12/11/2021
ALAM MO BA? PWEDE pa rin mag-enroll ang out-of-school youth and adults sa ALS kahit nagsimula na ang klase! Magtanong na sa inyong barangay, community learning center (CLC), o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan para mag-enroll.
Ipasa ang mga sumusunod na requirement:
- Kopya ng iyong birth certificate (PSA o NSO)
- 2x2 ID picture (white background)
- Form 137 (para lang sa mga galing sa formal school)
Maaari rin makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) na pinakamalapit sa inyong lugar. Mahahanap niyo ang contact details ng mga SDO sa link na ito: https://www.deped.gov.ph/contact-us/regional-division-offices-directory/
12/10/2021
TANDAAN: LIBRE ang pag-aaral ng out-of-school youth and adults sa ALS na inihahatid ng DepEd. Ito ay alinsunod sa Republic Act No. 11510 o ALS Act.
Para sa out-of-school youth and adults na gusto magtapos ng elementary o high school, PWEDE pa rin mag-enroll sa ALS kahit nagsimula na ang klase!
Direkta nang makipag-ugnayan sa mga community learning center (CLC) sa inyong barangay o sa mga pampublikong paaralan na pinakamalapit sa inyong lugar. Gagamitin ang modified ALS Form 2, alinsunod sa DepEd Order No. 58, s. 2017. Maaaring i-download at i-print ang modified ALS Form 2 mula sa link na ito: bit.ly/ALSEnrollmentForm2021
10/10/2021
ALS final Assessment Bajac-Baja Barangay Hall !
Congratulations Passers 2020! 🎉☺️
30/09/2021
Ang temang “Bayanihan para sa Paaralan” ng Brigada Eskwela 2021 ay pwedeng-pwede rin sa mga ALS community learning center (CLC)!
Bukod sa pagsisigurado na malinis, maayos at ligtas ang mga ALS CLC sa darating na School Year 2021-2022, maaari rin magbigay ang mga stakeholder ng school kits para sa mga ALS learner at ALS teacher.
Inaanyayahan ng DepEd ang local government units (mula panlalawigan hanggang barangay), civil society organizations, volunteers, at mga pribadong institusyon o indibidwal na tumulong sa mga ALS CLC sa inyong lugar. Maaari kayo makipag-ugnayan nang direkta sa mga ALS CLC o sa DepEd Schools Division Office (SDO) na pinakamalapit sa inyo: https://www.deped.gov.ph/contact-us/regional-division-offices-directory/
Para sa suporta at mga gamit na maaaring ibigay sa mga ALS CLC, maaaring gawing batayab ang listahan sa DepEd Memo no. 48, series 2021:https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2021/08/DM_s2021_048.pdf
29/09/2021
TANDAAN: Sa ALS, every day is enrollment day! ARAW-ARAW tumatanggap ang ALS ng mga nag-eenroll – kahit nagsimula na ang klase.
Para sa out-of-school youth and adults (OSYA) na gusto magtapos ng elementary o high school, mag-enroll na sa mga community learning center (CLC) sa inyong barangay o sa mga pampublikong paaralan na pinakamalapit sa inyong lugar. Gamitin ang modified ALS Form 2, alinsunod sa DepEd Order No. 58, s. 2017. Maaaring i-download at i-print ang modified ALS Form 2 mula sa link na ito: bit.ly/ALSEnrollmentForm2021
27/09/2021
PAANO MAG-ENROLL SA ALS: Kung isa ka sa out-of-school youth and adults (OSYA) na nais mag-enroll sa ALS, direkta nang makipag-ugnayan sa community learning center (CLC) sa inyong barangay o sa mga pampublikong paaralan na pinakamalapit sa inyong lugar.
Gamitin ang modified ALS Form 2, alinsunod sa DepEd Order No. 58, s. 2017. Maaaring i-download at i-print ang modified ALS Form 2 mula sa link na ito: bit.ly/ALSEnrollmentForm2021
14/09/2021
Fluency Literacy Test
(September 14, 2021)
11/09/2021
PAANO MAG-ENROLL SA ALS: Para sa out-of-school youth and adults (OSYA) na nais magpatuloy ng elementary o high school sa ALS, direktang makipag-ugnayan sa mga community learning center (CLC) sa inyong barangay o sa mga pampublikong paaralan na pinakamalapit sa inyong lugar. Gamitin ang modified ALS Form 2, alinsunod sa DepEd Order No. 58, s. 2017. Maaaring i-download ang modified ALS Form 2 mula sa link na ito: bit.ly/ALSEnrollmentForm2021