08/07/2017
"Confession of a son"
Tatay, haligi ng tahanan ang tawag natin sa kanila. Sya dapat ang gumagabay sa anak nya. Sya dapat ang sumusuporta sa pamilya nya.
Naiinggit ako sa iba, sa may mga tatay na responsable. Yun bang kapag hihiling ka sa kanya ng isang bagay ay gumagawa sya agad ng paraan?. Yung mga tatay na kakargahin ka at ipapasyal ka? yung tatay na sinisigurong magiging isa syang magaling na modelo sa kanyang mga anak?.
Kasi sakin iba, hindi ito ang tatay na nakita ko sa paglaki ko. Kasi si papa nagtatrabaho ng mabuti, nagtatrabaho ng mabuti hindi dahil para samin kundi para sa bisyo nya. Yung bang tipo na kapag uuwi ako ng bahay ay pulutan at alak agad ang makikita mo. Tapos pagdating sa pagkain ay hindi sya nagpapaubaya, okay lang sa kanya na hindi kami kumain basta sya oo. Sa totoo lang? San kaya pwede makahanap ng tatay na pwede ipamalit sa kanya no? Naaawa ako sa sarili ko pati na sa sarili ko, lalong lalo na kay mama. Nagagalit sya sakin kahit wala ako ginagawang kasalanan. Minumura nya ko, pinagtataasan ng boses.
Kung mayaman lang ako? mas gugustuhin kong lumayo nalang kami at mahiwalay sa kanya. Kasi sa ngayon puro sama ng loob ang nararamdaman ko pag nakikita ko sya. Siguro sasabihin nyo na mabuti nga ako may tatay. Gusto mo ba na makipagpalit sakin? kasi willing ako :). Aayusin ko ang sarili ko para kay mama at sa mga kapatid ko. Para kapag nakapagtapos ako ay mabibigyan ko sila ng magandang buhay na hindi kailanman binigay ni papa. Kaya kayong may mga mabubuting magulang, alagaan nyo sila :).
nnhs student.2017