04/08/2026
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, buong pagmamalaking nakikiisa ang Danao Elementary School sa pagpapahalaga at pagsusulong ng ating pambansang wika bilang mahalagang bahagi ng ating kultura at pagkakakilanlan.
Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, binibigyang-diin ng temang ito ang responsableng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) bilang kasangkapan sa pananaliksik at tulay sa mas malawak na yaman ng impormasyon, habang patuloy na pinagyayaman at pinangangalagaan ang Wikang Filipino.
Sama-sama nating ipagdiwang ang ating wika, kultura, at ang makabagong edukasyon para sa mas maliwanag na kinabukasan.
Mabuhay ang Wikang Filipino! 🇵🇭📚💙🧡