Zhejohn Elementary School

Zhejohn Elementary School Zhejohn Elementary School aims high for the coming years. It is located in the mountainous area but

Ang aming puso po ay nag-uumapaw ang kaligayahan at lubos na nagpapasalamat sa ating komunidad--magulang, g**o, mga kaba...
14/06/2023

Ang aming puso po ay nag-uumapaw ang kaligayahan at lubos na nagpapasalamat sa ating komunidad--magulang, g**o, mga kabarangay at mga stakeholders na patuloy na tumutulong upang mapalago at magpatuloy ang pag-aaral ng mga bata.

Sa pagkakataong ito, nais namin ipabatid na nasimulan nang maitayo ang isang dagdag na silid-aralan para sa ating munting mag-aaral ng kindergarten, at iyon po ay dahil sa mga maagang tumugon at nagpaabot ng tulong pinansyal, materyal at maging boluntaryong paggawa upang masimulan ang proyektong ito.

Bagaman ito ay nagsisimula pa lamang at isinasakatuparang matapos, ang atin pong paaralan ng Zhejohn ay patuloy na kumakatok sa inyong mabuting puso upang suportahan ang aming magandang adhikain. Ang halaga o materyal man na inyong mababahagi ay magsisilbing mapagpalang handog ninyo sa ating mag-aaral. Ito rin po ay magsisilbing biyaya sa patuloy na paglinang at kaunlaran ng mga mag-aaral, maging ng ating mahal na paaralan.

Lubos po kaming nagpapasalamat at dalangin po namin ang inyong pagsuporta sa isang magandang adhikain na ito.

Pagpalain po tayo ng Poong Maykapal! Maraming Salamat po!...

๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™
25/09/2022

๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

Let us all pray for each other's safety and protection in the midst of Typhoon Karding. For by His grace, we are always safe. Have a blessed week, Ka-DepEd! ๐Ÿ™

25/09/2022
13/07/2022

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ, ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ฟ๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฎ-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ

Hulyo 12, 2022 โ€” Inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang mga gabay sa School Calendar and Activities para sa Taong Panuruan 2022-2023 alinsunod sa commitment nito sa pagpapatuloy ng 5 araw ng in-person classes.

Nilagdaan ni Bise Presidente at Kalihim Sara Z. Duterte nitong Lunes, itinatakda ng DepEd Order No. 034, series of 2022 ang pagsisimula ng klase sa Agosto 22 at magtatapos sa Hulyo 7, 2023. Magkakaroon ng 203 araw ng pasukan o maaaring matukoy ng karagdagang issuances kung sakaling may mga pagbabago sa kalendaryo ng paaralan dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Sa issuance, ibinibigay rin ng DepEd ang direksyon at gabay sa muling pagbubukas ng klase at ang unti-unting pagpapakilala ng 5 araw ng in-person learning modality classes.

Ayon sa DO 034, s. 2022, hindi kakailanganin ang mga inspeksyon, kasangkapan, o anumang karagdagang requirement upang muling buksan ang mga paaralan at sa pagpapatupad ng kinakailangan na limang (5) araw na in-person classes, maliban sa pagsunod sa mga karaniwang pre-pandemic regulatory permit at lisensya na kinakailangan sa pamamagitan ng batas o ordinansa.

Itinakda ng DepEd ang mga pagpipilian lamang na 5 na araw na person in-person classes, blended learning modality, at full distance learning hanggang Oktubre 31, 2022.

Simula Nobyembre 2, 2022, lahat ng pampubliko at pribadong eskuwelahan ay dapat sumusunod na sa 5 araw na in-person classes. Walang paaralan ang papayagang magpatupad ng purong distance learning o blended learning maliban sa mga nagpapatupad ng Alternative Delivery Modes na nakatakda sa DO 21, s. 2019 (Policy Guidelines on the K to 12 Basic Education Program) at DO 01, s. 2022 (Revised Policy Guidelines on Homeschooling Program).

Samantala, ang learning intervention para sa Alternative Learning System (ALS) ay opisyal na magsisimula sa nasabing petsa ng pagbubukas, habang ang itatagal ng programa ay nakadepende sa educational background ng estudyante o sa umiiral na antas ng kaalaman bago mag-enroll sa ALS program.

Kaugnay ng pagbubukas ng paaralan, iaaplay ang mga implementing guidelines sa School Calendar and Activities para sa SY 2022-2023 sa mga pampubliko at pribadong paaralang elementarya at sekondarya, kabilang ang Community Learning Centers (CLCs) sa buong bansa. Maaaring ipatupad ng mga pribadong paaralan, state/local na unibersidad, at kolehiyo ang kalendaryo. Maaari rin silang magsimula ng mga klase nang hindi mas maaga kaysa sa unang Lunes ng Hunyo at hindi lalampas sa huling araw ng Agosto.

Ang enrollment ay gaganapin mula Hulyo 25 hanggang Agosto 22, at ang Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela ay isasagawa mula Agosto 1 hanggang 26 at sa Agosto 15, ayon sa pagkakabanggit.

Bukod pa rito, ang Basic Education Development Plan (BEDP) 2030, Learning Recovery and Continuity Plan (LRCP), at Classroom-based and System Assessments ay gagabay sa mga paaralan sa epektibong paghahatid ng K to 12 Basic Education Program sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

Para sa karagdagang detalye sa mga gabay ng DO 34, s. 2022, mangyaring bisitahin ang . https://bit.ly/DO34S2022.

13/07/2022

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ, ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ธ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ฟ ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ๐—ฉ๐—ผ๐˜‚๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐—”๐—ฝ๐—ฝ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฌ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฎ-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ

Binuksan na ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang online application para sa Senior High School Voucher Program (SHS VP).

Kinakailangang gumawa ang voucher applicants ng account sa OVAP sa o bago mag-July 22, 2022. Samantala, ang deadline para sa pagsusumite ay sa July 29, 2022.

Ilalabas ang mga resulta sa August 22, 2022, at ang mga kwalipikadong voucher applicants ay maaari nang magsimula ng voucher redemption sa mismong araw na iyon.

Ang mga eligble sa nasabing programa ay ang mga sumusunod:

1. Automatically Qualified na mag-aaral na hindi kailangang mag-apply:
โ€ข Category A: Mga mag-aaral na nakumpleto ang Grade 10 sa SY 2021-2022 sa mga public schools
โ€ข Category B: Mga mag-aaral na nakumpleto ang Grade 10 sa SY 2021-2022 sa mga private schools na mga ESC grantees

2. Voucher Applicants na kailangang mag-apply:
โ€ข Category C: Grade 10 completers sa mga pribadong paaralan sa SY 2021-2022 na hindi mga ESC grantees
โ€ข Category D: Grade 10 completers na nakakumpleto ng Grade 10 bago ang SY 2021-2022 ngunit hindi mas maaga sa 2016 at hindi pa nakapag-enroll para sa Grade 11
โ€ข Category E: Mga ALS completer na pasado sa A&E Test para sa Junior High School level nang hindi mas maaga sa 2016 at hindi pa naka-enroll sa Grade 11, o mga ALS completer na pasado sa Presentation Portfolio Assessment ng SY 2021-2022.
โ€ข Category F: Mga mag-aaral na nakapasa ng PEPT para sa Grade 10 na hindi mas maaga sa 2016 at hindi pa nakapag-enroll para sa Grade 11 o kukuha ng PEPT sa SY 2022-2023.

Para sa iba pang mga detalye at mahahalagang anunsyo tungkol sa SHS VP Application, ang mga aplikante ay maaaring bumisita sa https://ovap.peac.org.ph a at iba pang official platforms ng DepEd at PEAC.

Different Shades of Purple....
29/03/2022

Different Shades of Purple....

Address

Sinampad, B. Del Mundo, Mansalay
Oriental Mindoro
5213

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Zhejohn Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category