16/04/2026
Ang safe space ay hindi dapat ekslusibo sa estado, edukasyon, kalusugan, edad, kasarian, itsura, o kasuotan ng isang tao. Dahil ang respeto ay hindi pinipili, ito ay karapatan na dapat ipinatutupad kahit nasaan o sino ka man. Kaya sa pagdiriwang ng ika-7 anibersaryo ng Safe Spaces Act (RA 11313) ngayong April 17, naghanda kami ng isang episode kung saan pag-uusapan natin ang kahalagahan ng batas na ito.
Samahan kami ngayong Biyernes sa ating Legal Hour episode na pinamagatang “Safe Spaces Para sa Lahat: Karapatan ay Alamin, Respeto ay Pairalin” at pakinggan ang TINIG ni PCW Policy Development, Planning, Monitoring, and Evaluation Division (PDPMED) Chief GAD Specialist, Atty. Ma. Sophia Isabella P. De Castro.
Alamin natin ang layunin ng Safe Spaces Act na kilala rin bilang “Bawal Bastos Law,” ang saklaw ng gender-based sexual harassment sa pampublikong lugar, online spaces, workplaces, at educational institutions, at ang mga kaukulang parusa at pananagutan sa sinumang lalabag dito.
Pag-uusapan din natin ang mga hakbang kung saan maaaring lumapit ang mga biktima, paano isinusulong ang reklamo kahit kulang ang ebidensya, at kung paano patuloy na hinaharap ang mga hamon sa pagpapatupad ng batas matapos ang pitong taon—kasabay ng panawagan para sa mas ligtas na espasyo para sa lahat.
Dahil ang batas ay hindi lamang nakasulat sa papel, ito ay dapat nakapaloob sa ating araw-araw na pamumuhay bilang mga Filipino.
🗓️ Biyernes | ⏰ 1:00–2:00 PM
📻 Radyo Magasin 1278 AM, Capital 104.3 FM, PBS Receiver App
📱 Facebook Live: PCW, Radyo Magasin, at The Capital FM
:
🗓️ Sabado | ⏰ 12:00–1:00 P
📻 Radyo Pilipinas Radyo Publiko 738 AM
📺 TV Plus Channel 3 | Affordabox Channels 45–49