SDO OC e-KOMIKS

SDO OC e-KOMIKS

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SDO OC e-KOMIKS, Education, Olongapo.

Photos from SDO OC e-KOMIKS's post 27/09/2023

This E-Comics emphasizes the importance of well-rounded learning. It encourages the readers to appreciate their strengths and interests while also recognizing the value of diverse learning experiences. Furthermore, it emphasizes the importance of self-awareness, self-discovery, and continuous learning.

Writer : Niña Marie M. Mesina
Illustrator : Rochelle D. Medina
(Former station when proposal was approved-KNHS-SHS) Current Station: OCNHS

Photos from SDO OC e-KOMIKS's post 02/05/2023

Halika! Samahan natin si Jay sa pagpasok sa paaralan. Kilalanin na rin natin ang ilan sa kaniyang mga matalik na kaibigan at kakilala. Tayo ay kanilang tuturuan ng ilan sa mga simpleng kaalaman hinggil sa pagiging isang aktibong mamamayan ng bansa. Kaya ano pang hinihintay mo? Magbasa na tayo.

Isinulat at Iginuhit ni :
Joey A. Judan
Baretto National HIgh School

Photos from SDO OC e-KOMIKS's post 28/02/2023

Ang makabagong teknolohiya ay naging patok sa edukasyon sa panahon ng pandemya. Isa ka rin ba sa nabiyayaang makagamit nito? Ngunit paano kung ang itinuturing na katuwang sa pag-aaral ay maging dahilan para masubok ang iyong katapatan, malalabanan mo ba ito? Tunghayan ang pakikipagsapalaran nina Una at Uno sa di-malilimutang pagkakaroon ng online classes at kung papaano nila napagtagumpayan ang hamon ng Distance Learning.

Photos from SDO OC e-KOMIKS's post 17/02/2023

Isa ka ba na kagaya ni Mikay na nahihirapan sa Matematika? Halina at basahin ang kuwento ni Mikay at ang kaniyang mga kaibigan. Paano siya natulungan ng mga kaibigan nito sa Matematika?At alamin natin ang resulta ng kaniyang pakikinig at pagsunod sa mga kaibigan niya. Handa na rin ba kayong magbasa?

Isinulat at Iginuhit Ni Jenelyn C. Melchor
Sergia Soriano Esteban Integrated School- SPED Center

Photos from SDO OC e-KOMIKS's post 17/02/2023

Mahilig ka rin bang magbasketball tulad ni Amboy. Magaling ka rin bang mag shoot at magdribol ng bola. Isa ka rin ba sa star player ng inyong paaralan. Pero teka muna baka naman sa sobrang galing mo ay hindi mo na alam ang pakikipagkapuwa- tao sa iba. Halinat tuklasin natin kung paano naunawaan ni Amboy ang tunay na kahulugan ng pakikipagkapuwa-tao? Ating tuklasin kung anong hiwaga mayroon ang bola ni Amboy?

Isinulat Ni G. MARCIANO P. MELCHOR, JR
Iginuhit Ni G. JOEY A. JUDAN

Photos from SDO OC e-KOMIKS's post 30/01/2023

O, mga bata lubos ba kayong nagalak!? Nakita ninyo ang kahalagahan ng mga bagay na nagkaroon ng malaking kapakinabangan, patunay lamang na ang mga tao ay patuloy na pinaghuhusay ang kaalamanan at kakayahan. Hanggang sa muling paglalakbay at pagtuklas. Tayo pa rin ang magkakasama!

Akda ni:
Merlyn M. Seridon
Guhit ni:
Jamie Ramela B. Arena
Kalalake National High School

Photos from SDO OC e-KOMIKS's post 30/01/2023

Sabik na ba kayong malaman ang kinalabasan ng paglalakbay ng magkaibigang Popol at Puma? Halina’t sabayan natin ang kapana-panabik na kabanata na patuloy sa paghahanap ng mga bagay na lilinang sa pag-unlad ng kanilang kakayahan at buhay. Handa na ba kayo… Tara na samahan muli natin sila!
Akda ni:
Merlyn M. Seridon
Guhit ni:
Jamie Ramela B. Arena
Kalalake National High School

Photos from SDO OC e-KOMIKS's post 25/01/2023

"Ang kuwentong “Paglalakbay ni Popol at Puma” ay kinapapalooban ng pagtuklas ng bagay na maaaring maging kapakinabangan ng kanilang pamayanan na higit na makatutulong sa kanilang pamumuhay na umaayon sa kanilang kapaligiran. Tunay na kapupulutan ng aral na magiging batayan at gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Halina’t sabayan natin sina Popol at Puma upang tuklasin ang kamangha-manghang bagay na maaaring magkaroon ng panibagong anyo! Sabik na ba kayong malaman? Ano pa ang hinihintay ninyo! Isa, dalawa, tatlo… Maglalakbay na tayo!
"
Akda ni:
Merlyn M. Seridon
Guhit ni:
Jamie Ramela B. Arena
Kalalake National High School

Photos from SDO OC e-KOMIKS's post 25/01/2023

Naging suki si Zero ng araw-araw na pambu-bully ng ibang mga numero, ngunit nagbago ang lahat nang dumating ni Seshat, ang Diwata ng mga Numero. Samahan si Zero sa pagtuklas ng kaniyang halaga!
Kuwento at Ilustrasyon ni:
Marites S. Teruel
Bangal Elementary School

Photos from SDO OC e-KOMIKS's post 12/12/2022

Samahan natin si Jay at ang kaniyang ama na si Mang Gardo. Sila ay nagkukumpuni ng kanilang sirang bubong ng bahay. Tayo ay tuturuan ng mag-ama ng ilang mahahalagang kaalaman sa buhay, pamilya, at Ekonomiks. Kaya, halina at ating basahin, "Ang Matalinong Desisyon ni Jay".

Isinulat at Iginuhit ni:
G. Joey A. Judan
Baretto National High School

Photos from SDO OC e-KOMIKS's post 15/11/2022

Ang kuwentong "Hindi Nalito si Lito" ay patungkol sa mga dapat gawin sa oras ng sunog. Ito ay pinapakita ng pangunahing tauhan sa kuwento na si Lito. Ang sakuna na tulad ng sunog ay isang pangyayari na hindi natin alam kung kailan mangyayari kaya't marapat lamang na alamin ang dapat gawin upang maging ligtas sa sakunang ito. Ang e-komiks na ito ay makatutulong lalo na sa mga mag- aaral upang maging handa sa oras ng sunog.

Isinulat ni Jordan C. Dela Cruz
Iginuhit ni Mary Joy S. Dela Cruz
Boton Elementary School

Photos from SDO OC e-KOMIKS's post 15/11/2022

Ang kuwentong Si Anghel-ang Lapis at ang Pambura ay tungkol sa isang bata na magaling, aktibo sa klase, ngunit hindi niya alam na nakakasakit na siya ng damdamin ng kaniyang kamag-aral sa kanyang mga pananalita. Kaya ipina mulat sa kanya na ang kanyang mga sinasambit sa ibang tao ay hindi na kailan man mabubura sa puso at isipan ng mga nakakarinig.

Isinulat ni G. Angel Dick R. Pangan
Iginuhit ni G. Joey A. Judan
Sergia Soriano Esteban Integrated School-SPED Center

Want your school to be the top-listed School/college in Olongapo?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Olongapo
2200