23/04/2026
PARTNERSHIP NG ACES AT ATENEO, TARGET ANG PAG-ANGAT NG KALIDAD NG EDUKASYONG KATOLIKO
Mula sa opisyal na pahayag sa social media ng Apo Jose Catholic Educational System Foundation, Inc., inanunsyo ang bagong pakikipagtulungan nito sa Ateneo de Manila University na naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyong Katoliko sa kanilang nasasakupan.
Ayon sa naturang post, inaasahang makikinabang ang mga mag-aaral sa Diocese of San Jose sa pagsasanib ng community-based spiritual formation ng ACES at ng akademikong pamantayan ng Ateneo.
Bahagi ng kasunduan ang pagpapatupad ng mga programang pang-akademiko at pagsasanay para sa mga g**o at estudyante, na nakatakdang ilunsad sa kasalukuyang school year.
Ipinunto rin na layunin ng partnership na hindi lamang paghusayin ang akademikong kakayahan ng mga mag-aaral kundi pati ang kanilang pagpapahalaga at pananagutang panlipunan.
Itinuturing ang kolaborasyong ito bilang isang hakbang upang mapalakas ang edukasyong Katoliko sa rehiyon at maihanda ang mga estudyante sa mas mataas na antas ng pagkatuto at pandaigdigang pamantayan.
Courtesy: Apo Jose Catholic Educational System Foundation, Inc.