Mabuga Elementary School- Gapan City

  • Home
  • Mabuga Elementary School- Gapan City

Mabuga Elementary School- Gapan City Batang Mabuga, Produkto'y Mabunga

21/07/2025

Ang Mabuga Elementary School ay kaisa ng buong bansa sa paggunita ng National Disaster Resilience Month 2025 na may temang: “KUMIKILOS para sa Kahandaan, Kaligtasan, at Katatagan!”

Itaguyod natin ang kulturang handa, alerto, at matatag na individual.




08/06/2025

Mapagpalang araw po sa ating lahat!

Inaanyayahan po namin kayo na makiisa at makibahagi sa Brigada Eskwela 2025 ng Mabuga Elementary School na gaganapin mula Hunyo 9 hanggang Hunyo 13, 2025, bilang paghahanda sa opisyal na pagbubukas ng taong panuruan 2025–2026.

Magsisimula po tayo sa isang masayang caravan sa unang araw, Hunyo 9, ganap na alas-7 ng umaga. Inaanyayahan ang lahat mga magulang, g**o, mag-aaral, alumni, at katuwang sa komunidad na makiisa sa makabuluhang gawaing ito ng bayanihan para sa ating paaralan.

Bayanihan para sa Matatag na Paaralan!
Sama-sama nating ihanda ang ligtas, maayos, at masayang balik-eskwela para sa ating mga kabataan.

📅 Hunyo 9–13, 2025
📍 Mabuga Elementary School
🕖 Caravan: Hunyo 9, 7:00 AM



06/06/2025
PABATID!!Cut-off Age para sa Kindergarten ayon sa DepEd Order No. 015, s. 2025*** Panimula: Ano ang DepEd Order No. 015,...
06/06/2025

PABATID!!
Cut-off Age para sa Kindergarten ayon sa DepEd Order No. 015, s. 2025

*** Panimula: Ano ang DepEd Order No. 015, s. 2025?

Bilang tugon sa mga magulang, g**o, at punong g**o na may mga tanong ukol sa tamang edad ng mga papasok sa Kindergarten, inilabas ng Department of Education ang bagong patakaran na nagbibigay linaw at tuntunin sa dalawang provision upang mas mapadali ang pagpasok ng mga bata sa paaralan na may birthday mula Nobyembre 1 hanggang Disyembre 31.

✅ 1. Ano ang bagong cut-off age para sa Kindergarten?

Ang bata ay dapat limang (5) taong gulang sa o bago ang Oktubre 31 ng school year upang matanggap sa Kindergarten.

🗓️ 2. Paano kung ang birthday ng bata ay mula Nobyembre 1 hanggang Disyembre 31?

Maaaring tanggapin kung masatisfy ang alinman sa dalawang provision sa ibaba:

🧾 3. Ano ang Provision 1?

📌 Nakatapos ang bata ng isang (1) school year ng Early Childhood Care and Development (ECCD) program mula sa:

Pampubliko o pribadong Child Development Centers (CDCs)

Learning Centers na may permit o recognition

📄 Kailangang ipasa:

Certificate of Completion o Certificate of Attendance mula sa naturang center.

📋 4. Ano ang Provision 2?

📌 Ang bata ay kailangang sumailalim sa Philippine Early Childhood Development (ECD) Checklist assessment na isasagawa ng paaralan.

📅 Kailan ito isinasagawa?

Sa enrollment period hanggang sa unang linggo ng klase

👩‍🏫 Sino ang mag-a-assess?

Kindergarten teacher ng paaralan

📂 Para saan ang checklist?

Upang matiyak na handa ang bata para sa Kindergarten

Ang resulta ng assessment ay magiging batayan sa pagtanggap

Ang checklist ay isasama sa opisyal na record ng bata

❌ 5. Puwede bang tanggapin ang bata kahit walang ECCD certificate at hindi na-assess?
Hindi. Kailangang masatisfy ang kahit isa sa dalawang provision kung ang birthday ng bata ay mula Nobyembre 1 hanggang Disyembre 31.

🎯 6. Ano ang layunin ng bagong patakarang ito?

Masig**o ang kahandaan ng bata sa Kindergarten

Panatilihin ang kalidad ng early childhood education

Magkaroon ng mas makatarungan at inklusibong polisiya

Source: DepEd Order 15, s. 2025

Panahon na naman ng Brigada! Ang tema para sa taong 2025 ay “BRIGADA ESKWELA: SAMA-SAMA PARA SA BAYANG BUMABASA” Ito ay ...
06/06/2025

Panahon na naman ng Brigada!

Ang tema para sa taong 2025 ay “BRIGADA ESKWELA: SAMA-SAMA PARA SA BAYANG BUMABASA” Ito ay magsisimula sa Hunyo 9 hanggang Hunyo 13, 2025.

Kaugnay nito, naniniwala kami na ang inyong pakikibahagi ay makatutulong sa ikatatagumpay ng layunin upang maihanda ang paaralan sa pagbubukas ng taong panuruan 2025-2026.

Mabuga Elementary School invites volunteers, stakeholders, parents and alumni to be part of our 𝐁𝐑𝐈𝐆𝐀𝐃𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀 2025.

No other words to say but to say thank you very much sa lahat ng bukal ang puso na tumulong para sa BATA at sa BAYAN.

Tara na, Magbrigada na tayo!

Mabuga Elementary School1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ReportMarch 13, 2025 | 7:00 AM - 9:0...
13/03/2025

Mabuga Elementary School
1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) Report
March 13, 2025 | 7:00 AM - 9:00 AM

Mabuga Elementary School participated in the 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) on March 13, 2025, from 7:00 AM to 9:00 AM as part of disaster preparedness efforts. Students, teachers, and staff practiced the "Duck, Cover, and Hold" technique and orderly evacuation to the designated area. The drill was conducted smoothly, with an evaluation afterward to improve future response.

Halina't magpatala na!Bilang paghahanda sa pagbubukas ng School Year 2025-2026 Inaanyayahan po ang mga magulang ng mga b...
25/01/2025

Halina't magpatala na!

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng School Year 2025-2026 Inaanyayahan po ang mga magulang ng mga bata na magpatala na sa ating paaralang Mabuga Elementary School simula po January 25, 2025 hanggang February 15, 2025.

Ang Mabuga Elementary School ay nakikiisa  sa pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong buwan ng Nobyembre na may...
10/11/2024

Ang Mabuga Elementary School ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong buwan ng Nobyembre na may temang “Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines!”, sama-sama nating itinataguyod ang kaligtasan at proteksyon ng bawat kabataan.

Mahalaga ang papel ng bawat isa—pamilya, paaralan, pamahalaan, at komunidad—upang matiyak na ang mga bata ay lumalaki sa isang ligtas, makatarungan, at malaya mula sa anumang uri ng karahasan.



"Sa paglilingkod at pangangalaga, tayo'y nagiging ilaw ng mundo. 'Let your light shine before others, that they may see ...
09/11/2024

"Sa paglilingkod at pangangalaga, tayo'y nagiging ilaw ng mundo. 'Let your light shine before others, that they may see your good deeds and glorify your Father in heaven' (Matthew 5:16). Sa bawat gawa ng isang scout, buhay ang layunin para sa kalikasan at kinabukasan."

2024 BSP/GSP INVESTITURE AND REDEDICATION
Theme:
“Scouting Education for Sustainable Development”

Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na BSP/GSP Investiture at Rededication ngayong November 9, 2024. Sa inyong sipag, suporta, at dedikasyon, naisakatuparan natin ang isang makabuluhang pagdiriwang ng Scouting Education for Sustainable Development. Ang inyong tulong at inspirasyon ay tunay na nagbigay-lakas sa ating mga kabataang maging mga tagapangalaga ng kalikasan at bayan. Maraming salamat!

06/11/2024

Address

Mabuga, Gapan City, Nueva Ecija, Philippines, 3105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mabuga Elementary School- Gapan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Mabuga Elementary School- Gapan City:

Shortcuts

  • Want your school to be the top-listed School/college?

Share