14/08/2026
Matapos magsilbing pansamantalang kanlungan ng mga evacuee dahil sa habagat, agad kumilos ang SPTA officers at mga boluntaryong magulang ng Verdant Homes Elementary School upang linisin at ayusin ang mga silid-aralan.
Sa kanilang sama-samang pagsisikap, naibalik ang mga silid sa maayos at ligtas na kalagayan para sa pagbabalik ng mga mag-aaral. Isang makabuluhang pagpapakita ng bayanihan at malasakit sa paaralan at mga mag-aaral. 💚