13/06/2026
1st General PTA Assembly 2026
Matagumpay na naisagawa ang unang General PTA Assembly ng Pambilan Elementary School sa pangunguna ng aming School Head Officer-in-Charge, Sir Frank Frederick R. Laurora.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang na naglaan ng oras upang dumalo at makibahagi sa pagpupulong. Ang inyong presensya at pakikiisa ay mahalaga sa patuloy na pag-unlad ng ating paaralan at sa tagumpay ng ating mga mag-aaral.
Nagkaroon din ng mahahalagang talakayan ukol sa mga programa at proyekto upang mas mapalakas pa ang ugnayan ng paaralan at tahanan para sa kapakanan ng ating mga anak.
Maraming salamat po sa inyong suporta at kooperasyon!