13/08/2026
TINGNAN: Dagdag Seguridad para sa Ating Paaralan!
Isang malaking hakbang na naman para sa kaligtasan at seguridad ng ating mga mag-aaral, g**o, at school personnel!
Matagumpay na naisagawa ang installation ng karagdagang 8 units ng CCTV cameras sa ating paaralan. Dahil dito, mayroon na tayong 20 CCTV units na nakatutok sa iba’t ibang bahagi ng paaralan upang makatulong sa mas maayos na monitoring at pagpapanatili ng seguridad.
Paunti-unti, bawat classroom ay nalalagyan na rin ng CCTV. Bilang unang hakbang, nauna munang nalagyan ang Kindergarten classrooms at ang Grade 6 makeshift classrooms, habang patuloy nating pinapalawak ang CCTV coverage sa iba pang classrooms at strategic areas ng paaralan.
Ang proyektong ito ay bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na magkaroon ng ligtas, maayos, at secure na learning environment para sa lahat. Bawat dagdag na CCTV ay dagdag na hakbang tungo sa mas ligtas at mas protektadong paaralan para sa ating mga learners, teachers, at school personnel.
Sama-sama nating pinangangalagaan ang ating Muzon Elementary School family!