Artikulo Tres

Artikulo Tres This is the Official page of the Mabayuan Senior High School HUMSS Club.

‎Pagpapahalaga sa Buwan ng Katapangan‎‎"Courage" o Lakas ng loob upang harapin ang panganib, takot, o kahirapan. Hindi i...
20/08/2026

‎Pagpapahalaga sa Buwan ng Katapangan

‎"Courage" o Lakas ng loob upang harapin ang panganib, takot, o kahirapan. Hindi ito nangangahulugan na hindi nakararamdam ng takot ang isang tao. Sa halip, nangangahulugan ito ng paggawa ng tama kahit na natatakot ka.

Sabi nga sa Joshua 1:9

‎"Magpakatibay ka at magpakatapang. Huwag kang matakot at huwag kang mapanghinaan ng loob, sapagkat ang Panginoon mong Diyos ay kasama mo saan ka man magpunta."

‎Kaya sa oras na ito, wag sana tayong pangunahan ng takot at duda sa ating sarili, ngunit magkaroon ng tapang at lakas ng loob upang ating matupad ang ating mga pangarap.





Ngayong Agosto ay ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Kasaysayan. Kasaysayang hindi kailanman tinalikuran ng mga Pilipinon...
03/08/2026

Ngayong Agosto ay ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Kasaysayan. Kasaysayang hindi kailanman tinalikuran ng mga Pilipinong mamamayan.

Nawa'y patuloy nating balikan at tignan ang nakaraang bumuo sa atin, nakaraan na kung saan ay patuloy na hinuhubog ang mga tradisyon, kultura at pagmamay-ari ng mga Pilipino. Nawa ito'y magsilbing inspirasyon sa ating lahat upang mag balik tanaw at pahalagahan ng lubos ang sariling atin.

Maligayang Buwan ng Kasaysayan, Pilipinas !!


NGAYONG AGOSTO!!!
23/07/2026

NGAYONG AGOSTO!!!

🌊 𝑩𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒂𝒍𝒐𝒏, 𝒎𝒂𝒚 𝒌𝒖𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐. 𝑩𝒂𝒘𝒂𝒕 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐, 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒉𝒂𝒈𝒊.

Mula sa ating mga baybayin hanggang sa iba’t ibang panig ng mundo, ang kasaysayan ng Pilipinas ay kuwento ng mga taong naglakbay, nakipag-ugnayan, at nagdala ng diwang Pilipino saan man sila makarating. Ang dagat ang naging tulay ng ating kalakalan, diplomasya, at ng milyun-milyong Pilipinong bumuo ng mga komunidad sa ibayong-dagat.

⚓ Ngayong Buwan ng Kasaysayan 2026, samahan ang NHCP sa paglalayag sa temang "𝗛𝗶𝗻𝘂𝗯𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗗𝗶𝗻𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗼𝗻." Sama-sama nating tuklasin ang mga kuwentong nagbuklod sa ating kapuluan at nag-ugnay sa Pilipinas sa daigdig. 𝑇𝑎𝑟𝑎, 𝑎𝑙𝑎𝑚𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑦𝑠𝑎𝑦𝑎𝑛—𝑎𝑡 𝑡𝑢𝑘𝑙𝑎𝑠𝑖𝑛 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑑𝑎𝑑𝑎𝑙ℎ𝑖𝑛 𝑛𝑔 𝑠𝑢𝑠𝑢𝑛𝑜𝑑 𝑛𝑎 𝑎𝑙𝑜𝑛! 🇵🇭🌊

Antabayanan ang opisyal na kalendaryo ng History Month 2026 sa mga susunod na araw!




Hunyo 30, 2026 ating ipinagdiriwang ang araw ng pagkakaibigan ng dalawang bansa. Espanya at Pilipinas. Nawa'y atin itong...
30/06/2026

Hunyo 30, 2026 ating ipinagdiriwang ang araw ng pagkakaibigan ng dalawang bansa. Espanya at Pilipinas.

Nawa'y atin itong tignan bilang pagtuloy sa pagpapatibay ng pagkakaisa, pagkakaunawaan, at pagpapahalaga sa mayamang pamanang nag-uugnay sa mga Pilipino at mga Espanyol.

Maligayang ika-24 ng anibersaryo ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Espanya ! 🇪🇸🇵🇭


𝗠𝗔𝗚𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 !! 🍞meet the newly elected officers of 𝐀𝐑𝐓𝐈𝐊𝐔𝐋𝐎 𝐓𝐑𝐄𝐒 𝗦.𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟲-𝟮𝟬𝟮𝟳. ✨🍞
20/06/2026

𝗠𝗔𝗚𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 !! 🍞

meet the newly elected officers of 𝐀𝐑𝐓𝐈𝐊𝐔𝐋𝐎 𝐓𝐑𝐄𝐒 𝗦.𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟲-𝟮𝟬𝟮𝟳. ✨🍞



𝗛𝗨𝗡𝗬𝗢 𝟭𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲 ay ating ipinagdiriwang ang anibersaryo ng kapanganakan ng ating bayani na naging ilaw ng pag-asa at nagi...
19/06/2026

𝗛𝗨𝗡𝗬𝗢 𝟭𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲 ay ating ipinagdiriwang ang anibersaryo ng kapanganakan ng ating bayani na naging ilaw ng pag-asa at naging inspirasyon ng samabayanang Pilipino.

Laging tandaan, 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 ✨. Maligayang Ika-165 Anibersaryo ng iyong Kapanganakan 𝗗𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲́ 𝗣. 𝗥𝗶𝘇𝗮𝗹. Ikaw ay mananatili sa aming puso't isipan at mananatiling inspirasyon ng bawat henerasyon ng mamamayang Pilipino. 🇵🇭

Ngayong 𝐇𝐔𝐍𝐘𝐎 𝐢𝐤𝐚 𝟏𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 ay ating ipinag diriwang ang 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐘𝐀𝐀𝐍. Nawa'y ang araw na ito ay hindi lamang pag-ala...
12/06/2026

Ngayong 𝐇𝐔𝐍𝐘𝐎 𝐢𝐤𝐚 𝟏𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 ay ating ipinag diriwang ang 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐘𝐀𝐀𝐍.

Nawa'y ang araw na ito ay hindi lamang pag-alala sa ating nakaraan, ngunit pag-alala rin na patuloy nating ilaban ang ating bansa at patuloy na mahalin ang bawat-isa at magkaisa.

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐊𝐀 𝟏𝟐𝟖 𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐘𝐀𝐀𝐍 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒 !! 🇵🇭


NATIONAL FLAG DAYS 2026 🇵🇭May 28, 2026 – June 12, 2026Ipinagdiriwang ng Mabayuan Senior High School ang National Flag Da...
28/05/2026

NATIONAL FLAG DAYS 2026 🇵🇭
May 28, 2026 – June 12, 2026

Ipinagdiriwang ng Mabayuan Senior High School ang National Flag Days alinsunod sa Republic Act No. 8491 bilang pagpapakita ng pagmamahal, pagkakaisa, at paggalang sa ating watawat.

Ang bawat watawat na ating itinataas ay sumisimbolo sa tapang, kalayaan, at pagkakakilanlan ng sambayanang Pilipino.

Makiisa sa pagpapakita ng pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng wastong paglalagay at paggalang sa ating pambansang watawat.

Happy 18th Birthday, Raylyn Jane Buenaflor  and Buenaflor Raymond Earnz  Cheers to this amazing day as you step into adu...
03/03/2026

Happy 18th Birthday, Raylyn Jane Buenaflor and Buenaflor Raymond Earnz

Cheers to this amazing day as you step into adulthood – a journey that’s sure to be as bright and impactful as the work you’ve done for Artikulo Tres!

To our incredible President and Business Manager – words can’t fully capture how grateful we are for everything you’ve poured into our club. From organizing engaging events that brought us all closer, to managing our initiatives with sharp vision and careful planning, you’ve turned challenges into opportunities and made Artikulo Tres a space where every member feels valued and inspired. Your leadership has pushed us to grow not just as a team, but as individuals, and your commitment to excellence sets a standard we all strive to follow.

May this new chapter bring you boundless success, incredible adventures, and all the happiness your hearts could wish for. May you continue to chase your dreams with the same fire and heart you’ve shown us, and know that you’ll always have the full support of your Artikulo Tres family as you take on the world! Here’s to celebrating you today and to all the amazing things you’ll achieve in the years to come! 🥳🎂✨

EDSA People Power Revolution buksan naten ang pahina ng ating kasaysayan at alalahanin ang hindi malilimutang yugto ng E...
25/02/2026

EDSA People Power Revolution

buksan naten ang pahina ng ating kasaysayan at alalahanin ang hindi malilimutang yugto ng EDSA People Power Revolution noong 1986.

Sa mga lansangan ng EDSA, nagtipon-tipon ang milyun-milyong Pilipino mayaman man o mahirap, bata man o matanda, mula sa iba't ibang sulok ng bansa nagkakaisa para isigaw ang kanilang hangarin para sa katarungan, kalayaan, at mas mabuting kinabukasan. Ipinakita nila na hindi kailangan ng dahas para makamit ang pagbabago; sapat na ang tapang ng loob, pagtitiwala sa isa't isa, at paniniwala sa kapangyarihan ng tinig ng bayan. Isang mahalagang bahagi ito ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. isang patunay na kapag sama-sama tayong nagkakaisa, kayang nating hubugin ang takbo ng ating bansa.

ang kalayaan at demokrasya ay hindi basta-basta ibinibigay, kundi pinaghihirapan, pinapahalagahan, at pinoprotektahan ng bawat isa sa atin at bawat henerasyon 🇵🇭

Address

Otero Avenue, Mabayuan
Olongapo
2200

Telephone

+63472238509

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Artikulo Tres posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share