Samahang Filipino - Kampus sa Calapan

Samahang Filipino - Kampus sa Calapan โ€œ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’,๐’˜๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’๐’‚๐’š๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’Ž๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’š๐’‚!โ€
๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—ช๐—”

"๐€๐ง๐  ๐’๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐š๐ญ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ"Part 2: Isang sandali ng pagbabalik-tanaw, pasasalamat, at pagdi...
23/05/2026

"๐€๐ง๐  ๐’๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐š๐ญ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ"

Part 2: Isang sandali ng pagbabalik-tanaw, pasasalamat, at pagdiriwang ng mga alaala at tagumpay na nabuo sa loob ng apat na taon bilang bahagi ng Samahang Filipino.

Mula sa mga unang hakbang ng pangarap hanggang sa nalalapit na pagtatapos, pinatunayan ng bawat isa na ang tiyaga, pagkakaisa, at pagmamahal ay daan tungo sa tagumpay.

Sa pagtatapos ng isang kabanata, dala namin ang mga aral, karanasan, at pagkakaibigang mananatili habambuhay. ๐ŸŒป๐Ÿ“š

PADAYON, MGA KABANWA! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ“

#๐๐€๐‹๐ˆ๐Š๐“๐€๐๐€๐–

"๐€๐ง๐  ๐’๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐š๐ญ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ"Part 1: Isang sandali ng pagbabalik-tanaw, pasasalamat, at pagdi...
23/05/2026

"๐€๐ง๐  ๐’๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐š๐ญ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ"

Part 1: Isang sandali ng pagbabalik-tanaw, pasasalamat, at pagdiriwang ng mga alaala at tagumpay na nabuo sa loob ng apat na taon bilang bahagi ng Samahang Filipino.

Mula sa mga unang hakbang ng pangarap hanggang sa nalalapit na pagtatapos, pinatunayan ng bawat isa na ang tiyaga, pagkakaisa, at pagmamahal ay daan tungo sa tagumpay.

Sa pagtatapos ng isang kabanata, dala namin ang mga aral, karanasan, at pagkakaibigang mananatili habambuhay. ๐ŸŒป๐Ÿ“š

PADAYON, MGA KABANWA! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ“

#๐๐€๐‹๐ˆ๐Š๐“๐€๐๐€๐–

๐๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐ง๐ฐ๐š!๐Ÿ‘Sa wakas, ang mga pangarap na minsang binuo sa gitna ng pangamba at sakripisyo ay matagumpay nang n...
12/05/2026

๐๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐ง๐ฐ๐š!๐Ÿ‘

Sa wakas, ang mga pangarap na minsang binuo sa gitna ng pangamba at sakripisyo ay matagumpay nang naisakatuparan. Sa bawat gabing nagpuyat, panahong nag-alinlangan, at pagkakataong pinili ninyong bumangon at magpatuloy, tunay na karapat-dapat lamang na parangalan ang inyong dedikasyon at pagsisikap.

Ang inyong tagumpay ay patunay ng tibay ng loob at lalim ng pagmamahal sa propesyong inyong tatahakin. Dalangin namin na magsilbi kayong inspirasyon sa bawat kabataang inyong mahuhubog at magagabayan.

Muli, taos-pusong pagbati sa lahat ng bagong lisensyadong propesyunal na g**o. Nawaโ€™y magsilbi itong simula ng mas makahulugan at makabuluhang paglalakbay bilang mga g**o ng bayan.



Muling pinatunayan ng Kabanwa ng Samahang Filipino ang husay sa sining ng pagtula! Sa patimpalak na inorganisa ng Komisy...
25/04/2026

Muling pinatunayan ng Kabanwa ng Samahang Filipino ang husay sa sining ng pagtula! Sa patimpalak na inorganisa ng Komisyon sa Wikang Filipino, nagwagi ang ating Kabanwa na si Christine Lamboloto dahil sa kanyang natatanging diyona.

Isang tagumpay na hindi lamang para sa kanya, kundi para sa buong Samahang Filipinoโ€”patunay na ang panitikang Filipino ay patuloy na umuusbong sa kamay ng kabataang manlilikha.

Muli, pagbati sa iyo Bb. Christine Lamboloto!

๐ŸŽ‰๐Ÿ“œ

๐๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ ๐ฐ๐š๐ ๐ข ๐ฌ๐š ๐€๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ฒรณ๐ง๐š ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ฅ๐š ๐“๐š๐ฒ๐จ 2026!

๐–๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐ฎ๐ซ๐š ๐‹๐š๐ฉ๐ข๐ฌ ๐ง๐š ๐Œ๐š๐ ๐ค๐š๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐“๐š๐ฌ๐š
Chrisniel B. Radana

Gamit lapis isulat,
Galit, tangis at sugat,
Wika'y labis magmulat,

---

๐’๐š ๐๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Š๐š๐ญ๐ฐ๐ข๐ซ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง
Allan A. Rodavia

Bungkos ng waling-waling,
Mas marikit malasin
Sa palad ni Makiling.

---

๐๐ข๐ง๐ก๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐š๐ง
Dexter B. Gragasin

Nagpunla ang ninuno,
Sa isip ay tumubo,
At namunga sa puso.

---

๐–๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ ๐š๐ญ
Cejay B. Cabrasawan

Sa damdamin ng bayan
Ang bawat wikang lulan
Ay budhi ng lipunan

---

๐’๐š ๐Š๐š๐ฌ๐ญ๐ข๐ฅ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐๐ฎ๐งรฒ
Darwin S. Magbanua

May aklatรกn sa punsรณ,
Ritwรกl, Kartilyรกโ€™t sugรฒ,
Wikaโ€™y "tabรญ-tabรญ pรด.

๐๐š๐ง๐š๐ญ๐š
James M. Fajarito

Naglakbay pa-Luneta
Sakay ng bisikleta.
Alay ko sa planeta.

---

๐“๐š๐ง๐ ๐ข๐ฌ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ก๐จ๐ฒ
Rey Andrew M. Dalwampo

Dinig mo ga ang taghoy -
nahintong buhay-daloy
sa pinutol na kahoy.

---

๐€๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐“๐š๐ฅ๐จ๐ง
Jesan Antinero

Ang batis ay nangarap
Malampasan ang ulapโ€”
Bumagsak ang pangarap!

---

๐ƒ๐š๐ฆ๐›๐š๐งร 
Ma. Christine Meamo Lamboloto

Sa Halcรณn nagmรบmulรข
Mangyรกn ang pรบnong diwร 
Dรบnong ay isรกtulรข

---

๐“๐š๐ฅรข
Ronalyn G. Total

Sandรกta ng makatร 
โ€ŽTaglรกy bawat talatร 
โ€ŽDugo't pawis panatร .

Ang Tulรข Tรกyo ay isang onlayn na timpalak sa pagsulat ng katutubong tulรข. Pangunahing layunin nito na palaganapin ang talino sa pamamagitan ng paglikha ng tulรข na nakasulat sa wikang Filipino na nagpapamalas ng maiglang partisipasyon ng makakata sa ibang rehiyon ng bansa. Bukรกs ang timpalak sa mga dalรญt, diyรณna, at tanagร  na nakasulat sa wikang Filipino na pumapaksa tungkol sa tema ng Buwan ng Panitikan 2026 na Bekรซt (Bigkis) Panitikan sa Katwiran at Kalikasan.

Sa unang araw ng Org Fair ng Studentsโ€™ Week 2026, tunay na sumibol ang saya sa booth ng Samahang Filipino! Sa temang Flo...
22/04/2026

Sa unang araw ng Org Fair ng Studentsโ€™ Week 2026, tunay na sumibol ang saya sa booth ng Samahang Filipino! Sa temang Flores de Mayo, itinampok ang kulturang Pinoy sa pamamagitan ng โ€œParadang Panlasaโ€โ€”mga pagkaing hindi lang masarap, kundi hitik sa kwento at tradisyon. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Naging makulay ang bawat sandali sa tawanan, kwentuhan, at sama-samang pagdiriwang ng bawat Kabanwa. ๐Ÿ’›

Tunay ngang sa SamFil, hindi lang samahan ang nabubuo, kundi alaala at pagkakaisa!

๐“•๐“ต๐“ธ๐“ป๐“ฎ๐“ผ ๐“ญ๐“ฎ ๐“œ๐“ช๐”‚๐“ธ ๐“ผ๐“ช ๐“‘๐“ช๐“ต๐“ช๐”‚!๐ŸŒธBulaklak ay mamumukadkad, tradisyon ay mabubuhay! Makisalo sa Floresan sa Balay at sama-samang ...
21/04/2026

๐“•๐“ต๐“ธ๐“ป๐“ฎ๐“ผ ๐“ญ๐“ฎ ๐“œ๐“ช๐”‚๐“ธ ๐“ผ๐“ช ๐“‘๐“ช๐“ต๐“ช๐”‚!๐ŸŒธ

Bulaklak ay mamumukadkad, tradisyon ay mabubuhay! Makisalo sa Floresan sa Balay at sama-samang ipagdiwang ang ganda ng kulturang Pilipino kasama ang Samahang Filipino!

Bumisita sa aming booth, damhin ang saya ng Flores de Mayo, at huwag palampasin ang pagkakataong magpa-member upang maging isang certified Kabanwa! Kita-kits sa pinakamasayang pamumukadkad ng taon!



๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐Œ๐šโ€™๐š๐ฆ ๐’๐ฎ๐ข๐ณ๐จ!๐ŸฅณTaos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na dedikasyon, paggabay, at hindi...
14/02/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐Œ๐šโ€™๐š๐ฆ ๐’๐ฎ๐ข๐ณ๐จ!๐Ÿฅณ

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na dedikasyon, paggabay, at hindi matatawarang malasakit sa pagsusulong ng mga layunin ng ating samahan.

Ang inyong pamumuno ay nagsisilbing huwaran na nagbibigay sa amin ng direksiyon, inspirasyon, at disiplina sa bawat gawain. Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng maayos na kalusugan, karunungan, at lakas upang maipagpatuloy ang inyong mga adhikain. Maligayang kaarawan po!


๐๐ž๐ซ๐ญ๐๐ž๐ฒ ๐ง๐ข ๐Œ๐š๐ฆ ๐˜๐ž๐ฌ๐ก๐ข๐š!๐ŸฅณHindi ka lang maganda, isa ka ring mahusay at dedikadong lider ng Samahang Filipino. Ang iyong bu...
02/02/2026

๐๐ž๐ซ๐ญ๐๐ž๐ฒ ๐ง๐ข ๐Œ๐š๐ฆ ๐˜๐ž๐ฌ๐ก๐ข๐š!๐Ÿฅณ

Hindi ka lang maganda, isa ka ring mahusay at dedikadong lider ng Samahang Filipino. Ang iyong busilak na puso ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon at lakas sa bawat kasapi ng samahan.

Hangad namin ang kalakasan ng katawan at kasiyahan ng iyong puso sa espesyal na araw na ito. ๐Ÿฅฐ


Isang bagong simula ang hatid ng bagong taon. Taglay ang tapang at determinasyon, sama-sama nating salubungin ang 2026 n...
31/12/2025

Isang bagong simula ang hatid ng bagong taon. Taglay ang tapang at determinasyon, sama-sama nating salubungin ang 2026 nang may saya, pagkakaisa, at positibong pananaw.

Manigong Bagong Taon Kabanwa!



24/12/2025

Higit pa sa materyal na bagay ang biyaya ng buhay; ang makasama kayoโ€™y sapat nang regalo ngayong Pasko.

Nawaโ€™y mamuhay sa bawat isa ang diwa ng pagpapatawad at pagpapasalamat. Maghatid nawa ang Kapaskuhan ng saya, pag-asa, at pagpapala sa inyong mga puso at pamilya. Muli, maligayang Pasko sa inyong lahat!


Address

Masipit, Calapan City
Oriental Mindoro
5200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahang Filipino - Kampus sa Calapan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category