17/04/2026
โผ๏ธNais lamang pong magbigay-linaw tungkol sa ilang usapin na may kinalaman sa programang Midwifery ng Mina De Oro Institute of Science and Technology.
Sa simula pa lamang ng pasukan, may mga pagkakataon pong pinayagan ang ilang estudyante na makapag-enroll kahit hindi pa nakakabayad. Gayundin, bilang konsiderasyon, pinayagan din sila na makapag-exam kahit wala pang examination permit upang hindi sila mapag-iwanan sa kanilang pag-aaral.
May mga pagkakataon din po na ang pasahod sa ilang g**o ay nagmumula muna sa personal na pondo ng mga doktor, upang matiyak na tuloy-tuloy ang operasyon ng programa.
Paulit-ulit ding ipinaaalala ang kahalagahan ng unti-unting pagbabayad ng matrikula na umaabot sa 15,000 kada semestre, ngunit may ilan pa ring hindi nakakasunod dito.
Sa kasalukuyan, may mga hinaing na nais makapagtapos kahit hindi pa ganap na natutugunan ang mga pinansyal na obligasyon. Nauunawaan po ang bawat panig, ngunit mahalaga ring mapanatili ang kaayusan at patas na sistema para sa lahat.
Nakakalungkot isipin na may ilang estudyante na tila nakakalimot sa mga tulong na naibigay sa kanila. May mga pinatira namin nang libre sa aming bahay at boarding house, at ang iba naman ay tinulungan naming makahanap ng matitirhan sa halagang โฑ2,000 kada buwan upang makapagpatuloy sila sa pag-aaral at maabot ang kanilang pangarap na maging propesyonal. May ilan din na binigyan namin ng sideline sa ospital upang magkaroon sila ng sariling kita.
Ngayon na sila ay magtatapos na, inaasahan sana na matutupad nila ang kanilang obligasyon na bayaran ang kanilang mga back accounts. Mahalaga ito hindi lamang para sa paaralan, kundi upang maipagpatuloy ang operasyon at maayos na makapagbigay ng serbisyo ang MIST sa ating mga kababayan.
Sa kabila ng mga puna at paninira na aming naririnig, patuloy pa rin kaming gumagawa ng mabuti kahit hindi ito napapansin o naibabalita. Ipinauubaya na lamang namin ang lahat sa Panginoon.
Hinihikayat din ang lahat na kung may concerns o reklamo, mas mainam na idaan ito sa tamang proseso at direktang pakikipag-ugnayan, sa halip na sa social media at gamit ang hindi tunay na pagkakakilanlan, upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at mapangalagaan ang reputasyon ng paaralan.
Maraming salamat po sa pag-unawa.