05/08/2026
๐ช๐๐๐'๐ฌ ๐๐ฆ๐๐๐จ๐๐๐ฌ, ๐ง๐๐๐๐ก๐ง๐ข'๐ฌ ๐๐ง๐๐ก๐๐๐๐ โจ๐ค๐ต๐ญ
Ang Buwan ng Wika 2026 ay ipinagdiriwang bilang pagbibigay-pugay sa kahalagahan ng ating pambansang wika bilang salamin ng ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Sa taong ito, ang tema na "๐พ๐๐๐๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐ฐ: ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ป๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐" ay nagbibigay-diin sa papel ng Wikang Filipino sa makabagong panahon, kung saan ang Artificial Intelligence (AI) ay nagsisilbing katuwang sa pag-aaral, pananaliksik, at pagpapalawak ng kaalaman.
Gayunpaman, binibigyang-diin din ng temang ito na ang AI ay dapat gamitin nang responsable at may wastong pagpapahalaga sa ating wika, kultura, at sariling pag-iisip. Sa pagdiriwang na ito, iba't ibang patimpalak at gawain ang inihanda upang malinang ang pagkamalikhain, kritikal na pag-iisip, at pagmamahal ng bawat mag-aaral sa Wikang Filipino. ๐ต๐ญ
๐ฝ๐ผ๐๐๐ผ๐๐ 7: ๐ฝ๐ช๐๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ๐, ๐ฝ๐ช๐ค ๐จ๐ ๐๐ค๐ข๐๐ ๐จ! (๐พ๐ค๐ข๐๐ ๐ฝ๐ค๐ค๐ ๐ฝ๐ง๐ค๐๐๐ช๐ง๐)
โขLayunin: Nakakabubuo ng sanaysay tungkol sa pinakatampok na mga pangyayari sa buhay ng isang tauhan sa binasang akda at burador ng comic book brochure na isinasaalang-alang ang mga elemento ng biswal.
โข Mga Elemento ng Biswal:
1. Larawan (Illustration) โ Nagsasaad ng ideya at pangyayari.
2. Teksto (Text) โ Nagbibigay-kaalaman at nagpapaliwanag.
3. Speech Balloon โ Nagpapakita ng direktang sinasabi ng tauhan.
4. Kahon / Panel โ Naghahati ng mga tagpo sa kuwento.
5. Tono at Kulay โ Nagbibigay ng emosyon at damdamin sa komiks.
6. Sound Effects โ Nagpapatingkad sa aksiyon o pangyayari.
โขMga Hakbang sa Paggawa:
A. Piliin ang Tauhan: Pumili ng tauhan sa binasang akda na nais bigyang-pansin.
B. Isalaysay ang Buhay ng Tauhan: Isulat ang mahahalagang pangyayari mula kapanganakan hanggang sa tagumpay o ambag.
C. Planuhin ang Disenyo: Gumawa ng burador (draft) ng komiks brochure. Tukuyin ang mga panel, larawan, at teksto.
D. Buuin ang Komiks Brochure: Iguhit nang maayos, kulayan, at isulat ang mga diyalogo at paliwanag.
E. Suriin at Paghusgaan: Suriin ang iyong gawa gamit ang rubric at pagbutihin kung kinakailangan.
โขTandaan: Ang isang mahusay na comic book brochure ay malinaw, makabuluhan, malikhain, at kaaya-aya sa mambabasa.
๐ฝ๐ผ๐๐๐ผ๐๐ 8: ๐๐๐๐จ๐ช๐ก๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ผ๐ก๐๐๐ฉ๐ค๐ง๐ฎ๐๐ก
โข Tema:"Wikang Filipino: Paninindigan ng Kabataan sa Makabuluhang Pagbabago"
โข Petsa ng Pagsusumite: Agosto 14, 2026 (Biyernes)
โข Layunin: Hikayatin ang mga mag-aaral na gumamit ng wikang Filipino sa pagsulat ng editoryal sa paraang lohikal, mapanuri, at makabuluhan, kasabay ng paggamit ng generative AI bilang gabayan sa pagbuo, pag-iayos at pagpapahusay ng kanilang mga kaisipan.
โข Mekaniks:
1. Kalahok: Mga mag-aaral ng Ikalawang Baitang (Grade 8).
2. Gawain: Pagsulat ng editoryal sa wikang Filipino, na maaaring ginamitan ng AI bilang pantulong sa pananaliksik at pagbuo ng teksto.
3. Format: Isahang editoryal, 300โ500 salita, nakasulat at isinumite sa digital o printed form ayon sa itinakdang patakaran ng paaralan.
4. Pinagbabawal: Plagiarism at buong paggamit ng gawa ng iba. Dapat orihinal at sariling pagsusulat, ginagamit lamang ang AI bilang tulong sa pag-isip at pag-edit.
โขPamantayan:
โฆ Kalinawan ng Kaisipan (20%)
โฆ Pagiging Kritikal (20%)
โฆ Pangangatwirang Panulat (20%)
โฆ Wastong Paggamit ng Wika (20%)
โฆ Pagkamalikhain at Relevansya (10%)
โฆ Paggamit ng AI / Generative AI (10%)
๐ฝ๐ผ๐๐๐ผ๐๐ 9: ๐๐๐๐๐ก๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐ค๐๐๐ก๐
โขTema:"Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon"
โขPetsa ng Pagsasagawa / Pagpasa: Agosto 17-21, 2026
โขPamantayan:
1. Nilalaman at Kaangkupan: Ang pabalat ay malinaw na sumasalamin sa tema, tauhan, simbolismo at mensahe ng nobela.
2. Pagkamalikhain at Orihinalidad: Nagpapakita ng natatangi at malikhain konsepto sa pagdisenyo ng pabalat.
3. Disenyo at Presentasyon: Maayos ang komposisyon ng pabalat, paggamit ng kulay at kabuuang kaayusan ng pabalat.
โขSlogan:"Filipino: Wika ng Saliksik, Susi sa Kinabukasan! Ipagdiwang ang Filipino, Patuloy na Mag-aral, Gamitin ang AI nang Matalino!"
๐ฝ๐ผ๐๐๐ผ๐๐ 10: ๐ฝ๐๐ฟ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ผ
โขTema:"Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon"
โขPetsa ng Pagpapasa: Agosto 24, 2026
โขLayunin: Hikayatin ang mga mag-aaral sa responsableng paggamit ng AI na kasangkapan sa pananaliksik at tulay sa yaman ng impormasyon at pagpapayaman ng wikang Filipino.
โขMekaniks:
A. Malinaw ang mensahe tungkol sa kahalagahan ng tamang paggamit ng AI sa pananaliksik at pagpapayaman sa Wikang Filipino.
B. Gumamit ng makatotohanang halimbawa o sitwasyon (hal. paggamit ng AI sa edukasyon, pagsasalin, o pananaliksik).
C. Iwasan ang diskriminasyon, maling impormasyon, o mapanirang pahayag. Ang tono ay dapat nakahihikayat, makabayan, at makabuluhan.
D. Maaaring gumamit ng voice-over, subtitle, o on-screen narration.
E. Haba ng video: 2โ5 minuto.
F. Ipasa ang video entry sa link na ibibigay ng mga g**o sa Filipino.
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, nawa'y maging inspirasyon ang bawat gawain upang lalo nating mahalin, pagyamanin, at gamitin ang Wikang Filipino sa makabuluhang paraan. Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, kabilang ang Artificial Intelligence (AI), nawa'y magsilbi itong kasangkapan sa pagkatuto at pananaliksik, ngunit manatiling ang ating sariling kaalaman, pagkamalikhain, at pagpapahalaga sa ating wika ang manguna. Sama-sama nating ipagdiwang ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino at patuloy na itaguyod ang Wikang Filipino bilang tulay sa pagkakaisa, karunungan, at mas maliwanag na kinabukasan.
๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ! ๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ! ๐ค๐ต๐ญ
Cynthia D. Regalado
SSLG ADVISER
Dr. Mary Ann L. Ilagan
PRINCIPAL I
๐ผ๏ธ | REMOJO, Andrie Cyril Ruel P. - SSLG P.O
โ๐ป | PUELAN, Riczen C. - SSLG V. PRESIDENT