𝗦𝗶𝘆𝗮𝘀𝗶𝗸, 𝗣𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗗𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟲!
Muling magbibigay-karangalan ang mga mag-aaral ng 26YP-Junior College sa larangan ng pananaliksik!
Pagbati kina G. Azriel Aiden Alvarez, Bb. Arianne Jasmine Bitoon, G. Gabriel Canoza, Bb. Akisha Brianna De Ocampo, Bb. Franchesca Maria Racho, at Bb. Rio Veanna Prieto sa pagkakatanggap ng kanilang pananaliksik na may pamagat na “BENTATAK: We’ve Got It All for You! Pagkakakilanlan ng SM Super Malls: Pagdalumat ng Salita sa Larang ng Integrated Marketing” sa PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) na gaganapin sa Oktubre 2-3, 2026.
Sa ilalim ng paggabay ni G. John Errol Velasco, ang pananaliksik na ito ay unang naibahagi sa Siyasik 2026 at magkakaroon ngayon ng pagkakataong maipresenta sa pambansang kumperensiya kasama ang iba pang mga pag-aaral mula sa iba't ibang institusyon sa bansa.
Sa taong ito, bitbit ng kumperensiya ang temang, “Binhi, Bituin, at Bukas: Inobasyon at Interdisiplinaryong Pag-uugat sa Wikang Filipino at Panitikang Katutubo Tungo sa Sostenible at Multidisiplinaryong Sining ng Pelikula.”
Patunay ang tagumpay na ito na ang masusing pananaliksik at kritikal na pagsusuri ay may lugar hindi lamang sa loob ng silid-aralan kundi maging sa mas malawak na akademikong komunidad.
Padayon, 26YP-Junior College! Lubos namin kayong ipinagmamalaki!