15/08/2026
๐๐๐โ๐๐ญ๐. ๐๐๐ซ๐ข๐, ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐๐ก๐๐ญ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐ฒ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐๐ง๐ข๐๐ง๐ฌ ๐ฌ๐ ๐.๐. ๐๐๐๐โ๐๐๐๐
Bilang paghahanda sa pagsisimula ng unang semestre ng Akademikong Taon 2026โ2027, isinagawa ng Pangasinan State UniversityโSta. Maria Campus ang ๐๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐๐ก๐๐ญ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐ฒ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง para sa mga bagong estudyante nitong Agosto 14, 2026, na isinagawa online sa pamamagitan ng Microsoft Teams.
Ang aktibidad ay isang inisyatibo ni ๐๐ฌ. ๐๐จ๐ง๐ง๐ ๐๐๐ฒ ๐. ๐๐๐ฏ๐ข๐ง๐, ๐๐๐ค๐๐ง๐จ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐ง๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ -๐๐๐ซ๐๐ฅ ๐๐ญ ๐๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ง๐ข (๐๐๐), sa tulong ni๐๐ซ. ๐๐๐ซ๐ฅ๐๐จ ๐. ๐๐จ๐ง๐ญ๐๐ง๐๐ ๐ซ๐จ, ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ ๐ ๐๐ฉ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ ๐ง๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ -๐๐๐ซ๐๐ฅ ๐๐ญ ๐๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ง๐ข (๐๐๐๐). Layunin nitong maging pamilyar ang mga bagong PSUnian sa pamunuan, mga patakaran, serbisyo, programa, at mga oportunidad na maaaring makatulong sa kanilang paglalakbay sa unibersidad.
Nagbigay ng mensahe ng pagsalubong ni ๐๐ซ. ๐๐ฅ๐ข๐ฏ๐๐ซ ๐. ๐๐๐๐ฌ๐ข, ๐๐ก๐๐ค๐ฎ๐ญ๐ข๐๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ซ๐๐ค๐ญ๐จ๐ซ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ, na nagbigay ng paunang mensahe at pagbati sa mga bagong miyembro ng komunidad ng PSUโSta. Maria.
Bahagi rin ng programa ang pagpapakilala sa mga opisyal ng kampus, na pinangunahan ni ๐๐ซ. ๐๐จ๐ ๐๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐ฉ๐ก๐๐ซ ๐๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐, Tagapag-ugnay sa Yamang-Tao. Sa pamamagitan nito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga bagong estudyante na makilala ang mga pangunahing opisyal at kawani na nagsisilbing katuwang sa kanilang akademiko at personal na pangangailangan.
Mahalagang bahagi ng oryentasyon ang talakayan tungkol sa Mga Patakaran at Regulasyong Akademiko ng Unibersidad, na tinalakay nina ๐๐ซ. ๐๐ข๐๐ก๐๐๐ฅ ๐. ๐๐๐ฅ๐๐๐ณ, Tagapagtala ng Kampus; ๐๐ซ. ๐๐๐ซ๐ฅ๐จ๐ง ๐. ๐๐๐ซ๐๐๐จ, Dekano ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangg**o; at ๐๐ซ. ๐๐ข๐๐๐ซ๐๐จ ๐. ๐๐๐ซ๐๐ข๐, Dekano ng Kolehiyo ng Agrikultura. Binigyang-diin dito ang mga alituntunin at pamantayang dapat malaman at sundin ng mga estudyante upang maging maayos ang kanilang pag-aaral sa loob ng unibersidad.
Samantala, tinalakay ni ๐๐ซ. ๐๐๐ซ๐ฅ๐๐จ ๐. ๐๐จ๐ง๐ญ๐๐ง๐๐ ๐ซ๐จ, Pansamantalang Tagapamahala ng Tanggapan ng Ugnayang Pangmag-aaral at Alumni, ang iba't ibang Serbisyong Suporta para sa mga Estudyante. Binigyang-pansin din ni ๐๐ซ. ๐๐ก๐ซ๐ข๐ฌ ๐๐๐ข ๐๐ง๐ญ๐ก๐จ๐ง๐ฒ ๐๐๐ณ๐จ๐ง, G**o sa BEED, ang mga Serbisyo sa Gabay at Pagpapayo, na naglalayong matulungan ang mga estudyante sa kanilang akademiko, personal, at pakikisalamuha sa komunidad ng unibersidad.
Ipinakilala rin sa mga bagong PSUnian ang iba pang mahahalagang serbisyo ng kampus. Kabilang dito ang Mga Serbisyo ng Aklatan, na tinalakay ni ๐๐ฌ. ๐๐๐ฏ๐๐ซ๐ฅ๐ฒ๐ง ๐. ๐๐๐ฅ๐จ๐ง๐ , Tagapamahala ng Aklatan ng Kampus; Mga Serbisyong Pangkalusugan, sa pangunguna ni ๐๐ฌ. ๐๐๐ญ๐ก๐ฌ๐๐ข๐๐ ๐. ๐๐ฅ๐ฅ๐๐ซ, Nars ng Kampus; at Midya at Publikasyong Pang-estudyante, na kinatawan nina ๐๐ซ. ๐๐ข๐ง๐๐จ ๐. ๐๐๐ ๐๏ปฟ๐ฌ๐๐ ๐๐ญ ๐๐ซ. ๐๐๐ฉ๐ก๐๐๐ฅ ๐. ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ณ, mga Tagapayo ng Publikasyong Pang-estudyante.
Hindi rin nakaligtaan ang mga programang naglalayong paunlarin ang talento at kakayahan ng mga estudyante. Tinalakay rin ni ๐๐ซ. ๐๐๐ซ๐ฅ๐๐จ ๐. ๐๐จ๐ง๐ญ๐๐ง๐๐ ๐ซ๐จ ang mga Programa sa Kultura at Sining, ang mga oportunidad sa larangan ng sining at kultura, habang ipinakilala naman ni ๐๐ซ. ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐ฉ๐ก๐๐ซ ๐. ๐๐๐๐ก๐จ, Tagapag-ugnay sa Programa sa Pagpapaunlad ng Palakasan, ang mga gawaing pampalakasan na maaaring salihan ng mga PSUnian.
Nagtapos ang programa sa isang Bukas na Talakayan, kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga bagong estudyante na magtanong, maglahad ng kanilang mga saloobin, at linawin ang mga usaping may kaugnayan sa kanilang buhay-akademiko. Sinundan ito ng pangwakas na mensahe ni ๐๐ซ. ๐๐๐ซ๐ค ๐๐จ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐ญ๐ซ๐, Administratibong Opisyal V.
Sa kabuuan, nagsilbing mahalagang unang hakbang ang Pangkalahatang Oryentasyon upang maging mas handa at may sapat na kaalaman ang mga bagong PSUnian sa kanilang pagpasok sa PSUโSta. Maria. Higit pa sa pagpapakilala ng mga patakaran at serbisyo, ipinakita ng programa na ang unibersidad ay may iba't ibang tanggapan at programang nakahandang umagapay sa bawat estudyante.
Sa pagsisimula ng panibagong yugto, baon ng mga bagong PSUnian ang kaalaman, gabay, at inspirasyong kanilang natanggap, isang matatag na pundasyon para sa isang makabuluhan, masaya, at matagumpay na paglalakbay sa PSUโSta. Maria.