21/01/2025
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang paggabay at suporta sa buong drum and lyre corps. Sir Rico Michael , sa inyong pamumuno at inspirasyon, marami kaming natutunan at naabot ang aming mga pangarap. Kayo ang aming haligi ng suporta at inspirasyon. Maraming salamat sa inyong malasakit at walang sawang pag-aalaga sa amin. Ang aming tagumpay ay tagumpay din ninyo.
Sa aming mga trainor na sina Sir Jhaspher Malupa , Sir Mark Joshua Baladad , at Sir Fermin Medina , maraming salamat po sa inyong tiyaga, dedikasyon, at mahusay na pagtuturo sa amin. Ang inyong mga gabay at aral ang nagbigay daan sa aming tagumpay. Kayo ang nagbibigay inspirasyon sa aming koponan upang maging mas mahusay at magtagumpay.
At sa aming minamahal na principal, Sir Roderick A. Tadeo Ph.D , maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pagbibigay ng pagkakataon sa amin upang maipakita ang aming kakayahan at talento. Ang inyong malasakit sa aming koponan ay mahalaga sa aming tagumpay at paglago.
Muli, maraming salamat po!!
Ipinagmamalaki namin kayo at ang ating tagumpay ay bunga ng ating pagtutulungan. πππ