BSEd Filipino '01

BSEd Filipino '01 "Ang pagtuturo ng wika ay pagtuturo ng pagkakakilanlan"

Sa iba’t ibang tinig ng walong pangunahing wika, sumisiklab ang yaman ng ating pagkakakilanlanβ€”ngunit sa iisang himig ng...
16/04/2026

Sa iba’t ibang tinig ng walong pangunahing wika, sumisiklab ang yaman ng ating pagkakakilanlanβ€”ngunit sa iisang himig ng Wikang Filipino, tayo ay nagkakaisa.

Matagumpay na naitanghal ang BANYUHAY, isang dulaang Filipino na handog-pugay sa ating mga wika bilang mahalagang daluyan ng kultura, kasaysayan, at pagkatao. Sa pamamagitan nito, higit na naipakita ang ganda ng ating pagkakaiba at ang mas matibay na pagkakaisa na hinuhubog ng wikang nagbubuklod sa ating lahat.

Sa pangunguna nina Mark Lloyd Gonzaga, Justine Belasio, Kyla Mae Doseledad, Myralene Bonto, Nica Ella Casoyla, at Ailene Espaldon, kasama sina Gabriel Galimba, Mary Grace Baflor, Aira Kence Gabumpa, Joamae Abad, Crimkle Mancera, at Jenelyn Mampusti, buong husay na naipakita ang dedikasyon, emosyon, at pagganap sa bawat tagpo ng dula.

Lubos din ang aming taos-pusong pasasalamat sa Props Team, mga Disenyador ng Kasuotan, mga gumawa ng sayaw, at mga bumuo ng musika at kanta na walang sawang nag-ambag ng sipag, husay, at malikhaing pag-iisip upang mabigyang-buhay, kulay, at damdamin ang bawat eksena ng pagtatanghal.

Sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Suzanne Benitez at sa tulong ng Assistant Director na si Keziah Robin, naipamalas ng BSED Filipino 32001 ang isang makabuluhan, makapangyarihan, at kahanga-hangang pagtatanghal.

Bunga ng dedikasyon at husay ng buong produksyon, ang BANYUHAY ay pinarangalan ng mga sumusunod:

πŸ† DULAANG FILIPINO – SECOND PLACE
πŸ† GAWAD PANG-EDUKASYON (Educational Theater Award)
πŸ† PINAKAMAHUSAY NA ORIHINAL NA DULA (Best Original Play)
πŸ† PINAKAMAHUSAY NA DISENYADOR NG ILAW β€” Abby Rezaba

Isang pagtatanghal na hindi lamang umantig sa damdamin, kundi nag-iwan ng malalim na aral, inspirasyon, at pagmamahal sa ating wika at kultura.

Maraming salamat sa lahat ng sumuporta!

Damhin ang kwento. Pahalagahan ang wika. Isabuhay ang pagkakaisa.

πŸ‘©πŸ»β€πŸ’»: Michelle De Leon

May mga araw na puno ng ingay ang silid-aralan. Mga tawa ng mga bata, sabayang pagbasa, at tawag ng β€œMa’am” o β€œSir”… per...
16/04/2026

May mga araw na puno ng ingay ang silid-aralan. Mga tawa ng mga bata, sabayang pagbasa, at tawag ng β€œMa’am” o β€œSir”… pero sa likod nito, may pusong tahimik na napapagod at nasasaktan.

Inihahandog ng Ikalawang Pangkat ang β€œSa Likod ng Itim na Pisara” β€” isang sarswela na sumasalamin sa buhay ng gurong patuloy na nagbibigay, kahit siya mismo ay unti-unting nauubos.

Ito ang kwento ng isang gurong maagang gumigising, inuuna ang iba kaysa sa sarili, at patuloy na nagtuturo nang may pagmamahal sa kabila ng kakulangan. Ngunit sa pag-uwi niya sa tahanan, hindi niya matatagpuan ang pahinga kundi mga salitang nakasasakit. Mga mata na may pagdududa. Mga tanong kung sapat ba ang kanyang ginagawa, kung may patutunguhan ba ang kanyang sakripisyo. Sa halip na suporta, siya’y nakararanas ng pangmamaliit mula sa mga taong inaasahan niyang uunawa sa kanyaβ€”ang sarili niyang pamilya.

Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unting mabubuksan ang kanilang mga mata. Sa bawat batang natutong mangarap, sa bawat tagumpay na kanyang naibahagi, doon nila mauunawaanβ€”na ang gurong kanilang minamaliit ay isang haligi, hindi lamang ng tahanan, kundi ng kinabukasan. At sa huli, ang dating hindi napapansin, ay siya palang pinaka-mahalaga.

Pakinggan. Unawain. Pahalagahan.

Dahil sa likod ng itim na pisara, may gurong hindi lang nagtuturoβ€”kundi patuloy na nagmamahal, kahit siya’y nasasaktan.

πŸ‘©πŸ»β€πŸ’»: Michelle De Leon

May mga panahong tahimik ang paligid… pero hindi ibig sabihin nito ay payapa.Inihahandog ng Unang Pangkat ang β€œSa Anino ...
16/04/2026

May mga panahong tahimik ang paligid… pero hindi ibig sabihin nito ay payapa.

Inihahandog ng Unang Pangkat ang β€œSa Anino ng Palasyo” β€” isang sarswela na hango sa administrasyong Marcos, isang yugto ng kasaysayan na puno ng pangako ng kaayusan ngunit may kapalit na takot, katahimikan, at mga tinig na pinatahimik.

Ipinapakita nito ang pag-usbong ng isang lider na nangakong iaangat ang bayan, at ang unti-unting pagmulat ng mga mamamayan sa katotohanang matagal nang itinatago. Sa kwento nina Nestor, Maya, at ng iba pa, mararamdaman ang bigat ng panahong ang pagsasalita ay may kapalit, at ang pagtatanong ay nagiging kasalanan.

Pero sa kabila ng lahat, may mga taong piniling tumindig. May mga pusong hindi natakot. At may isang bayang dumating sa puntong hindi na kayang manahimik.

Isang kwento ng takot, tapang, at pag-asaβ€”na nagpapaalala na ang kalayaan ay hindi basta ibinibigay, ito ay ipinaglalaban.

Manindigan. Magsalita. Kumilos.
Dahil ang tinig ng bayan ay hindi kailanman dapat patahimikin.

πŸ‘©πŸ»β€πŸ’»: Michelle De Leon

kewl photo dump nila ma’am and sir after ng nakakashokot na sarswelaπŸ“ΈBSED Filipino 32001 talaga β€˜toβ€”walang tapon, sobran...
27/03/2026

kewl photo dump nila ma’am and sir after ng nakakashokot na sarswelaπŸ“Έ

BSED Filipino 32001 talaga β€˜toβ€”walang tapon, sobrang solid talaga–Rogelio Sikat (grabe cnabi niya yan?)

Sa iba’t ibang tinig ng walong pangunahing wika, sumisiklab ang yaman ng ating pagkakakilanlanβ€”ngunit sa iisang himig ng...
19/03/2026

Sa iba’t ibang tinig ng walong pangunahing wika, sumisiklab ang yaman ng ating pagkakakilanlanβ€”ngunit sa iisang himig ng Wikang Filipino, tayo ay nagkakaisa. πŸ‡΅πŸ‡­

Tunghayan ang BANYUHAY, isang dulaang Filipino na nagbibigay-pugay sa ating mga wika bilang daluyan ng kultura, kasaysayan, at pagkatao. Isang paanyaya na kilalanin ang ating pagkakaiba at yakapin ang pagkakaisa sa pamamagitan ng wikang nagbubuklod sa ating lahat.

Inihahandog ng BSED Filipino 32001 sa BCP MV Library.

Damhin ang kwento. Pahalagahan ang wika. Isabuhay ang pagkakaisa.

Tagadisenyo ng grapiko: Lilibeth Amar

Sa diwa ng sining, talino, at pagmamahal sa wikang Filipino, isang makabuluhang Balagtasan ang matagumpay na naitanghal ...
27/02/2026

Sa diwa ng sining, talino, at pagmamahal sa wikang Filipino, isang makabuluhang Balagtasan ang matagumpay na naitanghal ng BSED Filipino 32001.

Isang kahanga-hanga at makabuluhang pagtatanghal ang Balagtasan na nagpakita ng lalim ng pag-unawa at husay sa malikhaing paggamit ng wikang Filipino. Sa bawat patulang sagutan, malinaw na naipamalas ng mga mambabalagtas ang talas ng isip, malinaw na pangangatwiran, at masining na pagpapahayag ng damdamin at kaisipan.

Taos-pusong pagbati at paghanga sa lahat ng mambabalagtas na buong tapang na humarap sa entablado at nagbigay-buhay sa diwa ng Balagtasan. Ang inyong dedikasyon at galing sa pagtatanghal ay patunay na ang wikang Filipino ay patuloy na buhay, makapangyarihan, at mahalaga. Mabuhay ang BSED Filipino 32001 at mabuhay ang wikang Filipino!

πŸ‘©β€πŸ’»: Michelle De Leon
πŸ“·: Ariel Basmayor

𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐀𝐒π₯𝐞𝐧𝐞!Isang panibagong pahina na naman ang nabuksan at panibagong hamon na naman ang malalagpasan....
13/02/2026

𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐀𝐒π₯𝐞𝐧𝐞!

Isang panibagong pahina na naman ang nabuksan at panibagong hamon na naman ang malalagpasan. Maligayang kaarawan sa isang babaing may taglay na lakas at pagmamahal sa kan’yang magulang at mga kaibigan.

Nawa’y patuloy kang maging inspirasyon dahil sa iyong busilak na puso at katatagan. Dasal ko ang iyong tagumpay, kaligayahan, at gabay sa lahat ng iyong pangarap.

Muli, isang maligayang kaarawan sa'yo Ailene Espaldon



𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, π‰π¨πšπ¦πšπž! Isang simpleng babae ngunit ubod ng ganda, may pusong dalisay at boses na kayang magbigay-g...
07/02/2026

𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, π‰π¨πšπ¦πšπž!

Isang simpleng babae ngunit ubod ng ganda, may pusong dalisay at boses na kayang magbigay-gaan sa puso. Nawa’y mapuno ang iyong araw ng saya, pagmamahal, at walang katapusang biyaya.

I-enjoy mo ang bawat sandali dahil karapat-dapat ka sa lahat ng magaganda sa mundo. Cheers sa mas maliwanag na bukas!



𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐁𝐞𝐫𝐣𝐚𝐦𝐞, 𝐍𝐒𝐜𝐨π₯𝐞 π€π§π§πž!Sa iyong espesyal na araw, ang tanging dalangin namin ay mapuno ang iyong puso...
01/02/2026

𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐁𝐞𝐫𝐣𝐚𝐦𝐞, 𝐍𝐒𝐜𝐨π₯𝐞 π€π§π§πž!

Sa iyong espesyal na araw, ang tanging dalangin namin ay mapuno ang iyong puso ng tunay na kaligayahan at kapayapaan. Nawa’y maging simula ang taong ito ng mas marami pang tagumpay, magagandang pagkakataon, at mga pangarap na magkakaroon ng katuparan.

Sana ay mapalibutan ka ng pagmamahal hindi lang ngayong araw kundi sa lahat ng bukas na darating. I-enjoy mo ang bawat sandali ng iyong kaarawan dahil karapat-dapat ka sa isang selebrasyong kasing-ganda ng iyong hinaharap. Cheers sa mas marami pang blessings at tagumpay.



𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 π’πžπ§π²π¨π«, 𝐍𝐒ñ𝐨 𝐌𝐚π₯πšπ›πš! Maraming salamat sa pagiging isang totoong kaibigan at mabuting kaklase. Isang ...
14/01/2026

𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 π’πžπ§π²π¨π«, 𝐍𝐒ñ𝐨 𝐌𝐚π₯πšπ›πš!

Maraming salamat sa pagiging isang totoong kaibigan at mabuting kaklase. Isang karangalan na makasama ang isang taong katulad mo na laging handang tumulong nang walang pag-aalinlangan. Deserve mo ang lahat ng saya at tagumpay sa buhay.

Muli, maligayang kaarawan Kapatid!



𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, πŒπšβ€™πšπ¦ π™πšπ§πž! Sa araw na ito ay ating  ipagdiwang ang kaarawan ng isang kahanga-hangang tao na patulo...
10/01/2026

𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, πŒπšβ€™πšπ¦ π™πšπ§πž!

Sa araw na ito ay ating ipagdiwang ang kaarawan ng isang kahanga-hangang tao na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon at liwanag sa lahat. Ang kanyang husay, tatag, at mabuting puso ay tunay na karapat-dapat sa lahat ng pagpapala at kagalakang hatid ng bagong kabanatang ito sa kanyang buhay.

Nawa’y dumami pa ang bagong oportunidad at tagumpay para sa’yo. Ipagpatuloy mo ang iyong paghakbang patungo sa iyong pangarap.

Muli, maligayang kaarawan sa isang babaeng puno ng ganda at kalakasan.

Address

#1071 Brgy. Kaligayahan, Quirino Highway, Novaliches, Quezon City
Novaliches
1123

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BSEd Filipino '01 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share