24/04/2026
📢 DEPED CITIZEN’S CHARTER 2026 | BAGONG SIKAT ELEMENTARY SCHOOL
Alinsunod sa adhikain ng Department of Education na itaguyod ang transparency, kahusayan, at dekalidad na serbisyo publiko, buong pagmamalaking ipinapakilala ng Bagong Sikat Elementary School ang DepED Citizen’s Charter 2026.
Bilang paghahanda sa darating na School Year 2026–2027, ang charter na ito ay magsisilbing gabay para sa ating mga magulang, mag-aaral, at katuwang sa komunidad hinggil sa mga serbisyong handog ng paaralan, mga proseso, itinakdang oras ng pagproseso, at mga taong responsable sa bawat serbisyo.
Layunin ng inisyatibong ito na:
✔ Matiyak ang serbisyong bukás, maaasahan, at nakatuon sa mamamayan
✔ Maisulong ang pananagutan at agarang pagtugon
✔ Mapalakas ang tiwala at ugnayan ng paaralan at komunidad
Inaanyayahan ang lahat na maging kaagapay sa pagpapaunlad ng isang epektibo at makataong paaralan.
📍 Makipag-ugnayan sa aming tanggapan o sa opisyal na komunikasyon ng paaralan upang malaman ang iba pang detalye.
Maaari pong bisitahin ang link na ito para sa karagdagang impormasyon : https://www.deped.gov.ph/about-deped/citizenscharter/
Bagong Sikat Elementary School — naglilingkod nang may integridad, kahusayan, at malasakit.