CLSU - Bachelor of Arts in Social Sciences BASS 2-3

  • Home
  • CLSU - Bachelor of Arts in Social Sciences BASS 2-3

CLSU - Bachelor of Arts in Social Sciences BASS 2-3 The Official page of Central Luzon State University's Bachelor of Arts in Social Sciences (BASS 2-3) A.Y 2024-2025

BASS 2-3 OFFICIALLY ENDORSES JOSE RAJEE C. RAMISCAL AND ELIJHA L. ROQUE FOR THE CASSSG ELECTIONS 2025!Sa nalalapit na ha...
17/05/2025

BASS 2-3 OFFICIALLY ENDORSES JOSE RAJEE C. RAMISCAL AND ELIJHA L. ROQUE FOR THE CASSSG ELECTIONS 2025!

Sa nalalapit na halalang pangkolehiyo, ang BASS 2-3 ay tumitindig kasama sina jose Rajee C. Ramiscal, tumatakbo bilang External Vice Governor, at Elijha L. Roque, tumatakbo bilang opisyal ng Finance and Audit. Naniniwala kami na isusulong nila ang karapatan at kapakanan ng mga estudyante ng CASS gaya ng kanilang paggabay, pagkalinga, at pagtindig para sa aming mga kaklase nila sa 2-3.

Sila ay mga mabubuting mag-aaral na nananatiling nasa University Scholars at College Scholars. Higit pa rito, kailanman ay hindi nag-atubili sina Rajee at Elijha sa pagtulong sa aming mga kaklase. Maagap silang sumasagot sa aming mga katanungan laluna patungkol sa academics, mga memo, anunsyo, at iba pang usapin ng konseho.

Sila rin ang ilan sa mga nananatiling naninindigan para maging boses naming mga karaniwang estudyante ng CASS! Isa sila sa mga unang rumeresponde sa tuwing may kailangan ang aming block, at sa tuwing kailangan namin ng mas malakas na boses para maipanawagan ang aming mga hinaing.

Nakita rin namin kung paano sila maging lider. Mapa-group project man o sa departamento, nakita namin kung paano tutukan nila Rajee at Elijha ang kanilang mga tungkulin bilang estudyante at lider. Walang pagkakataon na isinantabi nila ang aming mga mungkahi at puna. Malugod silang tumanggap ng kritisismo at nagtitiyak na nadidinig ang boses ng lahat—isang katangian na dapat taglay ng isang student representative na nagtataguyod at nagsusulong ng demokrasya at karapatang mamahayag!

Kaya naman, sa nararating na halalan para sa susunod na magiging representatibo natin, ating iboto, Jose Rajee C. Ramiscal at Elijha L. Roque! Para sa estudyante, sining, at masa!

Sa gitna ng dilim, may liwanag na nag-aalab— si Eyu, kabataan-estudyanteng may pusong lumalaban para sa masa at bayan.Is...
11/04/2025

Sa gitna ng dilim, may liwanag na nag-aalab— si Eyu, kabataan-estudyanteng may pusong lumalaban para sa masa at bayan.

Isa lamang siya sa mga kabataang aktibista na patuloy na lumalaban para sa karapatan, kalayaan, at katotohanan; ngunit sila'y patuloy ring tinatahimik ng mga may kapangyarihan, mga may salang hindi nais malantad sapagkat ang kanilang mga salita'y may kakayanang makapagpabagsak ng isang paghahari-harian.

Walang aktibista, kung walang nakikitang anomalya. Walang tinig na sumisigaw, kung walang kawalang-katarungan. Paalala na bawat karapatang ating tinatamasa ay bunga ng mga paghihirap at mga repormang inilatag ng mga aktibista sa mga kalsada— habang hawak ang mga karatula, kapit-bisig, at sumisigaw ng pagbabago.

Ang kanilang mga tinig ay hindi kailanman dapat pigilan, para sa mga na sa laylayan pang nangangailangan; karapat-dapat na patuloy na tumindig para sa ipinaglalabang mahal na bayan.

Kaya't kami, mga mag-aaral ng BASS 2-3, ay nakikiisa sa pagtindig para sa karapatan ng mga kabataan-estudyante. Hindi alintana ang mga banta at takot, patuloy na makikibaka, para sa kinabukasan na may pag-asa. Sa huli, kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan!




11/04/2025



OPISYAL NA PAHAYAG | Patungkol sa red-tagging attacks laban kay Eyu

Ang College of Arts and Social Sciences Student Government, bilang pinakamataas na lupong tagapamahala, boses, at representasyon ng sangkaestudyantehan ng Kolehiyo ng Sining at Agham Panlipunan, ay mariin na kinokondena ang pagr-redtag at pananakot ng pasistang estado laban kay Eyu.

Sa kabi-kabilang problemang naidulot at naidudulot ng administrasyong Marcos-Duterte, pangunahing prayoridad ng mga militar ang pananakot at pagpapatahimik sa mga aktibistang nagsasalita laban sa mga maling gawain ng mga opisyales na nakaupo sa gobyerno.

Ika-10 ng Abril, 2025, nag simula ang mga hindi unipormadong militar sa pangr-redtag kay Eyu sa pamamagitan ng pagpunta sa bahay ng kaniyang kaibigan at kung saan sinabi na siya ay isang NPA (New People’s Army) at nanghihikayat ng iba pang kabataan sa probinsya na sumali at maging kasapi nito.

Noong Nobyembre ng nakaraang taon, nakatanggap ng ulat si Eyu na siya ay “under-surveillance” at minamanmanan ng mga ‘di unipormadong militar at ipinagtatanong ng mga sundalo sa loob ng unibersidad.

Ang pang-aabuso na ito ay apak at luntarang niyuyurakan ang karapatan ni Eyu bilang isang estudyante na nais magsilbi sa kapwa kabataan.

Ang Kolehiyo ng Sining at Agham Panlipunan ay institusyong nagmumulat ng mga kabataan sa mga sosyo-politikal na isyu na kinakaharap ng ating bansa, hinihimok nito ang sangkaestudyantehan na alamin ang mga katotohanan at ipaglaban ang ano ang tama at nararapat. Kailan man ay hindi naging at magiging terorismo ang paglaban para sa karapatan ng mga mamamayang Pilipino.

Sa paghihirap na dinaranas ng bansa, hayaan natin na marinig ng pasistang administrasyon ang ating mga hinaing at ipinaglalaban bilang mga estuyante ng isang unibersidad ng estado. Itigil ang atake laban sa mga kabataan-estudyante!



"We are what we repeatedly do. Excellence, then, is not an act, but a habit"-AristotleCongratulations BASS 2-3 for your ...
15/01/2025

"We are what we repeatedly do. Excellence, then, is not an act, but a habit"
-Aristotle

Congratulations BASS 2-3 for your outstanding performance in the First Semester of the Academic Year 2024-2025! 🎉

We hereby present to you our virtual appreciation to commemorate each and every one of us for a job well done. May you continue to strive to reach your dreams and goals in life, cheers to BASS 2-3! 🥂

BASTA SOKSAY, MAHUSAY!

✍️: Princes Grace Castillo
🎨: Carla Mareoh Macapagal

“Education is the most powerful weapon which you can use to change the world”-Nelson MandelaCongratulations, BASS 1-3 on...
15/06/2024

“Education is the most powerful weapon which you can use to change the world”

-Nelson Mandela

Congratulations, BASS 1-3 on your remarkable achievements in the Second Semester of the Academic Year 2023-2024!🎉

Your determination and dedication have resulted in remarkable results. May you continue to strive and embrace new challenges as you learn new skills and knowledge in the future.

We hereby present to you our virtual appreciation to commemorate each and every one of us for the job well done.

This is only the beginning of many more remarkable milestones to come, cheers to BASS 1-3🥂

BASTA SOKSAY, MAHUSAY!

Caption by: Princes Grace Castillo
Layout by: Almira Joy Ramirez

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CLSU - Bachelor of Arts in Social Sciences BASS 2-3 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your school to be the top-listed School/college?

Share