10/09/2026
๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก | ๐๐ช๐จ๐ช๐ต ๐ฑ๐ข ๐ด๐ข ๐๐ฐ๐ญ๐ข: ๐๐ฃ๐ข'๐ต ๐ช๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ฌ๐ฉ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐จ๐ถ๐ฎ๐ฑ๐ข๐บ
Sa malalakas na hiyawan, bawat tunog ng pito, at bawat paglipad ng bola, naroon siyaโsi Daniel Daved Mamugay.
Siyam na taong gulang pa lamang si Daniel nang magkaroon ng interes sa basketball. Dahil sa inggit sa mga batang naglalaro sa kanilang barangay, naisipan niyang sumubok. Hindi niya inakalang ang simpleng pagsubok na iyon ay magiging isang malaking bahagi ng kanyang buhay.
Hindi naging madali ang kanyang paglalakbay. Sa kabila ng pagod, pagkakatumba, at pressure sa bawat training, patuloy pa rin siyang bumabalik sa court. Bagama't aminado siyang minsan na ring naisipang tumigil, pinili niyang magpatuloy dahil sa kanyang pangarap at sa matibay na suporta ng kanyang mga magulang.
Bukod sa pagiging atleta, multi-faceted din si Daniel.
Isa siyang aspiring honor student, SSLG officer, at Presidente ng Sports Club sa Our Lady of Fatima School of Villaverde (OLFSV). Aktibo rin siyang miyembro ng iba't ibang organisasyon sa paaralan.
Hindi rin patuhog ang kanyang talento dahil isa siyang journalist na sumabak sa Division Schools Press Conference (DSPC) sa Aritao noong ikatlo ng Setyembre bilang Sports Caster ng Radio Broadcasting team ng Trailblazer, ang opisyal na pahayagan ng OLFSV.
Makalipas lamang ang isang araw matapos ang DSPC, agad siyang sumabak sa District Meet ng Villaverde kung saan isa siya sa mga bumuo ng basketball team ng Fatima Paragons.
Dahil sa dami ng pinagsasabay-sabay na tungkulin, hindi maiiwasan ang pagod at puyat. Subalit natutuhan niyang gamitin ang tamang time management upang mabalanse ang lahat.
Para kay Daniel, higit pa sa isang palakasan ang basketball.
โNaging bahagi na ito ng pagkatao ko dahil naging coping mechanism ko na rin ito. Tuwing naglalaro ako ng basketball, mas nakakapag-isip ako at nagiging panatag ang isip ko,โ aniya.
Sa paglipas ng panahon, mas naging responsable siya sa pagbalanse ng oras nang hindi pinababayaan ang pag-aaral.
Nitong naganap ngang Fatima Paragons (Intramurals) 2026 kung saan lumaban siya sa larong basketball at volleyball ay matagumpay na naiuwi ng kanilang koponan (Polaris) ang kampeonato.
Hindi lamang panalo ang kanyang maipagmamalaki dahil nakatanggap din siya ng mga parangal kagaya ng Best Receiver at isa sa mga Mythical Six sa Volleyball, at Best Point Guard, isa sa mga Mythical Five, at Tournament MVP sa Basketball.
Nag-iwan din siya ng marka sa court sa pamamagitan ng kanyang husay at mga krusyal na three-point shots sa mainit nilang laban kontra Solstice.
Para sa mga kabataang kagaya ng siyam na taong gulang na Daniel noong nagsisimula pa lamang, simple ngunit makabuluhan ang kanyang payo:
"Ituloy nโyo lang ang inyong pinapangarap at huwag kalimutan ang pag-aaral. Dapat balanse pa rin, mag-ensayo, makinig sa magulang, at huwag pabayaan ang pag-aaral."
Sa bawat laro, hindi lamang puntos ang hinahabol ni Daniel.
Kasama rito ang pangarap, dedikasyon, at patuloy na pagsusumikapโdahil para sa kanya, ang tunay na laban ay hindi natatapos sa huling pito ng laro.
Isinulat ni Rocelyn Dullao