18/08/2026
𝙸𝚂𝙰𝙽𝙶 𝙼𝙰𝙸𝙽𝙸𝚃 𝙽𝙰 𝙻𝙰𝙱𝙰𝙽𝙰𝙽 𝙽𝙶 𝙸𝚂𝙸𝙿! 🧠
Walong seksyon ang nagtagisan ng talino, bilis, at kaalaman sa isang mainit at kapana-panabik na ASEAN Quiz Bee! Sa bawat tanong, nasubok ang kanilang kahandaan, habang sa bawat sagot ay ipinakita ang husay at determinasyon ng bawat kalahok.
Matapos ang matinding sagupaan ng isip, apat na seksyon lamang ang nagpatuloy upang makamit ang 3rd Runner-Up, 2nd Runner-Up, 1st Runner-Up, at ang pinakaaasam na Champion! 🏆
Ito ang mga seksyon na nanalo:
🏆 Champion: Michael Angelo Casagan at Ziel Hance Calano (Grade 7-Maparaan)
🥇 1st runner-up: Angel Zingapan at John Angelo Tribiana (Grade 10-Mapanuri)
🥈 2nd runner-up: Gianne Balolong at Leane Angelo Caliguiran (Grade 10-Mapagpala)
🥉 3rd runner-up: John Mark Macapia at Heinz Federic Gepila (8-Mapagmalasakit)
Hindi naging madali ang bawat hakbang, ngunit sa bawat tamang sagot, unti-unting nabuo ang daan patungo sa tagumpay. Sa huli sila ay naka kuha ng karanasan, kaalaman, at pagmamalaking bahagi sila ng isang makabuluhang laban para sa ASEAN.
Walo ang nagsimula, apat ang nagpatuloy, ngunit lahat ay panalo sa kaalaman!