12/07/2026
Keep safe and dry everyone!!!🌧☂️
𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞
Bilang pag-iingat sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng pinaigting na Habagat, walang pasok sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa buong Bayan ng Norzagaray bukas, July 13, 2026.
Bukod sa patuloy na pag-ulan, nakatatanggap na rin ang ating Lokal na Pamahalaan ng mga ulat hinggil sa mga natumbang puno at pagkawala ng suplay ng kuryente (brownout) sa ilang lugar sa ating bayan. Ang mga insidenteng ito ay nagpapataas ng panganib sa kaligtasan ng ating mga mamamayan, lalo na ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga kawani ng paaralan habang bumibiyahe.
Ang desisyong ito ay isinagawa upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga magulang laban sa posibleng panganib na dulot ng masamang panahon.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag at sundin ang mga opisyal na abiso mula sa lokal na pamahalaan at sa mga kinauukulang ahensya.
Ang kaligtasan ng bawat Garayeño ang ating pangunahing prayoridad.
Mag-ingat, Garayeño! Nakaantabay ang inyong Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng inyong lingkod, Mayor Merlyn Germar, para sa anumang kinakailangang tulong.